Dedicated to @cyndylyna na author ng Archimage Academy School of Witchcraft and Wizardry... Try to read it guys!
Oh. Update na po→→→
YORU POV
Kagrabihan lang yung lokaret na waitress dun sa restaurant na yun ah! Ang kapal talaga ng mukha sagut-sagutin ang magandang nilalang na tulad ko.
FYI lang ah! Hindi ba siya nainform na Customers are always right?
Or baka naman masyado lang talagang shungaler ang waitress na yun at akala na "Customers are always right so you have to go to the left para hindi kayo magkabanggaan" ang pinauso sa kanila.
Napailing na lang ako sa pagalala sa babaeng yun. Nakakainis ang pagmumukha ni Ate. Mas maganda pang titigan magdamag ang paa ko kaysa sa mukha niya.
"Feeler talaga Tsk,"bulong ko sa sarili ko na tinutukoy yung lokaret na waitress.
"Can't get over?" Biglang nagsalita si Waru.
Woops. Muntik ko na makalimutan na present pa pala si Waru sa chapter na ito. Akala ko iniwan na niya ako kanina sa restaurant scene eh.
"Can't believe that a creature like her exists,"sabi ko.
"Alam mo-"naputol ang sasabihin niya dahil bigla akong tumakbo papunta sa glass window ng isang shop.
Iniwan ko si Waru dahil talagang nagningning ang mata ko ng makita ko ang malaking pink teddy bear. Eeh. Ang cute.
"Wow. Ang cute,"parang bata ako na nagtuturo sa may glass window ng shop at nagtwinkle pa ang mga mata ko.
"Why did you run?" Sabi pa ni Waru na kakadating lang sa tabi ko.
Humarap ako kay Waru at tinuro pa yung teddy bear. Ngumiti ako ng wagas kay Waru at hinawakan pa ang balikat niya. Kumunot pa ang noo niya.
"Acting childish Yoru,"sabi niya sa akin pero binalewala ko yun at kinaladkad siya papasok ng bluemagic store.
Eh sa gusto ko talagang makita sa malapitan yung teddy bear at mahawakan din yung fluffy thing na iyon.
"Waah! Ang cute niya talaga!" Sabi ko sa malahiganteng teddybear na yakap ko ngayon.
Onti nalang ata at mas matangkad pa sa akin itong teddy bear na ito eh.
"You're so childish Yoru,"sabi ni Waru na naka poker face.
"Ano kasi. Tignan mo ang cute oh,"sabi ko at hinarap yung mukha ng teddy bear sa mukha niya.
"Huh?" Sabi niya at umatras ng konti. "Mas cute pa sa akin?"
"Oo naman. Diba bear,"sabi ko at hinarap na sa akin si Bear. Kunwari kinakausap ko lang siya.
"Let's go,"biglang sabi ni Waru at naglakad na palabas ng store.
"Uy nainis siya,"bulong ko sa sarili ko at nilapag na yung bear sa side at sinundan siya palabas ng store.
Ang bilis ng lakad niya and it takes a lot effort for me to keep up with his pace. I can't really believe that he's being angry because I said that the bear is cute and I can't also believe na napapa-english ako dahil sa mabilis na paglalakad ni Waru.
Shemay. Ang sakit sa bangs ang pagiging bipolar niya. Ay! Wala pala akong bangs. Masakit nalang pala sa shiny ,bouncy, silky hair ko.
At dahil hindi na kinaya ng maganda kong konsensya ang pagtatampo ni Waru dahil mas cute ang teddy bear sa kanya ay kinulit ko na siya.
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Fiksi Remaja"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."