Chapter 18° Rooftop Heartbreak

66 31 0
                                    

Dedicated to @sielalstreim for being such a great author! I'M HER FAN.

ATSUI POV

Masaya kaming kumakain nina Kyoki Hiruma at Yoru sa cafeteria. Madalas narin akong dito umuupo kasi wala lang trip ko lang.

May napansin akong suot ni Yoru kaya kinuha ko yung kamay niya.

"Diba ito yung couple bracelet? Bakit dalawa,"tanong ko kay Yoru dahil marami akong nakikita na may ganito sa school.

"Bigay iyan ng secret admirer ni Yoru. Astig at Sweet diba?" Sabi ni Kyoki at ngumiti kay Yoru.

"Dalawa?!" Tanong ko. Hindi naman siguro two timer si Yoru diba?

"Ewan. Ayiie Yoru,"sabi ni Hiruma.

"Haha. Inggit nanaman si Kyoki," sabi ni Yoru at tinuro pa si Kyoki na habang tumatawa.

"Heh!"sigaw ni Kyoki kay Yoru.

"Binigyan din kami ni Yoru ng ganyan eh. Friendship bracelet naman,"sabi ni Hiruma.

"Ganun? Bakit ako wala?"sabi ko at nagpout sa harapan ni Yoru. Binato niya tuloy ako ng tissue sa mukha. Siguro hindi niya ako maresist kapag nagpout ako. Sabagay ang cute ko kasi eh.

"Oo nga pala. Kinuha ko iyon kanina eh,"sabi ni Yoru at may hinugot sa bulsa niya. Couple bracelet din yun ah? Binigay niya sa akin yung isa doon at yung isa ay binulsa niya ulit.

"Ano ito couple bracelet --- Aray!" Sabi ko at binatukan nila akong tatlo. Bakit? May nasabi ba akong mali? Couple bracelet naman talaga ito eh.

"Ilusyunado,"sabi ni Hiruma.

"Desperado,"sabi ni Kyoki.

"Feelingero,"sabi ni Yoru.

"Ouch naman ha. Oo na. Friendship bracelet pwe!"sabi ko at ngumiwi. Minsan lang naman ako magdaydream tapos gaganunin pa ako. Hmp.

May sinabi sila kanina eh. Secret Admirer? Ni Yoru? Nakakaselos ah, kung sabagay maganda rin naman si Yoru. Inside and out pa kaya hindi na ako magtataka kung magkaka secret admirer siya.

Natapos na kaming kumain at natapos narin ang lesson. Ang hindi nalang tapos ay ang umuwi.

Kaso naalala ko si Yoru. Ihatid ki kaya siya. Diba? Para may pogi points ako. Oo alam ko na pogi na ako. No need to mention kaya points nalang ang kulang. Tutal maggagabi narin.

"Uy bro! Sama ka sa gimik namin. Ilang beses ka na absent ah,"sabi ni Lowell.

"Oo nga. Bakit kaya?"sabi naman ni Tom.

"Baka busy kay Miss Yoru Asatte haha,"sabi ni Lowell. Nasabi ko ba sa inyo na siya yung nagabot kay Yoru dati ng chocolate kaya kilala niya?

"Oo nga ano? Kaya nga hindi sumasabay sa pagkain na natin,"sabi naman ni Andrew.

"Loko. Alis na ako. Ihahatid ko pa si Yoru eh,"sabi ko sa kanila.

"Magingat ka lover boy,"sigaw ni Tom.

"Baka madapa ka tol!" Sabi ni Andrew.

Hinanap ko si Yoru sa classroom niya. Nagtataka ba kayo kung bakit iba kami ng classroom ngayon? Kasi naglesson kami sa course namin na kinuha eh hindi naman pareho course namin.

Hinanap ko siya sa hallway ,sa library sa mga rooms, sa sulok, sa gilid, sa sahig pero hindi sa kisame.

Lahat na naikot ko pero wala daw si Yoru. Nasaan na kaya si Yoru? Sa Mars? Utak lang naman naman niya ang nakakarating doon sa lugar na iyon eh.

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon