Dedicated to @jonaxx for the story...
Update⇨
YORU POV
"Ma'am, "sabi ni ate sa pinto ko na nakasarado.
"Pasok po ate,"sabi ko habang nagaayos ng sarili.
"Ma'am may naghihintay po sa inyong lalaki sa labas,"sabi ni Ate na biglang namula.
Anyare dito? Natatae kaya siya o kaya...kinikilig? At bakit naman kikiligin si Ate.
"Anong nakita niyo po?"
"Manliligaw niyo po ba ang nasa labas? Ang hot eh,"sabi niya at nagpaypay pa gamit ang kamay niya.
ABA. Ang harot mo teh! Ikaw na!
"Ah,eh oho sige po bababa na po ako at ate drink water dahil baka magcollapse ka po dyan,"sabi ko,"Sige na ate, chupi!"
Pagtataboy ko sa kanya.
Naglagay ako ng baby powder at kinuha ko na ang bag ko at lumabas na mula sa kwarto ko.
Pagbaba ko ay nakita ko sina Mom and Dad. Nginitian ko sila and I kissed them and said goodbye.
Paglabas ko ng gate nakita ko siya na nakasandal sa kotse niya at nakatingin sakin.
"Uy! Atsui, ayos porma natin today ah. May lakad lang?" Bungad ko sa kanya
"Oo. Ilalakad ko na ang mga papers para sa kasal natin,"sabi niya.
Feel na feel na ikakasal kami! Patayin ko kaya itong lokong lalaki na ito para hindi na matuloy amg kasal.
"Pero bago mo gawin iyan bakit ka ba andito? I'm going to school pa,"sabi ko.
"Ihahatid ka. Sa tingin mo saan tayo pupunta ng nakauniform at ang aga pa para gumala,"sabi ni Atsui.
"Aba malay ko ba sayo. Bakit ako ang tinatanong mo?" Sabi ko.
"Kasi Yoru gusto ko sagutin mo na ako,"sabi niya and wiggled his brows.
Haha. Peste ka. Ang agaaga pinapakilig mo ako Atsui. Nakakainis ka na talaga Atsui. Pero nakakakilig ka din.
"Asa ka,"sabi ko at binelatan siya.
Pumunta na siya sa tapat ng pintuan kung saan ako uupo. Pumunta na rin ako doon at aasahan ko na bubuksan niya pero ngumisi siya sakin.
"Asa ka,"sabi ni Atsui.
At umikot na siya at pumasok na sa driver's seat. Ako naman ay sumimangot at pabagsak na binuksan at sinara ang pinto.
Walang hiya talaga ang loko!
"Ang ungentleman mo naman. Iyon pa naman ang isa sa gusto ko sa lalaki,"sabi ko.
"Ah ganun ba? Sige bumaba ka muna,"sabi niya at napatingin ako sa kanya.
Papatunayan niya ba talaga na hindi siya gentleman at papababain niya ako at iiwan dito.
Nagtataka man ay bumaba ako at mas nilakasan ko ang bagsak ng pinto ng kotse niya.
Bumaba rin siya at umikot papunta sa pintuan ko. Binuksan niya ang pinto at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."
