Six

56 26 0
                                    

Six
Perfect Karma
◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇

Musume's POV

Hay nako! Life of being the first child tapos may kapatid ka pang abnormal. Mabait naman si Omoshiroi, actually sobrang bait nga eh.

Wala nga siyang masyadong alam sa mga bagay na alam na alam na ng mga boys sa edad niya.

Pero sa sobrang kainosentehan ng kapatid ko ay hindi niya naranasan ang kasiyahan sa highschool. Ang maglakwatsa!

Hindi rin siya sakit sa ulo dahil bwisit na bata iyon! Ang talino, ayaw umabsent, hindi nagcucutting, hindi nakikipagaway tapos sporty pa siya.

Halos perfect na ang gunggong na iyon kaso wala siyang rainbows, unicorns and stuffs like love.

Wala pa nga yung girlfriend since birth and I doubt kung may first kiss na yun. Bakit ba naman kasi nasobrahan yata ako ng pangaral sa kanya.

Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko na ganon ang ugali niya pero nasobrahan talaga siya! Masyado siyang mabait.

Tapos ngayon lang siya aalis at papasok ng school niya magisa. Sana lang ligtas siyang makarating sa school.

Hindi naman ako masama dahil hindi ko siya pinasabay sa akin. Gusto ko lang na magexplore siya sa mundo na ginagalawan namin. Gusto ko na maexperience niya ang mga pinagagawa ko (kasama na ang pangaaway!). Ayoko naman na masyado siyang ignorante sa bagay dahil ayaw ko na mapagiwanan siya at mapagtawanan ng mga tao.

Hay. Ang drama ko naman yata ngayon. Parang iba ako sa Musume na nakilala niyo ano?

I was a witch but I'm a pretty version. Was talaga, past tense dahil naging ugali ko lang iyon dahil sumama ako sa mga maling kaibigan dati. Although masaya silang kasama, I learned bad things from them.

Actually, I'm not the typical girl na kontrabida in the stories. I'm just pretty and with those brains. I'm not rich like my exfriends and like Yoru, Hiruma and Kyoki.

My only treasure was my mom and my brother that's why I'd studied hard and now I'm going to work hard. It's always for them.

Average lang kami. Kumakain 3 times a day, nakakabili ng gusto at kailangan at minsan ay kinakapos din. Mukha lang talaga kaming mayaman este mayaman pala talaga kami dati.

Bwisit kasing tatay na iyan! Iniwanan kami dahil sa nainlove siya sa bestfriend ni Mom. Bata pa ako noon pero tandang-tanda ko pa nung iniwan niya kami nung birthday ko.

Bwisit din talaga ang traffic na ito!

Nagdadrama nanaman ako sa kotse ko! Chunelencheness naman! Masisira ang make-up ko. Pinunasan ko ang luha ko at nagretouch.

Biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko at binuksan ko ang salamin ng car ko. I still have manners naman even if this traffic is stressing me out.

"Yes?"

Nakangiti kong sabi sa lalaki at medyo natulala pa siya sa akin.

"Miss umandar na yung kotse sa harap mo. Pwede ka naring umandar."

Napakunot ang noo ko at napatingin sa harap ko. Chunelencheness! The guy's right. I have to move my car.

I awkwardly smiled,"Sorry. I didn't notice."

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon