Chapter 7° Wondering

150 43 2
                                    

"Inhale..." (singhot)

"Exhale..." (buga)

OKAY, I'M READY.

Step. Step. Step.

Ayoko naaa!!  Backout nalang ako. Waah! Uwe nalang po ako. Mama!  Papa! Huhuhu.

Kung nagtataka kayo kung ano ang ginagawa ko...Kasalukuyan kaya akong nasa pinto rooftop at ito ako kabado much. Paano kung killer pala ang nagpadala ng letter? Edi mababawasan nanaman ang magagandang nilalang sa mundo kapag nededok ako, joke! Yung  mamatay ako hindi yung maganda ako. Hihihi

Anong oras na ba? *tingin sa wristwatch* Hala. 4:00 na eksakto.

Naglakas loob na akong pumasok kasi wala namang mangyayari kung magpapakaduwag ako diba. Kaya ayun no choice, pasok!

Pagkapasok ko may nakita akong lalaki naka-hood. Shemayness naman oh! Naka-hood pa si kuya di ko tuloy makikita ang mukha niya. Malay mo panget, allergic ako dun eh!

"Uh. Excuse me po ikaw po ba nagsulat nito,"tanong ko at nagaalangang lumapit para ipakita ang sulat na natanggap ko kanina.

Akala ko sasagot siya, pero hindi pala. Nag-nod lang siya na lubhang ikinainis ko. Ano ba ito pa-mysterious si Kuya. Then sumenyas siya na lumapit pa ako. Bilang likas na masunurin at maganda lumapit ako, syempre. Pero alam niyo ba kung ano ang nakaka-bad trip?

Yung kahit lumapit ka hindi mo parin makita o maaninag man lang ang mukha niya. Ayon sa nakikita kong suot niya except for the Hood ay naka-uniform din siya ng school namin. Ibig sabihin nagaaral din siya dito diba? Malamang. Medyo matangkad este matangkad pala siya hindi medyo lang. Mas mataas ang height niya kay Atsui. Tsk. Bakit nasingit yung admirer ko dito?

"Yoru..."sabi ni kuya. Ilang centimetres nalang ang layo namin. Ako ay nakatingala na ng bongga sa kanya. Eh sa matangkad siya. Medyo matangkad din naman ako noh! 5'5 kaya itong dyosa niyo. At binanggit ni Mr. Kuya ang pangalan ko. Andaya ah! Alam niya pangalan ko tapos pangalan niya di ko alam.

Tanga ka Yoru? Secret nga diba?  Edi kapag sinabi niya ang name niya hindi na iyon secret. Ang BO mo x2. Tsk.

Hehe. Sorry naman other side of Yoru Asatte's brain.Sabatera ka talaga kahit kailan.

At dahil sa pakikipagusap ko sa brain ko Hindi ko namalayan as ng susunod na ginawa niya na ikinagulat ko. He closed the space gap between us.

Shemay! Ang first kiss ko...
.
.
.
.
.
WALA NA!
.
.
.
.
.
JOKE!!!

Masyadong mabilis kayong magisip. Niyakap niya lang po ako uy. Pero nakakagulat padin na hindi ko siya tinulak dahil unang una, niyakap niya ako ng di nagpapaalam. Pero sa if naman papayag ako magpayakap kapag nagpaalam siya noh! Pangalawa, hindi ko siya kakilala dahil nga ayon sa other side of Yoru Asatte's brain ay secret admirer kaya kahit kilala ko talaga ito di niya sasabihin dahil ang maarte na si kuya may nalalaman pang secret-secret. Tsk. Pero mas maganda na niyakap niya lang ako kaysa sa ginawa niya yung nasa isip niyong meaning ng ' closed the space gap between us'.

Naistatwa ako sa move niya. At narealize ko ang isang bagay
.
.
.
.
.
.
CHANSING!!! WAAH...
Joke!

Ilang segundo rin siyang nakayakap sa akin. Sige lang kuya Enjoy ka lang sa pagyakap habang nasa State of Shock ako. Wala akong ginawa at nanatili lamang na makatayo habang yakap niya ako. Wala kaming sinabi na kahit na ano. Wala ring siyang ginawa except sa pagyakap niya. But I didn't hug back. Masyado na nga siyang maswerte at nakayakap siya sa isang Dyosa eh tapos mag hahug back pa ako. NO WAY HIGHWAY!

Mamaya ay tinanggal niya na rin ang yakap niya at naglakad papuntang pinto ng rooftop and exited the rooftop without glancing sa akin. Then he disappeared into my sight.

Ako naman ito dumbfounded. Gulat parin sa nangyari for today. Sino ba siya? Kilala ko kaya yun?

Bakit kasi ang mysterious niya eh.  Huhubells naman oh!!!

$OMEONE'S  POV

Nakita kong may pinaabot ba chocolates kay Yoru. Tapos tinuro ng nagabot si Atsui at ngumiti naman ito. Si Atsui? Nagbigay ng isang bagay? At isa pa chocolates? Bago yun ah.

Kilala kasi si Atsui dito sa school namin dahil sa matalino, mayaman at gwapo siya. At kilala din siya na friendly at sociable.  Pero ang pinakakilala siyang field ay...

Sports?

Hindi.

Kundi ang pagiging madamot. Madamot pagdating sa pagkain. Lalong lalo na sa sweets na kasama ang chocolates. Kaya nga bakit binigyan ni Atsui si Yoru ng chocolates kahit di nanghihingi? Kahit naman magmakaawa ka diyan para humingi ng pagkain, hindi ka niya bibigyan. So how come ngayon nagkusa siyang bigyan si Yoru. Baka nagtatag si Atsui ng Chocolate Feeding Program at kasama si Yoru sa Beneficiaries nito? Diba? Malay mo ginagamit niya ang yaman niya para kahit konti sabihing mapagbigay siya.

Pero paano kung may gusto siya kay Yoru? Pogi Points na ito? Suhol malamang.

Tapos tumingin si Yoru kay Atsui na kumakaway na akala mo may pinaparang airplane. Tsk. Hindi naman ako inggit eh. Naiinis ako kasi nginitian ni Yoru si Atsui!!!

Masakit din kaya yun. Isa kasi ako sa malayong tagamasid kay Yoru. Marami kasi kami na nagmamahal sa kanya. At isa ako doon. Kaya napagdesisyunan kong magpakita sa kanya (parang multo ang peg ni Kuya!) pero hindi ko pinakita ang mukha ko. I will try to make a move to her na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Para kahit hindi niya ako kilala sa ngayon, makikita at mahahawakan ko siya.

Hindi ako Torpe at nagtatago sa likod ng hood na iyon. I will reveal my true identity on the right time at the right place. Pero isa lang ang masisigurado ko.

Hindi ko hahayaang mapunta kahit kanino si Yoru.

Kahit Kay Atsui o sa nilalaman ng puso ni Yoru.

Dahil Yoru is mine and ONLY MINE.

And no one will ever change that whatever happens.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Okay POV ng secret admirer ni Yoru. Ang possessive niya lang ano. Eh kung tanggalin kaya natin siya sa characters?

Tignan natin kung gumanyan pa siya. Pero well napanatili parin ni Yoru ang kanyang pagiging model ng Rejoice shampoo. Haba ng hair!

Pero huwag magalala Palmolive, Bounce, Bounce, Bounce lang yan diba?

Pero kahit matagal ako mag UD sana support my story. Sana nakabawi na ako sa maraming updatessss.

I'll be so glad kung magcocommemt or Vote kayo. Thank you my dear readers.

Love Lots...

Park Chanyeol of EXO as Ijiwaru Itsuka

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon