Okay. I'm ready as in ready na talaga. Ready na ready para sa test namin ngayon.
Pumasok na ako agad sa room at nakita ang teacher naming laging early bird na masungit. Umupo na agad ako sa upuan ko at kumuha agad ng ballpen at nagdasal din syempre.
"Uy. Nagreview ka ba?"tanong sa akin ni Hiruma.
"Ako pa,"sabi ko sa kanya at tinuro ang sarili ko.
"Ako rin magreview,"sabi niya in a proud tone. Ayaw magpatalo eh.
"Sure ka papasa ka?" I asked habang nakataas ang kilay ko.
"Makasabi ka naman. Akala mo mas mataas ranking mo sakin ah,"sabi ni Hiruma. Top 4 kasi iyang bruha na iyan. Sa pagkakaalam ko scholar siya eh. Edi siya na ang matalino.
"Ibabagsak ko kayong dalawa kung di kayo tatahimik. Magtetest ba kayo o magdadaldalan dahil kung magdadaldal lang kayo lumabas na lang kayo ng room,"sabi ni Ma'am at ibinagsak ang test paper namin sa lamesa namin. Menopaused na yata si Ma'am kaya masungit eh.
"Sorry Ma'am,"sabay naming sabi ni Hiruma na nakayuko.
Daldal kasi ni Hiruma eh. Mamaya niyan hindi kami makapag exam eh. Sayang naman yung review ko kahapon at puyat na puyat ako. Kapag nangyari iyon mas lalo ko pang papapangitin si Bruha na Hiruma.
Habang nagaganap ang madugong test namin ay ako naman ay pasulyap sulyap ang peg kay Waru. Syempre lahat naman magagawa mo kapag may inspiration ka at syempre sya na iyon haha.
Ayaw mo kay Atsui?
Huh? Ano nanaman?
Hindi masamang magtanong diba?
Ewan ko sayo other side of Yoru Asatte's brain. Imbis na nakikipagusap ka sakin, magisip nalang kaya tayo ng sagot sa test diba?
Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng test questionares. Marami rami din yung items na sasagutan. 100 items kaya!
At hindi lang yan puro multiple answers. Yung iba naman fill in the blanks, put the definition, evaluate at kung ano ano pa. Buti nalang talaga at nagreview ako kundi nganga ako nito.
Idagdag mo pa ang inspirasyon ko na nasa tabi ko. Oh diba? Thank You so much Lord.
Natapos ko na din sa wakas! Yung mga tapos na sa exam ay breaktime na tulad ni Waru, Atsui at other classmates ko. Pangsiyam ako sa pinakamabilis ma natapos.
Pagkatayo ko sakto na tumayo din si Hiruma. Nagkatunginan kami at nagsmile sa isa't isa. Ngumisi ako sa kanya at kinuha ko yung bag ko at isinukbit sa balikat ko.
Naglakad na ako papunta sa desk ng teacher namin at inilapag ng maayos ang test paper ko sa desk. Umangat ng tingin yung teacher sakin at tumaas ang kilay.
"Natapos mo talaga ito?" Tanong niya sakin.
"마라망 (malamang)," sabi ko sa korean language na pabulong.
"What?" Sabi ni Ma'am. Narinig yata ni Ma'am onti. Bahala ka dyan I won't repeat it na.
"I said can I go out now?" Sabi ko at mala anghel na ngumiti sa kanya.
"Sure you may. Examination will resume on 8:45 am,"sabi niya at itinuon na sa mga papers namin ang atensyon niya kaya lumabas na ako.
Nakita ko nalang na si Hiruma ang sumunod na lumapit sa kanya. Baka interview session din iyan. Tsk.
Kumakain na ako pero hindi ko parin maalis ang kaba na nadarama sa aking dibdib. Mathematics kasi ang next subject namin. Alam ko naman na lahat tayo kinakabahan sa subject na iyan.
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."
