Chapter 17° Disappeared

71 34 0
                                    

Dedicated to @YourChubbyBunny or Ara Lee na friend ko na nakabasa na ng Unrequited Love sa Notebook Version. Completed na po talaga ito kaya no worries na I'll finish this story.

Reads are great but VoMments are heartwarming guys. Update na here.⇨⇨

YORU ASATTE POV

"That's all for today class. Oh I almost forgot. This Thursday will be the start of our examination day so I suggest that you start to review your notes now,"sabi ni Ma'am sa amin.

Magdidiwang na sana ako kasi tapos na yung klase kaso pinaalala ni Ma'am na exams na pala. Kailangan nanaman ng anti-forget pills.

Nagsitayuan na yung mga classmates ko habang ako ay nakahead down parin. Nakakapagod naman oh.

Kanina nakipagsiksikan pa ako sa store na ang dami daming amoy mandirigma. Then ngayon ang daming summative tests at quizes. Tapos magrereview pa ako para hindi ako mawala sa top 10. Ang sakit na ng ulo ko!

"Uy . Yoru bangon na,"sabi sakin ni Hiruma at inalog ako.

Bumangon ako at kinuha ang suklay ko sa bag. Nagsuklay ako ng buhok at nagpulbos. Nagcologne ako at nagngalumbaba.

"Ang daming ginawa tapos tutunganga lang pala,"sabi sakin ni Hiruma

"Hiruma! Help Me! Ang dami kong stress sa buhay,"sabi ko sa kanya.

"Alam mo, dadagdag ako sa stress  na iyan kapag hindi pa ako nakakain,"sabi ni Hiruma at syempre natakot ako kaya tumayo ako bigla at hinatak siya palabas.

"Halika na kakain na tayo. Don't worry,"sabi ko sa kanya.

Pagkalabas namin sa room ay biglang sumalubong sakin si Kyoki.

"Yoru! Musta na,"sabi niya at umakbay pa. Peste! Ang bigat ng braso niya.

"Eto,maganda parin,"sabi ko at inialis ang braso niya sa balikat ko.

"Punta na tayo sa cafeteria. I'm hungry already,"sabi ni Hiruma

"Kanina pa si Hiruma sabi ng sabi niyan. Halika na nga,"sabi ko at lalakad na sana ng biglang may kumuha nanaman ng bag ko.

"Akin na Yoru ang bag mo para hindi ka na mabigatan,"sabi sakin ni Atsui.

"Oh ayan na. Gusto mo ibigay ko na sayo iyan? Libre lang. Gusto mo yata ng pink na bag eh,"sabi ko at binigay na yung bag ko.

Masakit na yung ulo ko kanina at ayoko ng dagdagan iyon dahil sa makikipagaway pa ako kay Atsui.

"Ayoko kasi na nahihirapan ka. This is the sign of my affection and love,"sabi ni Atsui sakin at nakatingin ng parang super sincere.

"Waaah! Ikaw na Yoru,"sabi ni Kyoki at hinampas nanaman ang maputi at makinis kong braso.

"Uy. Mamaya na iyan. Gutom na ako,"sabi ni Hiruma.

"Tss. Atsui hindi mo ako makukuha sa ganyan mo. At talagang ako na talaga Kyoki.  Ako na talaga ang maganda,"sabi ko at hinawi ang buhok ko.

Nagulat ako ng biglang hawakan ako ni Hiruma. Iniharap niya ako sa sarili niya
at nakita ko yung noo niya na kumunot.

"Wait Yoru, kailangan ko yata ng microscope para makita iyang sinasabi mong taglay mong kagandahan,"sabi ni Hiruma sa akin at narinig kong tumawa sa likod ko si Kyoki at Atsui.

Walang hiyang manliligaw iyan oh! Imbis na ipagtanggol ako eh tinawanan pa ako. Pagtindahin ko siya ng lugaw para manlulugaw na lang siya eh.

"Gutom lang iyan Hiruma. Punta na nga tayong Cafeteria,"sabi ni Kyoki at naglakad na kami sa cafeteria.

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon