Ilang araw narin matapos ang 1st day of school kung saan nalate ako agad agad. Lagi na kaming magkakasama ni Hiruma. Close narin silang dalawa ni Kyoki kasi malamang pare-pareho lang naman kaming childish dito. Tropang Bagets lang.
Si Waru? Ayun mukhamg walang balak pansinin ang aking magandang existence. Parang invisible lang ako sa kanya. At sa classroon marami narin akong slight friends doon kahit nung first day makatingin sila sa akin wagas.Buti nga hindi ako loner.
"Mukha mo Kyoki,"sabi ni Hiruma habang dinuduro sa mukha si Kyoki.
"Maganda,ano pa ba?"sabi ni Kyoki with hairflip pa iyan ha!
"Kapal ha, magjojoke ka nalang di pa nakakatawa,"sabi ni Hiruma habang nakuha ng fries sa lalagyan ni Kyoki.
"Hoy! Matapos mo akong sabihan ng makapal kukuha ka sa akin ng pagkain? Ikaw ang makapal!"sabi ni Kyoki at tinabig niya ang kamay ni Hiruma para hindi niya makuha ang fries. Tsk. Damot ni Kyoki anoh?
"Hay nako Kyoki. Ang tunay na magkakaibigan ay naglalaitan kaya pahingi na ha!"sabi ni Kyoki at kumuha na talaga sa lalagyan ni Kyoki.
At dahil parang ako pa ang nagkekwento tungkol sa kanila imbis na ako ang ikinikwento sa STORYA KO , nakisingit na ako.
"Oo nga Kyoki kaya kapag nilait kita huwag ka magagalit dahil we are just stating the truth na kapag nakikita namin ang pagmumukha mo natatawa agad kami. Kaya no need para mag-joke si Kyoki. Diba Hiruma , "sabi ko with matching tap sa likod ni Kyoki at tingin ng alam-mo-na-gagawin look kay Hiruma.
"Oo nga noh. Kaya pala makita lang kita natatawa na ako,"sabi ni Hiruma na may patakip takip pa ng bibig na nalalaman.
"Thank you sa panglalait ha!"sabi ni Kyoki at inikot paikot (malamang!) Ang mata niya. Feeling naman niya nagmukha siyang masungit! Eh mas lalo nga siyang pumangit eh! Owkey ang hard ko. Maganda kaya kaming tatlo noh! Ang pinagkaiba nga lang MAS MAGANDA ako sa kanilang dalawa. Wahahah.
Breaktime namin ngayon kaya ayun bonding ever nanaman kaming Tropang Bagets. Masaya na sana kaso nahagip ng aking kumikislap at maningning na mata ko (shine bright like a diamond yan eh!) si Waru and may kasamang girl . Pero buti nalang hindi lang silang dalawa pero eh! Magkatabi kaya sila oh! Tapos ang ganda rin ng girl!
"Uy Yoru ano bang tinitignan mo ha,"sabi ni Hiruma at sinundan nilang dalawa kung saan ako nakatingin. Sa table kung nasaan sina Waru.
"OMGEE! Sila ba ni Musume Yooka ?"sabi ni Hiruma na parang gulat na gulat.
"Musume?"sabay naming sabi ni Kyoki. Eh hindi namin kilala yun kasi ako bago lang ako dito, si Kyoki naman wapakels yan sa mga tao sa paligid niya kahit one year na yan dito.
"Oo. Ang Ms. Perfect ng school na ito. Lagi kasi siyang nananalo sa mga beauty contests at athletic din siya. Medyo may brains siya pero wala sa top. Parang masasabi mo lang na average at hindi tangabells. May magandang records sa school. Pero di ko alam kung kasing ganda ng records niya ang ugali niya,"sabi ni Hiruma na parang may binasa lang na article ni Musume na yun.
"Bakit parang alam na alam mo ang mga tao dito?"tanong ko sa kanya dahil ganyan din sya nung nagtanong ako kay Waru. Baka ginagawan niya sila ng profile?
"I'm an observant person kasi. Isabay mo nang medyo may pagka chismosa ako. Pero slight lang depende sa bagay kung interesting o hindi,"sabi niya habang kumukuha ng fries sa lalagyan ni Kyoki na nakaani ng masamang tingin sa kanya.
"Eeh. Creepy mo girl! "Sabi ko sa kanya. Mamaya niyan kapag may nagtanong din tungkol sa akin eh baka pati ako parang ginawan niya rin ng article. At ang ganda naman yatang chismosa namin. Ang dapat tawag sa amin ay Gossip Girls. Oh diba? Sosyal lang!
