Kinabukasan hindi ako makapagfocus sa class. Nakatingin lang ako sa malapit ng mapanot na professor namin habang nakapangalumbaba. Parang nanonood lang ako ng movie na hindi maganda at mute ko nalang itong pinapanood para kung makatulog okay lang. Pero bakit ganun? Sabi nila pangalawa nating bahay ang school pero bakit bawal matulog? Hay Haggard tuloy ako. Then nagpakopya pa si Sir BP (boom panot) ng notes na napakahaba nanaman.
Pumunit ako ng papel sa notebook ko at nagsulat ng para kay Hiruma na message. Pinasa ko sa katabi ko at pinasa naman niya kay Hiruma.
FROM: Unohu (you know who)
Uy! Pakopya ako mamaya ng notes ha. Wala ako sa mood na mangopya ng mga yan eh. Mamaya paglabas mo ibigay. Wag na magreply at magsign ka kung agree ka. Bye.
Maya maya ay nagthumbs up siya sa akin kaya I took that as a sign na pumapayag na siya. Pinagpatuloy ko ang pagtunganga or in other words ay 'physically present but mentally absent ' . Nakakainis naman kasi, nilipat pa si Hiruma ng upuan ng professor namin. Buti nalang si Waru katabi ko parin. Sa school na ito kasi hindi naman kami palipat lipat ng rooms at iba iba ang nagiging classmates sa mga subjects. Isang room lang tapos teacher ang nagrorotation.
Matapos ang 1000 so very long years of waiting natapos na rin ang class namin kay Sir BP..Isang equation lang ang nasa brilliant, intelligent, genius, fabulous brain ko:
Boring Subject + Boring Professor + Boring Seatmates + Phone na walang Kwenta = Tulog / Tulala Time.
Tapos si Sir BP trying hard para maging humorous ang klase at hindi kami mabore, pero mas maganda siguro maging Clown nalang siya dahil malaking pulang ilong nalang ang kulang sa kanya. Complete na kasi mula sa napapanot niyang ulo ay bagay lagyan ng sabog na wig, then ang laki ng tiyan niya na ang sarap tanungin: "Sir ilang buwan na yang tiyan niyo?". Haha. Ang dami ko na pong sinabi, aalis muna ako sa classroom dahil breaktime na namin.
Pagkalabas ko sa classroom, nasalubong ko sina Kyoki at Atsui. May kumakalabit sa akin sa likod pero deadma lang ako at dumiretso sa paglalakad pero napatigil ako ng biglang may umakbay sa akin. Si Atsui pala.
"Parang wala ka sa katinuan kanina my loves,"sabi ni Atsui sa akin na feel na feel ang pagakbay. Push mo yan Atsui! Ang gaan ng braso mo grabe! At anong parang wala sa katinuan? Ginawa naman yata niya akong baliw. Ang ganda ko namang baliw diba?
"Hoy! Anong wala sa katinuan kanina? Expect mo na palagi yang si Yorung wala sa katinuan. Wala siya sa mood ngayon dahil di niya tinanggal ang akbay mo,"then nagcross arms siya at nagala detective Kyoki ang peg.
"At isa pa hindi siya umangal nung tawagin mo siyang my loves,"tapos umakto siyang nasusuka sa sinabi niyang my loves.
"Arte mo Hiruma ah!" Sabi ni Atsui sa ginawa ni Hiruma.
"Hindi rin niya ako pinansin nung kinalabit ko siya,"sabi ni Hiruma na ginaya si Kyoki sa detective pose. Siya pala ang kumalabit sa akin kanina...Bakit kaya?
Ay oo nga pala, kailangan ko ng notes na sa kanya ko kokopyahin dahil inatake ako ng katamaran kanina. Hay. Ang forgetful ko talaga. Nagagaya na ako kay unicorn Lay.
Umiling nalang ako sa ginagawa ng mga kaibigan ko. Hay nako. Wala na yata silang balak kumain, kaya iiwan ko na sila dahil gutom na ako. Bahala na sila magutom dyan. Wapakels ako sa kanila. Mabait kasi akong kaibigan. Haha.
Pagkaupo ko sa table may umupo din sa tabi ko. May umupo din sa harap ko, walang iba kundi ang mga kaibigan ko. Nilabas ko na agad ang baon ko at kumain na para maiwasan sila. Alam ko kasi na tatanungin talaga ako ng dalawang babae dito sa lamesa.
![](https://img.wattpad.com/cover/34893553-288-k972176.jpg)
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Fiksi Remaja"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."