Chapter 23° We are Fighters!

61 30 0
                                        

Dedicated to @egderplane or Jerica na one of my bestfriends sa school. BABAE! This chapter is for you!

Update na here⇨⇨⇨

YORU POV

Lakad takbo akong pumunta sa kwarto ni Waru. Medyo naligaw ligaw nga ako kasi hindi ko na kilala yung ibang gamit dito kaya nagtanong pa ako sa maid kung saan ang kwarto ni Waru.

Tinawag pa ako ni Papa papunta sa kanila at gaya ng ginawa nina Mama eh pinagtambal nanaman kami ni Waru at mahaba haba nanamang kwentuhan ang naganap.

Antok na Antok na nga ako kaya tumatango tango lang ako sa kanila kapag kinakausap ako. Kapag may tinatanong sila oo lang ako ng oo. Maya maya naman ay nagpaalam na ako sa kanila dahil onti nalang talaga pipikit na ako.

Pumunta na ako sa taas para hanapin ang kwarto ni Waru. Nasa tapat na ako ng pinto kaya pinihit ko na ang doorknob at binuksan na ang pinto. Pumasok ako sa loob at dahil sa sobrang dilim ay naghanap ako ng light switch.

Pagkabukas ko ng ilaw nakita ko yung kabuuan ng kwarto. Ang ganda! May sofa na maliit sa bukana tapos may parang room ulit na nanduon yung kama niya at may picture siya na nakawhite.

Waah. Pwede bang akin na lang yun. Ilalagay ko sa kwarto ko. Hihihi.

Napadako yung tingin ko sa isa pang sofa kaya mas pumasok ako. Bigla namang umupo si Waru at tinanggal ang earphones niya at humarap sa akin.

"What?!" Sigaw niya sa akin in an iritated tone.

Sabi ko na nga ba kay Tita Yumiko magagalit ito eh. Dapat kasi sa Guestroom nalang ako pinatulog ni Tita Yumiko para hindi ko na naistorbo si Waru dito eh. Hindi ko naman kasalanan na ako pinapunta dito eh.

Hindi ko hiniling na dito ako patulugin ni Tita Yumiko! Hindi ko hiniling na maging kwarto ni Waru ito. Hindi ko hiniling na lumipat kayo sa kapitbahay namin. Hindi ko hiniling na dito sila sa Pilipinas sila tumira. Pwede naman na sa Mars eh.

"What?!"sigaw ulit ni Waru kaya bumalik ang diwa ko.

"Sabi ni Tita Yumiko dito daw ako matulog eh,"sabi ko at nilagay ang both hands sa likod.

"Okay,"sabi niya at sinalpak ulit ang earphones sa tenga niya at nahiga ulit.

Okay lang daw? Ibig sabihin pumayag siya? Wala talagang angal!

Shunga lang? Okay nga eh. Ano ba okay sayo, hindi? Duh. Isip isip din pag may time.

Grabe talaga manlait si Other side of Yoru Assate's brain. Akala mo kung sinong perpekto eh part of the body lang siya. Tsk.

Bahala na nga. Lumapit ako sa kama niya at umupo doon. Nagbounce bounce ako sa kama niya at nakakainggit! Mas malambot yung kama niya kaysa sa akin.

Tatanungin ko nga bukas kay Tita Yumiko kung anong brand ng kama ni Waru at magpapabili ako kayla Papa.

Pinagpatong patong ko yung unan para gawing sandalan ko at sumandal na ako. Kinuha ko mula sa bulsa ko yung cellphone ko para sa Music Trip ko.

Nakiconnect muna ako sa wifi nina Tita Yumiko. Alam ko yung password kasi malamang tinanong ko. Mahirap na at baka mamatay pa ako sa boredom dito kung hindi ako kausapin ni Waru.

Nagopen ako ng facebook ko at nakita ko na may post si Waru two hours ago.

Ijiwaru Itsuka
People are here again to ruin my peaceful life. Tsk.

938 likes•1096 comments•Share

Binasa ko yung mga last comments na nakalagay. Kami ba yung people na intruder? Wow ha.

repudiate|✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon