Loading...Finishing...
Buffering...
COMPLETED. BLOW!!!
"WARU!!!!"pasigaw kong sabi dahil sa pagkagulat o baka excitement? Nagulantang lahat ng tao sa hallway at natigil sa paglalakad at ng medyo nakaget-over ay nagpatuloy na sa paglalakad. Malamang natakot sila kay Waru pero kung wala siguro si Waru natunaw na ako sa mga tingin ng tao dahil hindi nila inaasahan ang pagdating ng isang dyosang tulad ko sa school nila.
Pero aanhin nga ba ang kagandahan kung ang isip na ay medyo may slight na katandaan? Haha. Medyo na slight pa.
I badly needed Memory plus Gold dahil bakit ba sa kagandahan kong ito nalimutan kong dito nagaaral si Waru? Naku! Donate some for me please!
At bakit ganun? Ang mga taong cute kapag lalong tumatagal ay nagiging gwapo na pero ang taong pangit kapag lalong tumatagal parang... parang mas gugustuhin mong ipagdasal ang kaluluwa niya dahil sa di malamang dahilan ay napatay mo na pala siya. De joke!
Are you gonna ask kung anong hitsura ni Waru? Well, kahit di niyo itanong ay sasabihin at ipagmamayabang ko parin na ang ex bestfriend ko ay lalong humandsome, kumisig at certified hearthrob na! Bagay na bagay sa kanya ang uniform namin ,ay hindi ung skirt ha! Ung uniform ng school namin na pang boys version!
(mamaya may mamilosopo sa akin dyan eh!) Pero nabigla nalang ako nung biglang bumuka ang bibig ni Waru."My name isn't Waru. It's Ijiwaru. And I have not permitted anyone to abbreviate it. By the way addressing a person like that isn't respectful and being respectful I guess, doesn't kill,"emotionless niyang sinabi sa akin and wait there's more..."And lastly We Are Not Close so get out of my way."then he left me there still shocked kung si Waru ba talaga iyon or nasapian siya ng isang strict teacher gaining some respect from his student. At anong pinagsasabi niyang we are not close? Baka sikmuraan ko siya ngayon eh pero sayang ang magandang reputation ko like me.
I didn't expect him to change like that. Hindi lang pala appearance ang nagbago...pati ang ugali niya. He is still the serious Waru I know pero not the jolly, joyful, playful and joker one I know. Tinanggal na yata niya sa bokabularyo niya ang mga salitang iyon eh. And tinotoo niya na rin na magkalimutan na kaming magbestfriend . And what's worst and funny? He acted like he really don't know me and he didn't let me call him Waru.
For only 3 years ay nagawa niyang magbago at sa tatlong taon na hindi ko sya nakita hindi ko na rin alam kung siya ba talaga iyon. Nagkachange of attitude at nagkaamnesia yata siya at ako lang ang di niya maalala. Weird right?
Haay stress nanaman ang brain cells ko hindi pa nagsisimula ang klase ko. Speaking of klase...anong oras na ba?
Tinignan ko ang aking watch in my wrist at pagkaprocess ng utak ko kung ano ng oras ay naglate reaction ako. Whaaat! 8:05 na. I'm freaking late for 5 minutes!!! And the thought na ang dahilan ay nagspace-out ako? Not good. Really not so good.
Bago pa man lumipad ang utak ko sa ibang planeta hinakot ko na ang naglaglagan kong gamit at nagteleport papuntang classroom. Oops? This is not a fantasy story pala kaya tumakbo na lang pala.
Pagkapasok ko sa classroom nahagip agad ng mga mata ko ang matatalim na tingin ng mga new classmates ko. I don't really like warm welcomes. Nataas na ang balahibo ko kaya quit staring guys, it's kind of rude!
Nagdadasal na ako na hindi tanungin ni Ma'am kung bakit ako late sa unang araw ng pasukan. Anong sasabihin ko? Na lumipad ang utak ko kanina dahil sa gulat na grabe ang pagbabago na naganap sa ex bestfriend ko at dahil dun ay nakalimutan ko nang may klase pala ako. Grabe ha! Ang ganda ng dahilan ko!
