Chapter 1°
Childhood"Sweetheart, arrange yourself. Visitors are coming over to have dinner here at our house,"sabi ng mama ko na ikinainis ko ng sobra.
Naglalaro kasi ako sa dollhouse ko at malapit na ako sa ending ng planado kong love story ni Barbie at ni Ken kaso dumating naman si Mama.
Mas mahaba pa yata tuloy yung pagaayos ko ng dollhouse ko kaysa sa paglalaro ko!
Bakit ba kasi naginvite pa si Mama ng mga bisita para lang kumain ng dinner dito sa bahay? Hindi ba sila marunong magluto o wala lang talagang pambili?
Pero imposible naman yata na walang pambili yung bagong kapitbahay namin eh kinuha nila yung house and lot sa katabi namin. Ang laki-laku kaya noon kaya for sure ay mahal at malaki din ang presyo.
"Okay po."
Iyan na lamang ang nasagot ko sa mama ko bago siya umalis sa kwarto ko. Ano pa bang isasagot ko?
Hindi naman ako pwede tumanggi kasi seven years old palang akong bata na mahal na mahal ng mga magulang dahil sa angking ganda ang kacute-an.
Matapos maligo ay dumeretso na ako sa cabinet ko at hatak ng isang dress na pink galing kay Mama na nakahanger.
Buti nga hindi napunit. Hindi ko kasi maabot kasi hindi pa naman ako ganoon katangkad.
Sinuot ko na ito at pinaresan ng cream colored na dollshoes ko. Nagsuklay lang ako at naglagay ng onting cologne at bumaba.
Nagmamadali ako kasi baka pagalitan ako ni Mommy kapag late ako kaso nasobrahan yata kaya hindi ko namalayan na nabunggo ko na ang isang batang lalaki.
Wait. Bakot may batang lalaki dito eh ako lang naman ang bata sa bahay na ito?
Baka siya yung bisita pero grabe naman at gumagala na agad sa bahay namin at ang kapitbahay namin na ito! Tinitignan niya ako ng masama.
"Tss. Are you blind?"
Di ko mawari kung iritable bang tanong niya sa akin o sadyang masama lang talaga ang hangin na nakapalibot sa kanya.
Kaso napatingin ako sa mukha niya at kung anong sama ng hangin ang nakapalibot sa kanya ay ganoon naman kaganda ang mukha niya kahit nakasimangot pa siya.
"Huh?"
'Ano nga ulit ang sinabi niya?'
"Okay. Don't answer that. By the way my name is Ijiwaru. Nice to meet you daughter of our new neighbor,"friendly niyang sabi at lalong lumiwanag ng ngumiti siya at pinakita ang maputi niyang ngipin.
Aw. Nose bleed. Sino po ang may tissue diyan? Pwede pahinge?
"Nice to meet you rin. Hehehe. Ako pala si Yoru. Pwede ba kitang tawaging Waru? Masyado kasing mahaba kung Ijiwaru."sabi ko. Feeling close lang ako ngayon.
"Sure! By the way highway where's the restroom?"
Aba! Marunong pala siya mag-tagalog at magjoke.
"Ah yun ba? Nasa dulong door. Sige baka mama is finding me already,"paalam ko sa kanya.
"Thanks. Tell my mom I went to your bathroom. Nice to meet you again,"sabi ni Waru.
Dali-dali akong bumaba at nakita ko ang mama ko with two persons na hindi pa familiar ang mukha sa aking matalinong brain cells.
Lumapit ako kay mama then she introduced me to her visitors.
"This is my daughter that I was talking about. Isn't she wonderful?"
Hinapit ako ni Mama sa bewang para mas malapit ako sa kanya a ngumiti naman ako sa mga visitors namin.
"What a very pretty little girl. I bet she's as old as my little Waru too,"sabi ng middle age woman.
"Mama ka po ni Waru?"
"Yes. Why? You know Waru already?"
"Opo. Pinapasabi po niya na he's just going to the bathroom,"sabi ko.
"Thank you sweetheart,"sabi ni tita.
Simula noon ay lagi na kaming magkasama ni Waru. Always magkalaro at magkasama. We are inseparable talaga.
Kung iniisip niyo na we are childhood friends you're WRONG...
Dahil ang totoo nyan ay we are Childhood Bestfriends.
And we are the most best of bestfriends na kahit anong gawin mo ay di mo kami mapaghihiwalay. At dahil UNLI ako...
Diba ang ganda ko? (Connect?)
♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚♔♚
Haha sana may nagbabasa naman...
Keep tuned para sa updates guys.
Salamuch!!!
VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."