Four

77 26 1
                                    

Four
Blush+Blush= Bright Idea

╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮

Hinatid na ako ni Waru ko sa bahay. I hugged him before I went inside our house.

Kanina lang ang saya ko pero ngayon naman naiiyak ako. Grabe naman na moodswings ito. Wala naman akong red tide...baka dahil sa pagbubuntis ko.

Tama! Dahil lang ito doon. Ang hirap pala magdalang tao ano? Nakakabaliw ang pinagsasabi ko.

Buntisin ko mukha ko! Jokingness ko lang yun.

Nalulungkot ako kasi baka matagal-tagal ulit ang maging bonding namin ni Waru ko.

Baka nga hindi na kami madalas magkita kahit sabihin niyo na kapitbahay ko lang siya. Syempre magiging busy na iyan sa company nila at ako rin ay busy na talaga since birth.

Alam niyo naman diba na kapag maganda, taken na rin na always busy ka kaya since birth na akong busy dahil since birth na akong maganda.

Pero bukod sa kagandahan na dahilan ng pagkabusy ko ay may isa pa. Gusto ko na pong maghanap ng trabaho para naman hindi na ako pahirap kay Dad and Mom.

Para naman may maiambag ako para sa future at sa bansa hindi lang yung kagandahang taglay ko.

Nang makapasok ako ay madilim na bahay ang bumati sa akin. Only lampshades ang nagsisilbing ilaw kaya malamang ay tulog na ang mga tao kaya nagmamadali akong umakyat sa kwarto.

Kapag madilim kasi at ako lang magisa, umaatake ang pagiging imaginative at kahibangan ko na may nakatingin sa aking multo. Huwag kayong tumawa!

Sure ako na ganyan din kayo na parang pupunta ka na nga lang sa CR ay ayaw mo kasi natatakot ka at titiisin na lang ang call of nature. Lalo na kapag kakapanuod mo palang ng horror movie and the idea keeps bothering you hanggang sa napanaginipan mo na yung character doon.

Onting bagay binibigyan mo ng meaning dahil sa napanood mo, lahat ng bagay doon is shouting for clue.

Bakit nga pala yun ang pinaguusapan natin? Tsk. Nakaligo, nakapagbihis at nakahiga na ako ngayon. Nilapag ko na ang iPhone (kailangan talaga may i ang phone ko!) ko sa side table at nakahiga na ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Fishspa! Dakilang Istorbo ito ah! Anong oras na tumatawag pa!

Nang makita ko kung sino ang tumatawag, nawala ang pagkainis ko at napalitan ng impit na tili at ngiti sa labi.

"Hello Waru ko!"

"Naistorbo ba kita?"

"Sa 10:00 pm na dapat tulog na ako pero hindi natuloy dahil tumawag ka, hindi na tuloy ako makakagising ng maaga. Hindi naman, hindi mo pa naman ako naistorbo,"I said with full of sarcasm pero tinawanan niya lang ako.

"Sorry. I just wanted to say Goodnight."

"Aba! Hindi na ba pwede ang text? At anong ginagawa mo at gising ka pa? Hindi ba may pasok ka pa bukas?"

"Sorry po Inay. Matutulog na nga po. Goodnight. I love you"

Aish! Binabaan na niya ako. Binabaan niya ako matapos niya akong pakiligin! Hindi iyon makatarungan!

I doubted na makakatulog pa ako dahil sa kalokohan ni Waru ko pero nakatulog parin ako. Ganyan talaga kapag maganda!

◆◇◆◇

Yes!

Finally Ariel happen to me!

Joke lang! Hindi po ako naglaba dahil maganda ako. Uso po ang laundry sa amin.

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon