Lumipas ang mga araw at patuloy parin si Atsui sa pagbibigay ng kung ano-anong bagay. Flowers, chocolates, teddy bears, libreng food at kung ano ano pa. Yoru name it, Atsui will give it. Pero kahit ganon ang set-up nila hindi parin maiwasan ni Yoru ang hanapin ang tunay na laman ng puso niya. Si Ijiwaru at Musume laging magkasama kaya ayun si bruha nagseselos kahit aminado rin naman siyang kinikilig kapag si Atsui ay bumabanat ng pick up lines sa kanya. Ayaw man niyang aminin sa sarili na napapasaya siya ni Atsui eh napapansin parin ito ng kanyang ka- tropang bagets friends. Kaya kapag tinatanong siya kung bakit masaya siya ang lagi niya lang isasagot ay natatawa siya sa kakornihan at kaengengan minsan ni Atsui. Tatawa na lamang si Kyoki at Hiruma at aasarin ang dalaga at binata ng bongga.
Yoru POV.
Naglalakad ako papuntang locker para ilagay ang mga gamit ko at iready ang gagamitin for next subject ko. Pagkabukas ko bumungad agad sa akin ang condolence letter na galing kay Mr. Kuya, haha. Oo iyan ang tawag ko sa secret admirer ko na sobrang sineseryoso ang word na secret na naglalagay sa locker ko ng condolence letter ( black and gold kasi ang color).
Huh? Anong isinisigaw, pinagkakalat, ichinichismis ,pinaguusapan,pinagmamalaki, at sinasabi niyo? Ah, okay. Thank You sa pagsabi ng maganda na ang haba pa ng hair!
Kasalukuyan kong binubuksan ang letter ni Mr. Kuya at aba,aba... lume-level up si Kuya! May kasama na po kasing food ang letter. Hi-Ro cookies umaygad!
YORU,
Isang simpleng regalo para sa isang simple't magandang babae...
Oo na po. Huwag niyo na po ulitin. Sabi ko naman po sa inyo I'm pretty beautiful talaga eh. At hindi lang words niya amg nagpasaya sa akin. Pati syempre ang binigay niya.
Opo. Yung Hi-Ro favorite ko yun eh! Stalker yata ito si Kuxa. Favorite color at snack ko alam niya ? Aba, malupet. Kaso ang ikinaiinis ko kapag inilabas ko na ung Hi-Ro sa katawan ko (poop) eh kulay green na ang pou ko. Nakakain na ba kayo ng maraming Hi-Ro? Diba ganun ang nangyayari? Hehe kwinento ko pa eww kaya yun.
Nilagay ko na ung Hi-Ro sa bag ko. Ayoko sa locker mamaya niyan may kumuha. Ayoko nga noh! Kinuha ko narin ang mga gamit ko sa school at naglakad na papuntang cafeteria ng biglang sumulpot ang dalawang Tropang Bagets at isang feeling gwaping.
"Yoru, akin na iyang bag mo ako na magdadala,"sabi ni Atsui habang bumubuntot sa akin. Parang aso lang ganern.
"Uy aba, duma-damoves ka na Atsui ah,"sabi ni Kyoki at nag giggle sila ni Hiruma. Sige Pagkatuwaan niyo ako.
Nainis ako sa dalawa kaya hinambalos ko kay Atsui ang bag ko. Hinambalos asin hinagis at hinampas sa kanya. Nasa loob narin naman kami ng cafeteria at ang mga tao ayun busy sa pagkain.
"Oh ayan na. Type mo yata eh."sigaw ko sa kanya at sumalampak na sa upuan.
"Oo type talaga kita,"sabi ni Atsui sa malakas na boses kaya ayun ang mga taong busy sa paglamon kanina ay nagtilian. Napatingin tuloy ako ng masama sa kanya. Bakit ba kasi dito na sa table namin ito natambay. Ginagawa tuloy kaming source of entertainment ng mga tao dito.
"Uuyy..."
"Ayiiieehh..."
"Yosui! Yosui! Yosui!"
Ay! Ang daming alam ng people in the cafeteria ah! Napablush tuloy ako. Kinilig kasi ako onti kanina late reaction ang cheeks ko.
Kinurot naman ni Atsui ang pisngi ko. Oo na cute na ako! Kailangan mangurot peste! Masakit kaya, try niyo!
"Ang cute mo magblush Yoru!"nakangiti niyang sabi. Ayan ako na ang hahalili sa kamatis dahil sa super pula ng mukha ko. Atsui stop making me kilig na okay?
Pero naputol ang makesong palabas ng biglang may nagdabog ng kamay sa lamesa na gumulantang at nakaipon ng atensyon mula sa mga tao sa cafeteria. Malamang mukha ng teleserye ang nangyayari. At bilang likas na mga chismosa, chismoso, usisera, usisero, pakielamera at pakielamero or other terms na gusto niyo gamitin sa mga taong nakikisawsaw lagi ang mga students dito tumingin din sila sa pinanggalingan ng tunog.
"Kung gusto niyong magligawan dalawa huwag dito sa school, go get a place you belong. This school is for education purposes not for your romance thing serve as an entertainment of the stupid students. Here. ,"galit na sabi ni Waru at padabog na umalis.
"Anong nangyari dun?"kunot noong tanong saming tatlo ni Atsui.
"Malamang nagselos yun diba Kyoki?"sabi ni Hiruma at lumingon kay kyoki.
"Bakit naman magseselos ang lalaking iyon?"kunot noo paring tanong ni Atsui. Ano ba itong Lalaking ito tanong ng tanong eh ako nga nagulat din. Pare pareho lang kaming lahat dito ng mga nasa Cafeteria.
Bumaling ng tingin sa akin si Kyoki at ngumiti at tinusok tusok ako sa tagiliran. "Uy may lihim na pagtingin sayo si Ijiwaru best! Magdiwang kana!!"sabi ni Kyoki at nakisabay na rin si Hiruma sa pangaasar.
"Si Ijiwaru Itsuka? Naku huwag na siya umasa, dahil unang una wala na siyang pagasa. Diba Sweetheart?" Sabi ni Atsui na umakbay pa sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at nagsmile siya sa akin at nag-wiggle ng eyebrows. Yuck! Nakakasuka.
"Hala. Wala daw pagasa. Hindi mo alam baka isa siya sa matindi mong kalaban. Alam mo na baka isa pala sa inyo amg nilalaman ng ginintuang puso,"tapos umubo ubo si Kyoki . Tsk. Makalait ah. "ni Yoru Asatte."
"At Atsui okay lang iyan. May the best gay este bayot este man win pala,"sabi ni Hiruma na seryosong nanglalait kay Atsui.
Wait lang guys ha. Bakit kaming Tropang Bagets ang hilig manlait. Sabi nga nila birds with the same feather flock together. Tama ba yung quote. Hehe.
"Sweetheart totoo ba iyon,"sabi ni Atsui at nagpout sa akin. Akala mo naman cute siya,gwapo naman.
"Tss. Sweetheartin mo feslak mo!"sabi ko. Umirap ako sa kanya at kinuha na ang bag ko sa upuan at padabog na umalis. Nakakainis kasi ung mga tao dahil ginagawang show ang nangyayari. Feeling nila nagaacting kami dito! How dare they think of us as a source of their entertainment! Pero sabagay nga naman mukha naman kasi akong Artista diba?
Tapos habang naglalakad ako napangiti ako bigla dahil biglang may sumagi sa brilliant, genius, intelligent brain ko.
Kung talagang may Hidden pagtingin sa akin si Waru...Naku! Naku talaga mga friends!
Ako na. Ako na talaga ang dyosa ng mga dyosa ng kagandahan.
Ako ang may pinaka makamandag na ganda.
Ako ang title holder ng Ms. Galaxy. Ang asawa ni Wu Yi Fan. Haha. De joke! Kay Waru my loves na ako kaya! At higit sa lahat mamaya matusok pa ako ng baba ni Kris. Ang hard ko po. Sorry po. Mianhe!
Okay balik sa magandang ako...
Paano nga kung meron talaga?
Naku! Magpapa fiesta ako. Ipapaletchon ko na si Kyoki. Okay hard ko nanaman.
Pero grabe talaga. Daig ko na si Shamcy Supsup at si Ariella Arida.
Kinabog ko na amg beauty ni Julia Baretto ...
At mas mahaba pa ang black hair ko sa 70 feet long golden locks ni Rapunzel.
At ayon nga kay Tito Boy...
Ako na!
◆◆◆◆◆◆◆◆◇◇◇◇◇◇◇◇◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆
Ito po UD ulit...Sino ang may bias kay Wu Yi Fan or more known as Kris. Kayo na bahala kung paano niyo papatayin si Yoru.
Painfully Slow o Fast and Furious ang peg niyo?
Basta sa pagpaplano kayo na bahala, sa pagUud ay ako na.
Love Lots...
Musume Yooka as Dasom of Sistar sa multimedia...

BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Подростковая литература"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."