Nagsalita na ang teacher ko na kung magsuot ng black akala mo pupunta ng lamay o kaya may obsession siya sa mga bagay na itim. Pero sa tingin ko mabait si Ma'am kaya di na tatanungin kung bakit late ako."Ms. Asatte, find a vacant seat on which you can sit on,"sabi ni teacher na lumingon sa classroom na naghahanap yata ng vacant chairss.
"I guess you should be sited beside Mr. Itsuka, "she said while putting a radiant smile on her face. Ang ganda ni Ma'am ah! Dapat nagbeauty queen nalang siya instead of being a teacher. Pero pakielam ko ba?
Tumango nalang ako at pumunta na sa seat ko and guess what kung sino ang katabi ko?
Ang ex-bestfriend / crush / gwapo / Mr. Itsuka lang naman. Eehh! Naniniwala na ako na ang lahat ng malas may kadikit na swerte. Okay tama na ang daldal. Upo upo din pag may time...
"Hello Wa--Ijiwaru. Nice to meet you ,"kahit magkakilala na tayo dati pa.
Hinintay ko na sumagot siya pero parang walang narinig. Fine! Ayaw niya e di for now di ko siya kukulitin pero for now lang yun okay?
FOR NOW LANG.
"Huwag mo na kausapin iyan di ka niyan papansinin pramis!"biglang nagsalita as ng babae sa other side ko.
"Bakit naman?"nacurious ako bigla.
"Kasi ganito yun ,simula gradeschool dito na ako nagaaral at classmate ko si Ijiwaru. Hindi naman siya ganyan dati pero nung nag2nd year high kami ayun naging snob na si Ijiwaru. Dati nga naalala ko pinagtanggol pa niya ako sa mga bully eh pero ngayon parang ang motto na yata niya "The Heck I Care!". Mabait yan pero dati lang haha. Ako friendly, name ko pala,"then pinakita niya ang i.d. niya sa akin. Naks! Ang ganda niya sa picture pero maganda naman talaga siya in person. At cute ang name niya rin.
'Hiruma Itsumo'
"Hi Hiruma! Yoru, Yoru Asatte."Happy kong sabi. New friend maliban kay childish Kyoki. Tsk. Dapat kasi nagbakasyon muna si Kyoki for one year sa pagaaral para classmate ko siya. Pero hayaan mo na atleast meron akong source of information pagdating sa studies.
"Sabay kaya tayong maglunch,"sabi ni Hiruma with full attention sa akin. Ewan ko lang kung bakit di kami pinapagalitan ng teacher namin sa pagdadaldalan pero hayaan mo na...mas maganda nga kung ganun.
"Ah Sige, sure. Friends?tanong ko at inilabas ang aking pinky finger. Parang pinky promise ang peg ko.
"Corny ha. Friends."then she connected her pinky sa pinky ko. Nakikisabay sakin ah. Hayaan mo Hiruma may isa ka pang isip batang sasabayan. And to think na mas matanda siya sa akin ha! Welcome to the Kiddie World!
Pagkatapos ng pinky promise namin ay nanahimik na kami. Save the energy para mamayang lunch hyper parin kami!!! At syempre para maiwasan na mahuli kaming nagdadaldalan ni Ma'am na mabait kasi mamaya sabihin niya sinasagad na ang kanyang kabaitan. Then ayoko namang maging magandang studyante na may record na late sa unang pasukan at the same time madaldal pa. Ayokong dungisan ang maganda kong imahe!!!
Pero wait lang...may itatanong ako. Anong date ba ngayon...January 1? Kasi parang New Year lang eh. Ang dami kasing new para sa akin ngayon eh!
New him and the best and my favorite new...New Friend!
Pero sa kabila ng mga new na iyon may isa paring bagay na hindi nagbago at napatunayan ko iyon ngayon sa pagkikita namin...
.
.
.
.
Iyon ay ang feelings ko para sa kanya. Hindi parin pala nagbago.♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣♧♣
[Dedicated to maryfaithhazel15 for adding this to her reading list and voting numerous chapters. Keep fanning and enjoy reading. Hope this cheer you!]
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."