Chapter 13° Love Camp

90 35 1
                                    

Dedicated to: @tintinbaliw or Christine Joy na friend ko na nakabasa na ng Unrequited Love sa Notebook version. Completed na po talaga ito kaya no worries na I'll finish this story.

Sige update is here na ,hindi naman ako yung author na nagupdate lang para sa mahabang Author's Note.⇨⇨⇨

Yoru Asatte POV

Lumipas na ang ilang linggo matapos ang paglalagay ni Musume sa maganda kong hair at face ng champorado at ang pagiging champorado model ko.

Ngayon naman pagkatapos ng kaguluhan at palabas na iyon, nandito at nagbabalik ang boring life ko.

Nakatunganga nanaman ako sa teacher namin sa harapan na may kung ano anong sinusulat sa board.
Maya maya ay humarap na sya sa amin at nagsalita.

"Okay class we have decided na ibahin ang fieldtrip. We made a decision to make it a camping. Even though parang fieldtrip ito, mas matagal tayo magiistay doon,"nakangiting sabi ng teacher namin.

Naganahan bigla ako sa narinig at iniisip ko palang napapangiti na ako. Camping! Masaya yun diba? Yung may bonfire tapos magkekwento ng nakakatakot na story tapos matutulog sa tent!

Waah! I'm so excited, and I just cant hide it.

"Its this friday and I hope all of you can come. Any questions?" Tanong ni Ma'am.

Nilingon ko yung mga classmates ko sa likod at gilid at harap. Nakita ko ang pagtaas ni Hiruma ng kamay.

"Yes Hiruma,"tawag ng teacher namin sa kanya.

"Uhm. Ma'am parehas din po ba ng date ang camping ng lahat ng year?"tanong niya at napasmile nalang ako.

May concern si Hiruma kay Kyoki kaya naganyan iyan. Sabagay close narin sila eh. Sana nga magkasabay sabay para magkakasama kami ni Kyoki.

"Unfortunately, no. Masyado kasing marami kapag sabay sabay lahat ng year. Second and Fourth year are tomorrow but not the same venue at First and Fourth year sa Friday but not the same venue too,"sabi ng teacher kay Hiruma na nakasimangot na nung marinig yung word na no.

"Okay Ma'am, "sabi ni Hiruma at umupo. Halatang halata ang panghihinayang niya sa boses.

Nagtanong pa yung iba naming classmates at nung wala ng magtatanong ay binigyan kami ng permit isa-isa.

"Okay class dismissed, "sabi nung teacher at nagsitayuan na lahat kami ng halos sabay sabay.

Syempre lahat naman excited na magbreak time diba? Yung iba nga pumapasok para lang sa baon eh.

Kinuha ko ang bag ko at tumayo at pumunta sa upuan ni Hiruma pero bago pa ako makapunta ay may humablot ng bag ko. Lumingon ako at nakita si Atsui na bitbit ito.

Tinignan ko siya ng masama na sinuklian niya lang ng painosenteng ngiti.

"Hoy lalaking may lahi ng snatcher akin na yang bag ko,"sabi ko sa kanya at sinubukan itong hablutin.

"Ako na magbibitbit,"sabi niya at inilayo sakin yung bag ko.

"Hindi. Ako ang magdadala dahil bag ko yan! Marami pa naman akong ganyan kung gusto mo bibigyan kita,"sabi ko at sinubukan ulit hablutin yung bag ko.

"Para nga hindi ka mabigatan,"sabi niya.

"Sabihin mo nga sakin, dala mo ngayon, mabigat ba?" Tanong ko sa mongoloid na lalaki sa harap ko.

"Hindi. Parang wala ngang laman eh,"sabi niya at tinaas baba pa yung bag para ipakita na magaan.

"Oh malamang hindi talaga yan mabigat dahil isang libro at dalawang notebook lang laman niyan,"sabi ko.

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon