Chapter 34° Graduation Day!

61 26 1
                                        

Makeup?✔

Outfit?✔

Hair?✔

Parents?✔

Friends?✔

Me?✔

Love?✔

Diploma?✔

SELFIE NALANG WALA!

Yeah. Graduation day na namin at nasa ceremony kami ngayon. Nakakaexhaust lang ang kaganapan.

Ang dami naming pinagdaanan bago namin matapos ang kolehiyo and next goal? WORK!

Pero ngayon ang goal ay magka groufie muna. Para naman maipost ko sa instagram ko.

"Hey guys let's take a groufie!" Sigaw ni Musume habang kumakaway siya.

Hay. Ang ganda rin pala ni Musume. Maganda naman kami talagang apat mas angat lang ako. Haha.

Tumayo na kami ni Hiruma sa upuan at handa na kaming magpose kaso napatingin kaming apat kay Kyoki.

"Kasama ba ako?"

Napatampal si Hiruma ng noo,"Malamang sa malamang Kyoki. Nagtrabaho ka lang naging bobo ka na?"

"Sakit mo talaga magsalita. Feeling mo kinaganda mo yan?"sabi ni Kyoki.

"Are you two just want to quarrel there? Kung tampalin ko kaya mga mouth niyo ng tape. Bahala na Nga kayo,"sabi ni Musume.

"Baka,"sabi ni Hiruma.

Tumayo na kami at nagsimula ng magpicture sa group namin. Ang gaganda ng picture kasi nandoon ako.

Mga 100 plus lang ang nakuha naming picture sa iPhone ko. Meron pa kay Hiruma, Kyoki at Musume.

KKP ito.

Kanya kanyang post.

Nagkwentuhan kaming apat at ang main topic ay ako. Tsk. Hindi nila ako tinitigilan about sa nangyaring event dito sa school nung last month.

Bigla namang lumapit sa amin ang parents ko.

"My little angel is now a graduated young lady,"sabi ni Mom as I kissed her cheeks.

Hinug ko naman si Dad habang nagsasabi siya ng 'Congratulations sweetheart'

"Congrats din to you young ladies and Hello Kyoki Dear,"sabi ni Mom tapos nakipagbeso-beso siya kay Kyoki.

Nahihiya namang tumango sina Musume at Hiruma.

"What's your name beautiful ladies?"

"Musume Yooka,"sabi ni Musume.

"Hiruma Itsumo,"sabi ni Hiruma at nagbow pa. Japanese influence!

"Ang gaganda ng friends mo Yoru. And they are respectful too,"sabi ni Dad at napaubo ako.

Magalang pala ha. Eh kanina lang nagbabarahan iyang mga iyan at kung ano anong salita ang naririnig sa mga bunganga nila.

Buti nalang ako mabait at maganda.

"Oh. You have cough dear?" Sabi ni Mom.

Nagtawanan kaming apat at nagtataka na tumingin sa amin ang parents ko.

Pumunta rin sa amin ang parents ni Musume at Hiruma at nagcongrats din sa amin.

Maya maya ay naisipan kong dalawin si Atsui sa puntod niya.

Oo tama kayo ng basa. Sa puntod niya. Isang buwan na rin ang nakalipas ng mamatay siya. Nagpakamatay siya matapos ang ginawa ni Waru. Hindi na raw niya kaya ang hirap na nararamdaman. Nalaman rin naming may cancer siya sa utak.

Kaya pala medyo may sapak ang lalaking iyon eh. Pero malungkot kami nung mawala siya.

Marami rin ang nagpunta sa burol niya para magkape at makakain ng tinapay. Nagmistulang StarBucks ang burol niya dahil may pangalan na nakasulat sa bawat cup.

Condolence Atsui.

JOKE LANG. Huwag niyo daw patayin ang kakwaguhan niya.

"Congats Pare!"

"Anong pare ka diyan! By the way congrats din. Hindi ko akalain na makakagraduate ka,"

"Ows? Mas matalino kaya ako sayo kaso pangalawa lang sa puso mo,"sabi niya.

"Pangalawa? Pangsampu ka lang kaya!"

"Bakit pangsampu?"

"Kasi una si Dad, second si Waru,3rd 4th at 5th sina Tito sa side ni Mama. 6th ang tito ko sa side ni Papa. Tapos 7th at 8th si-" naputol ang speech ko dahil kay Atsui.

"Tama na Yoru. Masakit kaya,"sabi ni Atsui.

"Huh? Ano? Saan?" Tanong ko na natataranta. Baka nagkatotoo yung mga sinasabi ko kanina. Nagka Cancer si Atsui!

"Dito oh,"tinuro niya ang labi niya,"Kiss mo nga."

"Kiss mo mukha mo!" Sigaw ko at binatukan siya.

Mas mabuti nga kung may Cancer itong ulol na ito. Yung stage 4 na para hindi na magamot.

"Let us listen to our year's Cum Laude Mr. Ijiwaru Itsuka. Give him a round of applause everyone,"sabi ng MC at nabingi ako sa lakas ng palakpakan.

Nagspeech siya. Talked about the importance, lessons, experiences, memories and stuffs in college. Nagpasalamat siya sa mga Prof na nagbigay ng stress sa mga students, sa mga students na hindi nastress dahil sila ang nangstress sa mga Prof. And college itself which let us find what we will be after years.

"And I also succeeded because of my parents, who are always there by my side. Paying my expenses so now it's my time to pay back. And some inspirations like my best friend. College made me discover that I'm incomplete without her,"sabi niya at nagbow bago bumaba ng stage. Sinalubong siya ng Faculties.

Napuno ng bulongan ang venue at nagtatanong kung sino ang bestfriend na tinutukoy niya at sino ang her sa pinagsasabi niyang ' I'm incomplete without her ' ekek niya.

Ako naman ayun Flattered.

Nagvibrate ang phone ko kaya nalaman kong may nagtext sa phone ko.

From: My Waru <3

See you tomorrow Princess.

Napangiti ako at hindi na nagtangkang salubungin siya sa paglalakad niya pabalik sa chair niya.

To: My Waru <3

Sure! Heart you ~>_<~

Itatago ko na sana ang phone ko nang biglang magvibrate ulit ito. Galing ulit kay Waru.

Napangiti ako ng mabasa ko at tinago ulit ang phone ko.

1432...

~~end~~

P.S. EPILOGUE AND SPECIAL CHAPTERS WILL BE POSTED SOON!

Thank you!

repudiate|✔Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon