Pagkatingin ko nasa harap ko na si Waru. Nagspace-out ako? Di ko man lang namalayan. Ayos.
"Hey. Saang planet lumipad yang utak mo?"sabi ni Waru na tumigil sa harap ko.
Tumingin ako sa kanya Tapos Niyakap ko siya ng mahigpit. Malay mo last na yakap ko na sa kanya yun. Wag naman sana.
"Uy what's your problem Yoru?"sabi ni Waru na mahahalata sa boses ang pagaalala.
"Waru Can I tell you something important? "Sabi ko na nakayakap parin. Bakit ba trip ko manchansing eh. Haha Joke.
"Sure what is it?"
"Huwag ka magagalit ha!"paninigurado ko. Mabuti na yung sure.
"It depends on what you're gonna say. Malay ko ba kung sabihan mo ko ng I love you ,ibang usapan na iyon,"sabi niya sa akin ng pabiro.
Pero imbis na matawa lalo pa nya akong pinakaba. Waaah. Ang hirap kapag masyado akong kabisado ni Waru hindi ako makakapag sinungaling nito eh.
"Tss. Gusto kita," sabi ko sa kanya. Serious ako pero parang nung lumabas sa bunganga ko nagtonong joke. Jongdae lang parang.
Tapos parang hindi naman ako seryoso talaga sa pinagsasabi ko. Mamaya sabihin ni Waru change topic kasi akala niya ginu good time ko siya. Ayoko na kaya ulitin ang mga katagang binitawan ko kanina. Wala na akong lakas ng loob pag nagkataon!
Inalis niya na yung yakap ko pero hinawakan niya ang mga balikat ko. No don't do it Waru maaalog ang utak ko.
"Alam ko crush mo ako Yoru,huwag ka na mag-joke. Am I gonna laugh already ?"nakasmile niyang sabi at mukha ngang di sya naniniwala dahil he took it as a joke. Pagkasabi niya nun ay inalog niya ang kaluluwa ko. Sabi ko sa inyo eh! Ok.. Back to the Scene guysss.
"Joke lang hihihi"hala! Bakit ko sinabi iyon? Adik talaga ako oh. Bakit binawi ko pa? Edi uulitin ko ulit yung sinabi ko kanina eh it takes a lot of effort and kanin to do that.
Kanin? Wahaha saan ko napulot yun? Epekto ng kabado.
"Masama na tama mo Yoru. I think you got up on the wrong side of the bed huh?"bakit? Masungit ba ako, di naman ah!
Inhale.....
Exhale.....
Inhale....
Exhale...
1...
2...
3...
GO!!!
"KASI MAHAL KITA!"
Ayan tapos na. No erase. Period.
"Huh?!"playful to confused look,
TIME TO EXPLAIN...
"Magaling ka mag-acting ha! Kaso hindi parin kita idol, "tapos nagbelat siya sa akin.
"So Mature,"sabi ko sa inasal niya.
"Ang funny mo naman Yoru. Ano pang joke mo maliban sa mukha mo, "makalait ah. Porket cute at gwapo ka lang...
Pero ano ito barahan nalang? Di ko hahayaan yun!
(naks! Lakas ng loob mo ah!)
Huwag ka na nga sumabat other side of Yoru Asatte's Brain. Kailangan ko iactivate ito. Focus.
SERIOUS MODE ACTIVATED!
"ALAM KO nakakatawang isipin na gusto kita pero yun yung totoo. PERIOD. NO ERASE. CROSS MY HEART,"pagiintroduction ko.
Hinintay ko siyang sumagot pero he stayed emotionless kaya itinuloy ko na ang SONA ko.
"Waru diba sabi natin sa isa't isa magiging honest tayo palagi? Kaya ito ako ngayon magpapaka-honest sayo. Crush talaga kita dati. Crush lang. Pero habang tumatagal it becomes deeper and I don't know kung love ba ito. Gusto ko lang malaman mo so I can still have your trust. Hindi ko gugustuhin na gustuhin mo ako pero ngayong alam mo na ang feelings ko kahit di madali sana hindi tayo magkailangan. Sana maging best of friends parin tayo. Sana Waru walang magbago sa atin,"hopeful kong sabi sa kanya.
Tinignan ko siya. Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha niya. Then something happened unexpectedly.
A smile crawl to his face. Tama ba ang nakikita ng mga mata ko? He's smiling at me. Pero ang smile na yun ay hindi tulad ng mga ngiting binibigay niya sa akin nung di pa ako umaamin sa kanya. Yung mga panahong di pa niya alam ang nararamdaman ko.
I must admit na ang ngiti na ito ay hindi sumisimbolo sa karaniwang sagot na 'OO'. Pero parang sad smile. Parang last smile niya sa akin? Or sorry smile dahil...Omo!
Iniisip ko palang I want to cry na. Parang Ayoko ng marinig ang sunod niyang mga sasabihin.
"Sorry Yoru, only my friendship I can offer you but hindi ko papayagan ang hinihiling mo sa akin Yoru dahil masasaktan ka lang if I act like nothing happened and you didn't said anything. And hindi ko rin maiiwasan mailang sayo after what I heared dahil may mga actions ako na mabibigyan mo ng ibang ibig sabihin and I don't want you to give false hope to you.
I'm not heartless and selfish. I have a good childhood memory with you but I guess we'll end up here."sabi ni Waru ng calm but deadly serious.
"So yun na iyon? After all the years dahil lang sa pagtatapat ko mawawala ang pinakaiingatan kong friendship natin. After 6 years iiwasan mo ako? It's okay lang masaktan ako dahil sa pagbalewala ng feelings ko kaysa mawalan ng dalawang important things sa buhay. Ang pagibig marami naman dyan. Darating kung mayroon pero ang kaibigan na totoo bihira yan Waru, bihira ang isang tulad mo,"hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa nararamdaman ko.
Bakit ba kasi ako nagkagusto sayo?
Sayo na magcocomfort sakin.
Sayo na laging nagpapatawa sa akin.
Sayo na sumusuporta sa akin.
Sayo na laging nagsasabi at nagpaparamdam na tama ako.
Sayo na pwede kong sandalan at iyakan anytime.
Sayo na nireject ako for my own good at nagsakripisyo.
Sayo na mahal ko.
At higit sa lahat...
Sayo na best friend ko.
"Sorry and enjoy..."at tumalikod na siya sa akin at naglakad papalayo sa akin.
Naiwan akong umiiyak doon. I wiped my tears from my face and shout at him. "I hate you Mr. Itsuka! Bwiset!"pero as if naman maririnig niya ako!
And anong sinasabi niyang enjoy? Enjoy na masaktan?
For my sake daw? Para hindi ako masaktan?
Eh ano ito? Sinaktan niya ako...
Pero sabi nga nila kung hindi para sayo huwag mo nang habulin. Bibigyan ka ni God ng mas maganda at bonggang blessing.
At kung may nawala may dadating...
I smiled to what I thought, after all kailangan ko rin ito. Hindi man mawala ang feelings ko I have to be used to the absence of his presence.
And live a life happier the next time around...
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇
Masyado na syang madrama noh?
Pero hayaan niyo di ito drama. Chapter 3 lang ang madrama.
WARNING:Huwag gagayahin si Yoru na 13 palang inlove na.
Hahaha. Sorry kung lame ang excuse ni Waru for leaving. Pero onti palang ang alam ko sa love na iyan dahil 12 palang ako.
Gulat kayo? haha Kaya ayan sabaw!
Thank you sa pagbabasa, pa-share naman oh!
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."
