Chapter 24° Couple?

66 31 0
                                        

Dedicated to @owwSIC dahil nabaliw ako sa kakatawa sa mga story niya. Haha.

Update na here→→→

YORU POV

Nagising na ako. Nandito parin ako sa loob ng kwarto ni Waru. Ibig sabihin ba hindi talaga panaginip ang nangyari kagabi?

Panaginip lang. Asa forever ka nalang! Sigaw ng konsensya ko sa akin. Bastos talaga. Sabatera!

Tsk. Basta totoo pala talaga yun. Waru is still the little Waru that I know. My oppa! Kaadikan ko lang sa KPOP at pati dito dinadala ko language nila.

Kinusot kusot ko muna ang mata ko at umupo. Nahilohilo pa ako dahil sa bigla kong pagupo at mayamaya ay naging okay na ang paningin ko.

Biglang bumukas ang pinto kaya napadako doon ang paningin ko at nakita ko si Waru na nakasilip lang ang ulo sa maliit na puwang ng pinto.

"Good morning Princess. Fix yourself, we are going somewhere,"nakangiting sabi niya sa akin. Ang ganda yata talaga ng mood ni loko ah?

"Saan?" Tanong ko sa kanya at nilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng baba ko at hinimas himas ito. Kunwari detective lang ang peg ko.

"Somewhere,"sabi niya at sinarado na ang pinto. Shunga lang ni Waru dahil nakalimutan niyang tanggalin ang nakasilip niyang ulo kaya ayun naipit. Pero joke lang yun.

Pa-mysterious pa si kuya eh. Hihi. Nakakainis lang at kinilig pa ako sa somewhere na iyon.

Basta alam ko ay kailangan ko nalang na magayos para sa somewhere na iyon. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ni Waru.

Bumaba na ako at nasalubong ko si Tita Yumiko kaya bumati ako sa kanya.

"Goodmorning po Tita,"sabi ko.

"Yoru, your parents already went home. Maaga pa yata ang alis nila. Try mo kung maaabutan mo pa sila,"sabi ni Tita.

"Kainis naman sila. Sige po. Thank you. Uuwi narin po ako,"sabi ko.

"Ingat ka ha,"sabi ni Tita at magrereact na sana ako ng bigla niyang dinugtungan ang sasabihin niya.

"Sa paglalakad. Baka madapa ka,"sabi ni Tita at ngumiti. Tumawa naman ako sa sinabi ni Tita.

"Haha. Katabi niyo lang po yung bahay namin. Baka nga madapa ako. May humps pa naman dun,"sabi ko at tumawa naman si Tita sa pinagsasabi ko.

"I like your humor Yoru,"sabi niya before I wave my last goodbye to her.

Baka masyadong mapahaba ang kwentuhan namin at makalimutan kong may pupuntahan pala akong somewhere.

Pagdating ko sa bahay eh wala na nga sina Mama at Dad. Iniwan talaga nila ang napakagandang anak nila no? Grabe talaga sila. Hindi bale. Hindi ko naman kinapangit ang pagiwan nila sa akin.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko at naligo. After ko maligo ay nagsuot ako ng dress na kulay blue na may prints na floral medyo at may collar.

Sleeveless at above the knees. Tinali ko ang buhok ko but I leave some of my hair at the side of my face. I wore my flat white rubbershoes.

Biglang tumunog ang iPhone ko kaya kinuha ko ito sa ibabaw ng kama ko.

FROM: WARU
Here already.

Two words lang yun pero agad akong naexcite kaya hindi na ako nagabalang maglagay ng kung anoano sa mukha ko dahil bukod sa excited ako ay maganda na ako kahit walang make-up.

repudiate|✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon