"Yoru! Kamusta na!" Sigaw sa akin ni Kyoki habang tumatakbo.
Nakita ko naman si Hiruma at Musume waving sa akin. Grabe lang ha. Wala pang isang taon or anim na buwan ay nagawa na nila akong alisin sa buhay nila! Ang sakit! Hindi ko mapakita kung gaano kasakit ang ginagawa nila sa akin. Hmp! Sila na ang close!
Chos!
"Ito maganda parin. No changes,"sabi ko at niyakap si Kyoki.
"Namiss din kitang GGSS ka!" Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Oy! Kayo lang? Pati kaya kami namiss ka,"sabi ni Hiruma at nakapamewang pa. Natawa kami sa itsura niya.
"Group Hug,"sigaw ni Musume.
At nagyakapan kaming apat. Ang saya lang kapag kasama mo ang mga tunay mong kaibigan.
Lagi kang feeling safe at hindi na kailangan magpanggap na mahinhin, maayos, kagalanggalang ang bawat kilos because thet accept you for who you are.
They accept me kahit na lagi akong nagmamaganda although maganda naman talaga ako. They accept my eating habits na parang piggy and they are happy for me kasi masaya ako kay Waru KO.
Feel na feel namin ang pagyayakapan kaso naco conscious ako sa tingin ng mga pipolets dito sa foodcourt. Alam ko na ang mga nasa isip niyan...
Ang gaganda naman nilang magkakaibigan.
Napangiti nalang ako at kahit anong puri ang isipin nila wala akong pakielam. Mind your own business and my business today ay ang mga kaibigan ko.
"Nandito na pala sila,"sabi ni Kyoki at nagalisan na sila sa group hug.
Pagkatingin ko, may nakita akong two boys with Atsui. Sinong sila?
You mean sila yung simasabi nila na sila? Shocks! Yoru Asatte, Ms. Tongue Twister 2015. Hehe.
"Yoru my loves. Musta na,"Sabi ni...kilala niyo na. Ang pumangalawa sakin na feelingero (atleast aminado ako!). Walang iba kundi si Atsui.
"Ito maganda parin,"sabi ko at nakita ko ang tatlong bruhilda na umirap at napailing.
"Hindi mo man lang ako tatangunin kung kamusta rin ako?"
"Kailangan ba?" Nakataas ang kilay ko.
"Yown!" Sabi ni Kyoki.
"Sapul si Atsui" sabi ni Hiruma.
"Burn Man. Burn!" Sabi naman ni Musume.
Tumawa nalang yung dalawang lalaki sa pagmumukha ni Atsui. Ang epic.
Naupo na kami sa mga tables doon. Magkakatabi kaming 4 sa isang side at katapat naman namin ang 3 boys.
Hindi pa lumalapat ang pwet ko sa upuan ay agad na akong kumuha ng pagkain sa tray na bitbit nila at nag munch munch.
Masarap talaga kapag libre.
"Hinay hinay lang Yoru. Takaw mo talaga,"sabi ni Hiruma.
"Ginugutom siguro lagi iyan ni Ijiwaru kaya laging atat sa pagkain,"comment ni Atsui.
"Aba! Lagi kaya akong binubusog ni Waru!" Sabi ko.
"Weh? Anong pinapakain sayo? Hotdog and egg?" Sabi ni Atsui.
"Ano!?" Napasigaw ako at napatingin nanaman saglit ang mga madla sa amin.
"Hindi naman magaling magluto iyon sigurado! Halata naman sa itsura,"sabi ni Atsui.
"Bitter, "sabi ni Musume.
"Huwag ka nga po Kuya Atsui maging ampalaya. Kukulubot ka po ng maaga niyan,"sabi ni uhm... hindi ko alam ang name niya!

BINABASA MO ANG
repudiate|✔
أدب المراهقين"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."