Dedicated to @solo_adik or SHAIRRA MILA MY BESTIE nanakabasa na ng UNREQUITED LOVE sa Notebook version
Update⇨⇨⇨
Pagkatapos ng 1 week na bakasyon namin ay syempre pasukan na ulit kami. Papasok na ako ngayon sa school and currently na nakasakay sa car namin. Nagpapahatid kay Mr. Bodydriver.
Napadaan kami sa store malapit sa school. Alam ko for girly stuffs yun pero bakit ang daming tao? Pati boys nakikisiksik doon. Mostly ng mga tao ay naka uniform ng school namin ,yung iba sa mga kapitbahay na school at yung iba siguro ay mga naglakwatsa at napadaan lang. Yung iba siguro ay naki-tsismis kaya pumasok din sa loob ng store na iyon. Hmm. I'm curious on what's in there.
Tinignan ko ang aking rectangular distraction o para sa mga di mga nakaintindi ay cp. Para sa mas slow ay cellphone at para sa mas malala sa slow ay cellular phone.
AT para sa may lubos na mababang IQ diyan ay isang uri ng pangkomunikasyon na pwede dalhin kahit saan dahil sa convenient na size nito.
Oh? Ano? May tinatanong pa ba yung iba dyan?
Ano yung IQ? Ay nako, pakiusap wala na po akong oras magexplain ng mga bagay na simple at karaniwan pero hindi niyo naman alam. Saan ba kayo galing? Sa bundok?
Ayun nga. Sinasabi ko kanina na tumingin ako sa Cellular Phone ko at base dito ay 7:35 am palang kaya matagal pa ang spare time ko kaya go na at makiki usyoso ako doon sa store na iyon.
"Manong idaan niyo nga po yung kotse sa store na iyon,"sabi ko at tinuro kay Mr. Bodydriver kung saan yung store na sinasabi ko.
"Okay po Miss,"sabi niya at niliko yung kotse doon.
Bago ako bumaba ng kotse ay sinuot ko muna ang Prada na shades ko at binuksan na ni Mr. Bodydriver yung pinto at pagkalabas ko sinalubong ako ng mga flash ng camera, mga media na gusto ng interview with me, mga fans ko na may banner at mga lumalapit na tao na galing sa store na nabaling ang atensyon sakin dahil dumating ako.
I waved my hand at them and make my way sa red carpet na nilatag ng mga media for me at pumasok na sa store ng walang humaharang at nakikisiksik.
"Ah. Miss nandito na po tayo. Kanina ka pa nakatunganga po diyan,"napalingon ako kay Mr. Bodydriver na nagsalita. Grabe talaga yung illusion ko este I'm very imaginative and creative.
"Hehe . Sorry po. Pakihintay nalang po ako dito. Titignan ko lang kung what's the thing they're looking at inside,"sabi ko at lumabas na sa kotse. Pero wala na pong flash ng camera, mga media na gusto ng interview with me, mga fans ko na may banner at mga lumalapit na tao na galing sa store na lumapit. Busy lahat eh.
Pagkatapos kong makipagsiksikan at mapawisan at mapagod ng bongga ay nakita ko lang ang mga iba't ibang design na bracelets.
Iyon lang pala ang pinagkakaguluhan nila? Waaah. Nasayang lang ang effort at pabango ko!
Lumapit ako sa isa sa mga lalagyanan at biglang nabago at nawala ang panghihinayang ko. Mga couple or frienship bracelets. Wow!
I checked the price kung kasya ba ang baon ko dahil alam ko sa itsura palang ay mahal na ito pero what surprised me ay it's so cheap para sa isang fine kind of accesory. Kaya pala pati lalaki eh nagpuntahan kasi pwede for all genders.
Bumili ako ng 5 pairs. Namili ako nung mga unique na design at ibibigay ko sa mga kaibigan ko. Si Hiruma, Kyoki ,Atsui at Waru. Reserved nalang yung isa hehe.
Pumasok na ako sa school pagkatapos ko mabayaran yung bracelets. Naglalakad ako papuntang locker ng sinalubong ako niKyoki at Hiruma. Sumabay silassakin papunta sa locker ko at pagkabukas ko ng locker ay napangiti ako.
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
أدب المراهقين"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."
