Kasabay ng pag-ahon ng araw sa kulay asul na kalangitan ay siyang paggising sa amin ng aming guro na si Mr. Cruz para sa gaganaping individual category ng special exam.
Syempre, una sa lahat ay nag-almusal muna kaming lahat para magka-enerhiya naman kami para magkaroon kami ng lakas kahit papaano sa kung anumang pagsubok na kakaharapin namin.
"Panay tingin dito sa atin 'yang mayabang na Warren na 'yan." puna ni Mitch aa epal naming kaklase.
"Sasapakin ko na 'yan eh."
"Kalma ka lang. Huwag mong ipakita na masyado kang apektado sa kanyang ginagawa." pag-awat naman ni Kylie.
Kasalukuyan pala kaming nakaupo dito pa rin sa inupuan naming mga kahoy kagabi habang may mga paper plates kaming napakatong sa'ming mga binti.
Sanay ako sa hirap kaya sanay rin akong kumain ng ganito. Pero 'yung iba ko namang mga kaklase-- gaya na lang ni Sasha for example-- eh panay reklamo dahil sa hirap daw siyang kumain ng ganito.
Okay, mabalik tayo doon sa sinabi ni Mitch.
Pansin ko ngang ansama ng tingin sa akin ni Warren, na para bang inaalam na niya paano ako tatalunin sa gaganaping individual category.
Napalunok tuloy ako ng 'di oras.
Isang kamay ang naramdaman kong nakapatong sa aking kanang balikat. Nang pagtingin ko ay si Kylie lang pala iyon na kasalukuyang nakangiti sa'kin.
"Huwag kang masyadong kabahan. Enjoyin mo lang ang exam, pero at the same time ay huwag kang magpapatalo sa iyong mga kalaban. Lalo na doon kay Warren."
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Salamat Kylie."
Nang matapos na ang aming agahan ay tinipon kami ni Mr. Cruz sa entrance ulit ng kakahuyan. Pero pansin kong wala na sa kanyang tabi ang aming school director.
"Ang mahal nating school ditector ay kailangan nang bumalik sa paaralan agad-agad. Marami pa siyang dapat asikasuhin, pero natutuwa siya't nakasama niya kayo kahit sa isang gabi lang."
Nabasa yata ni Mr. Cruz ang pagtataka sa aking mukha kaya bigla niya na lang itong ipinaliwanag sa amin.
"Para sa inyong exam sa araw na ito, same mechanics pa rin para sa capture the flag game. Pero, since lima na lang kayo... iisang flag na lang ang hahanapin niyong nakatago sa kakahuyan na 'yan."
"Bahala na kayong gumamit ng inyong diskarte at mga properties para tuntunin ang kinalalagyan ng blue flag. Gano'n pa rin ang magiging sistema . Kung sinong estudyante ang unang makakapagbigay sa akin ng nasabing flag ay siyang tatanghaling panalo at ang may makukuhang pinakamataas na marka sa akin at isang special request naman galing sa ating school director. Maliwanag ba?"
Matapos maitalakay ng aming guro ang magiging mechanics ng exam ay nagsihanda na kami sa aming mga posisyon. Nasa pinakadulong bahagi ako sa may kanan habang nasa tabi ko lang ang epal na si Warren na may bitbit na isang Jansport bag na kulay itim ang nakasukbit sa kanyang mga braso sa likod
At bakit naman kaya siya magdadala nito sa loob?
Siyempre hindi ko nakaligtaan ang mga tingin niyang mapangkutya habang nakasmirk ito sa akin. Mas pinili ko na lang na huwag siyang pansinin at magfocus na lang sa gaganaping exam.
Nang maibigay na ni Mr. Cruz ang kanyang hudyat para kami ay magsimula na ay agad na kaming nagpaunahan sa pagpunta sa bukana ng kakahuyan bago kami tuluyang nakapasok.
Mula rito sa aking kinalalagyan ay hindi ko na mawari kung ano ang aking dapat gawin. Wala akong property na gaya ng kay Elise na makakatrace ng kahit anong bagay, o advance mindset ni Warren.
Paano ko kaya magagamit ang property na ipinagkaloob sa akin?!
As if to answer my question, may naramdaman akong kumalabit sa akin sa aking gilid.
