Chapter 4° Present Time

184 44 1
                                    

(a/n) Special Thanks kay buriedprincess sa magandang book cover. Choi Sulli of F(x) as Yoru Asatte and Park Chanyeol of EXO as Ijiwaru Itsuka.

Mga Kpoper dyan kawaY! Okay ito na po ang update.⇨⇨⇨

Chapter 4° Present Time

Kriiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!

Argh! Bakit ba kasi naimbento ang alarm clock? Kainis eh. Makatulog na nga lang ulit.

"AYOKO!" Sabi ko sa pangit na fairy sa harap ko. Paano kasi gusto niyang magpalit kami ng mukha.

"Ibibigay ko ang 3 wishes mo ibigay mo lang ang mukha mo sa akin,"sabi ng chakang fairy.

"Sayo na yang wishes mo. Gumanda ka sana ng konti. Lumayas ka na nga sa harap ko. Nakaka bad vibes ka eh!" Sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan ako ng fairy... ... ...

"Ay chakang pangit na fairy!"napasigaw ako dahil sa gulat.

Paano ba kasi pagkadilat ko bigla kong nakita ung chakang fairy este si Mama pala. Ginigising ako. Kanina pa may umaabala ng tulog ko ah! Wala pa naman nagsasabi sa aking illegal na ang matulog.

"Sweetie, wake up you're gonna be late for the 1st day of school,"sabi ni Mama at inalog nanaman ako.

What? Nakalimutan ko iyon? Napaupo ako sa sobrang gulat. Grabe kailangan ko nang memory plus gold para sa gold memory!

"Hey aren't you supposed to get ready? You have 20 mins. left para may spare time ka magbyahe to school. C'mon and get your butt of the bed,"sorry naman!

Napaka ano talaga ni Mama. Makautos nanaman wagas eh. Pero nga huwag magreklamo at kilos na!

Dali dali akong naligo.

Sinuot ko ang bagong uniform ko. Ang cute ng uniform namin. YELLOw siya. Pero mas maganda kapag black. Favorite color ko yun eh!

Kumain nalang ako sa loob ng kotse ng sandwich. Tumingin ako sa relos ko. Time Check: 07:04 am.

25 minutes to go before ako malate. COLLEGE na ako. 'Yay! Celebration'

Nagambala ang pakikipagusap ko sa sarili ko nang biglang nagsalita si Mr. Bodydriver. (kasi pag guard, bodyguard ) Okay corny...

"Ah. Miss nandito na po tayo."

"Thank you po Manong,"sabay baba ko sa magarang kotse namin.

Pagkababa ko nasilaw ako sa mga flash ng mga camera at napalibutan ako ng mga tao at sinalubong ng mga interviewers. Kaya syempre di totoo yun.

Pagpasok na pagpasok ko palang sinalubong ako ng yakap ng best friend ko na si
.
.
.
.
.
Kyoki.

Yup it's not as you expected. She's my high-school friend and one year ahead siya sa akin. Dito siya nag college kaya dito narin ako. Ito kasi ang pinakamalapit na school sa house namin pero ewan ko kay Mama kung bakit nung gradeschool at high-school ako hindi ako dito nagaral.

"Wahhh! Kanina pa ako naghihintay sayo Yoru! Naghihirap na ba kayo at maski pangtext wala ka na?"sigaw niya sa akin. Naku kung OA ako mas OA itong best friend ko! Wait! Nagtext siya sa akin?

(Ano ba iyan Yoru pag nagkataon mahirap at bingi ka na nyan!)

Sabatera ka talaga other side of Yoru Asatte's brain! Wala kasi akong narinig na may nagtext sa akin.

Ay shunga! Paano ko malalaman eh naka-silent pala ako. Wag pairalin ang katangahan dito Yoru. Nakalimutan lang Tanga agad? Di ba pwedeng nalimutan inumin yung Memory Plus Gold lang...?

Kinuha ko yung iPhone ko sa bulsa ko. Kailangan talaga may plus "i" sa phone para sabihing mahal ung pagkakabili? Pero eh sa yun talaga ang brand ng phone ko. Hayaan niyo na ako magyabang!

Wow. 5 missed calls at 3 messages lang naman. Makareact lang wagas.

FROM:KYOKI

Uy kailan ka dadating pag magugunaw na ang beloved mama earth?

7:00 am

FROM: KYOKI

Nasaan ka na? Nasa Mercury ka na ba at di mo ma-receive ang message ko? Reply here...

7:15

FROM:KYOKI

HOY! BABAE REPLY!

7:20

WOW. Kailangan ALL CAPS kapag nagtext? Ramdam na ramdam ko ung galit niya nung tinatype niya yan...Daig pa si Mama magtext eh. Masyadong Demanding.

"Anak ng kabayo. Pinaglihi ba yung brains mo sa airplane?"sabi ni Kyoki na may papadyak padyak effect pa.

"Huh? Anong airplane? "Naku may naiisip nanaman ito si Kyoki .

"Tss. Pagong din yata,"sabi niya at umirap sa akin.

"Hindi ako slow noh! Masyado lang kasing mataas ang level ng kalokohan cells mo kaysa sa akin,"sabi ko na nakapamewang sa kanya. With matching taas kilay and duro duro sa kanya.

R I N G ! ! !

"Sige na friendship ha , punta na ako sa class ko."paalam ko.

"Uy ha. Sabay tayo sa lunch ha baka iwanan mo ako,"sabi ni Kyoki.

"Oo na. Para kang bata dyan layas na malate ka pa!"sabi ko at naglakad na ako paalis.

Papunta na akong classroom este locker pala. Naglalakad ako na nagmumuni muni na nagiisip then ngumunguya. Yeah multi-tasking ako ngayon kaya naman dahil sa kalabuan ng mata ko or adik na brain ko, hindi ko nakita na may paparating kaya ayun as you expected...

BLAGGGGGGGGGG!!!

Ayan dinagdagan na ni Ms. Author ng G's kasi nabunggo ko na nabitawan ko pa ang mga dala ko. Bulag yata si nakabangga.

Muntik narin ako matumba pero napakapit ako sa balikat niya kaya hindi ako nahulog. Okay bumitaw ako sa kanya kasi ang awkward ng posisyon namin. Nakatungo lang ako at pinagmasdan ang mga libro na nahulog akala ko dadamputin ni kuya. Tsk. Lalaki siya kaya nga awkward yung posisyon kanina.

Wala yata sa lahi nila ang magpaka-gentleman. Or baka bakla naman ito kaya hindi uso sa kanya yun.

Tumingin na ako ng tuwid para tignan ung mukha ng bumunggo sa akin.

Pagka angat ko ng ulo ko biglang namilog ang mata ko sa nakita. Shet! Ang gwapo niya...

At iyon ang kinagulat ko...

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Sinong pwede magbigay ng Memory +gold kay Yoru?

Sino kaya yung gwapo na bumunggo sa kanya?

May request ako...comment naman kayo oh... Vote narin.

Pero di sapilitan yun. Pero ang sapilitan...I-SHARE NIO PO ITONG STORY KO PLEASE!!!

De joke! Basta thank you sa pagbabasa :-)

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon