Dedicated to @simplychummy na nagsulat ng Avah Maldita: Ano Aarte Pa? Favorite ko po iyon. Give it a try!
Here is the update⇨⇨⇨
Yoru POV
Hay. Bukas na pala yung exam namin. Kailangan ko na magreview para hindi ako mawala sa top 10 na may mataas na grades. Hindi na kasi pwede yung eenie meanie sa test kasi college na ako at syempre ayokong i-disappoint ang parents ko.
Pero pwede ring hindi na magreview para walang hassle. Hahaha. Joke!
Ito ako ngayon sa kwarto ko...naghahanda ng mga gagamitin ko para makapagreview.
Books✔
Notebooks✔
Yellow Pad✔
Black Ballpen✔
Red Ballpen✔
Okay. Ready na yung mga gagamitin ko. Gagawa kaya muna ako ng reviewer? Para naman mas madali yung pagrereview ko bukas. Onting review ulit bukas incase may nakalimutan.
Binuksan ko muna yung libro ko sa Mathematics. Haha. Hindi ko po hate yung Math katulad ng ibang students. Actually magkasundo nga kami eh.
Nagtataka nga ako sa meaning nila sa Math eh. Magkaiba kasi kami ng pananaw. Sila yung Math ay...
M-ental
A-buse
T-o
H-umansOh diba? Ang harsh nila sa Math! Dapat isipin nila ay madali lang ang Math para mapadali din ang buhay nila! Parang ganito...
M-eryenda
A-gahan
T-anghalian
H-apunanHay Naku. Kung ganyan ang definition niyo ng Math eh ang dali na ng life diba? Alam ko naman lahat tayo favorite yang mga iyan kaya Don't stress yourself thinking negative thoughts!
Ayan tuloy! Hindi na ako makapagreview kakadaldal ko. Okay review muna ako okay...
Argh. Alam niyo ba yung feeling ng binabasa mo naman pero hindi pumapasok sa utak mo? Alam ko alam niyo.
Yung tipong hindi mo maintindihan kaya ang ending ililigpit mo na ang gamit mo at matutulog na. Tapos bukas manghihiram ka ng reviewer ng iba kasi hindi ka nakapagreview.
Wahaha. FYI Hindi po ako ganon guys.
Kasi ako ngayon ay nakikipagtitigan sa notebook at libro ko. Hinihintay ko kung sino sa amin ang unang kukurap. At syempre ako ang unang kumurap.
Alangan naman yung libro at notebook yung kumurap noh! Iba nayun. Matakot ka na at pati notebook nabuhay lang para masilayan ang kagandahan kong taglay. Wahaha.
Gawa muna ako ng reviewer.
Buklat doon, sulat dito.
Tingin doon, sulat dito.
Search doon,sulat dito.
Next subject, sulat pa more.
Wala na akong yellow pad. Omgie! Gabi na kaya natatakot ako lumabas. Huhuhu. Maghahanap nga ako sa kwarto ko baka may natira pa.
Ayun! Naalala ko meron palang yellow pad na nakaipit sa lumang notebook ko noon eh. Nasaan ko ba nalagay yun? Uhm. Aha! Sa may baul pa yata. Makuha nga.
Binuksan ko na yung notebook para kuhanin yung yellow pad na nakaipit ng may nalalaglag na papel. Picture ata yun eh.
Pagkapulot ko nakita ko na picture pala namin ni Waru ito. Ang hiyain pa ng itsura ko dito tapos si Waru naka nerdy glass. Ang cute namin tignan dito nung bestfriends pa kami.
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."