"Hayaan mo Yoru hindi iyan gusto ni Ijiwaru,"biglang sabi ni Kyoki out of the blue. Nabuhayan ako sa sinabi ni Kyoki. Oo nga naman, malay natin napilitan lang siya makiupo dyan o kaya no choice nalang. Haha . Pwede,pwede. *tango-tango ng ulo with bright smile*
"Bakit may gusto ba si Yoru kay Ijiwaru?"tanong ni Hiruma kay madaldal na Kyoki.
"Oo. Matagal na highschool pa lang kami. Diba Yoru,"sabi ni Kyoki at kinalabit ako.Tumango ako na medyo may dramang nahihiya."Oh diba! Huwag mo ichismis yan ha! Kapag ako narinig ko yang kumalat sa school puputulin at I will staple your mouth."sabi ni Kyoki at nilakihan ang mata niya.
"Mahilig lang akong kumalap hindi magkalat okay? Pero Yoru huwag ka na umasa kay Ijiwaru. Wala kaya yang paki sa ibang nilalang sa school at bihira iyan sumabay ng lunch with a group. Hindi kaya sila na talaga? Hindi naman malayo na magkagusto siya kay Musume dahil Maganda naman siya pero mas maganda tayo,"sabi ni Hiruma na nakatingin sa table nila Musume at pagkasabi ng last part ay tumingin sa akin.
Oo nga naman. Maganda nga si Musume pero mas maganda kami pero anong silbi ng ganda kung ang iniibig mo'y napunta sa iba? Huhu. Laslas na teh!
"Hayaan mo na ito si Yoru. Masama bang mangarap?"sabi ni Kyoki kaya nakatamggap siya malakas na batok mula sa akin.
"Aray! Sorry na best""Naku! Makapag discourage ka naman. At anong sorry? Ilang million ka na yata nagsorry sa akin. Anong nangyari? Ganun parin nangiinis ka pa rin."sabi ko.
Kahit nagbabangayan kami 3 nina friendship hindi ko parin maiwasan mapatingin sa direksyon kung nasaan sina Waru at Musume na yun.
Oo, maganda siya. Maganda ang mukha at form ng katawan. Pero nga hindi masyadong matalino. Kung ikukumpara ako sa kanya medyo malapit lapit din. Ako kasi I excell in Academics siya naman sa sports. Pareho kaming maganda pero take note mas maganda ako. Sure din na mabait ako...Pwede na talaga kay Waru.
Natigil ang pagkukumpara ko sa akin at Musume ng biglang may sumulpot na lalaki at nagsalita.
"Hi Miss! Are you miss Yoru Asatte?"sabi ni kuya. Ako pala hanap nito bakit kaya?
"Uh. Yes, bakit?"
"Uhm. May nagpapabigay,"sabay lapag ng isang toblerone at Hershey sa lamesa at turo sa lalaki sa malapit na Mesa.
"Oh. Anong gagawin ko dito,"patay malisya kong sabi. Malay mo ang ibig sabihin ng 'nagpapabigay' ay ibigay ko kay ganito. Baka pagtawanan ako kapag sinani kong "thanks ha!"
"Titigan Yoru. Titigan natin hanggang sa matunaw,"sabi ni Kyoki.
"Ah hehe ikaw ba kausap ko?"sabi ko na may halong pangiinis.
"Para sa iyo iyan Ms. Asatte pinabibigay ni Atsui,"ah aba. Pwede na ako magfeeling, assured na eh! Atsui daw name? Diba pwedeng Waru? De joke!
"Sige. Thankee."I said then nagring na kaya umalis na kami doon. Nilagay ko na ang bigay na chocolates ni Atsui ng biglang may nalaglag na black paper. Uy, favorite colour ko yan.
''Ano kaya ito?"bulong ko sa sarili ko habang pinupulot as ng letter yata. Then pagbukas ko may gold na sulat. Parang kabaomg lang ah. BLACK iou and GOLD talaga? Tsk.
Binasa ko ang sulat. Binasa as in niread ha. Mamaya may mamilosopo sa akin dyan. Paano ko mababasa kung basa (wet) yung sulat? Isip isip mga slow at pilosopo dyan okay para magkasundo tayo.
YORU,
Meet me at the rooftop 4:00 pm.
Processing...
Loading...NO INTERNET CONNECTION.
De joke!!!
Secret Admirer
&
AdmirerHahaha...Grabe lang ha!.
.
.
.
.
.
Grabe na ang haba ng hair ko.♟♙♟♙♟♙♟♙♟♙♟♙♟♙♟♙
Sinagad ko na to the nth power ang pagka GGSS ng Tropang Bagets lalo na kay Yoru.
And Atsui as Choi Minho of Shinee pero ang ilalagay kong picture ay si Kyoki and Yoru.
Kyoki as Jung Krystal of F(x)
Pavote ah! Love lots... Mwahug!
Pati ba naman Kyoki sa picture inaaway mo parin si Yoru. Bad Girl!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/34893553-288-k972176.jpg)
BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Fiksi Remaja"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."