Nagulat ako ng makita ko si Elise na naglalakad na ngayon sa aking kanan at nakatitig sa akin.
Ano kaya ang kanyang kailangan sa'kin?
"Tutulungan kitang mahanap ang flag, tutal wala na akong pake sa grades ko at mas lalo nang wala akong pake sa request na matatanggap ko sa aking ama." saad nito, na siyang ikinahinto ko sa paglalakad.
"Seryoso ka diyan? Bakit mo naman ako gustong tulungan? I mean pwede naman si Dwayne....or si Warren." nagtataka ko namang tanong sa kanya.
"Let's just say... Gusto kong ikaw ang mananalo sa paligsahang ito at siyang makakatanggap ng abilidad para magrequest ng kahit ano sa ama ko. Sounds like a plan to you?"
"Ha? Pero sigurado ako na hindi matutuwa rito ang iyong ama kapag nalaman niya ang bagay na ito "
"Nah. I'm sure matutuwa iyon kapag ikaw ang nanalo."
Kita kong nanlaki ang kanyang mga mata pagkatapos niyang masabi ang kanyang hulin kataga, na para bang hindi niya sinasadyang maisawalat ito.
Nakakapagtaka naman ang kanyang ikinikilos ngayon.
"Anyway, huwag ka nga puro tanong at satsat diyan. Kilos-kilos din, at baka ika'y mauunahan pa ni Warren at tuluyan nang maikick out mula sa Alpha Section. Gusto mo ba iyong mangyari, ha?" biglang bawi niya rin.
Magtatanong pa sana ako, pero baka either hindi niya ako sasagutin ng diretsahan or isasawalang-bahala niya lang ang aking katanungan. Kaya nanatili na lang tikom ang aking bibig tungkol sa aking narinig kanina
Napaisip naman ako sa kanyang tanong kanina.
"Siyempre, hindi. Kahit na papa'no ay napamahal na rin ako sa section na ito, though hindi ako gano'n ka sigurado kung bakit." pagsagot ko sa kanyang katanungan.
"Eh "yun naman pala. Tama na ang kakasatsat diyan at simulan na natin ang paghahanap sa pesteng flag na 'yan!"
Natawa na lang ako sa huli niyang sinabi bago kami magpatuloy sa paglalakad para hanapin ang aming target.
Gamit ang kanyang seismic sense property, mabilis niyang naitrace ang lokasyon ng hinahanap naming flag.
Kaso ang problema, nasa kabilang dako iyon, at kailangan naming tumawid sa isang nakapwestong hanging bridge para matawid namin iyon.
Wala naman sanang problema doon, kung hindi lang takot itong kasama ko sa mga hanging bridge.
Unang tapak niya pa lang at no'ng nalaman niyang umuuga ito ay agad siyang napakapit sa aking mga kamay, dahilan para magulat ako sa biglaan niyang kilos.
Kahit anong pilit ko ay ayaw niya talaga. Pero hindi ko naman siya pwedeng iwanan dito, 'di ba?
That leaves me with no choice then but to carry her in a bridal style habang tinatawid namin ang nasabing hanging bridge.
"Hey! Ano kaya sa tingin mo ang iyong ginagawa~"
"Bubuhatin kita o ibababa kita sa kalagitnaan ng tulay?" pagbabanta ko na siyang nakapagpatahimik agad sa kanya.
All throughout that scene was wrapped in total silence.
Sa wakas, nang nakatawid na kami sa naturang tulay ay agad ko ng ibinaba si Elise at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Matapos ang ilang segundo...
"There it is!" masigasig na saad ni Elise habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa kanyang harapan na as if nakikita niya talaga ito.
Pagkasunod ko ng kanyang itinuturo ay siyang pagkakita ko sa hinahanap naming flag na nakasabit sa ibabaw ng isang malaking puno ng Acacia.
Sa wakas...saad ng isipan ko. Natagpuan na rin namin ang hinahanap naming target.
BINABASA MO ANG
Alpha Section
Ciencia FicciónAng Alpha Section ay isang naiibang grupo na inorganisa ng aming eskwelahan- ang Eastwood High- na kung saan, ayon sa mga nagkalat na haka-haka sa buong campus, ang mga pinaka-matatalinong estudyante lamang ang nakakapasok. Subalit wala sa amin ang...