Three

80 25 1
                                    

Three
Ganting Kiss
╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰╮╰

"Kasalukuyan pong mahangin ang aking paligid at tila nagbabadya na may malakas na ulan na babagsak. Aasahan po natin na babahain ang buong Metro Manila at makakansela nanaman po ang mga pasok ng mga paaralan kaya para po sa mga istudyanteng tamad diyan, magdiwang na!"

Haha. Pwede na. Pwede na maging magandang weather forcaster! Wait lang po at may nawawala.

"At ito po si Yoru Asatte na nagsasabing ang buhay ay weather weather lang," alaKuya Kim lang ang peg. Bigyan na ako ng sumbrero.

Ay. Magwewelga ang mga fans ko sa chanel 7. Sige na nga para hindi na kayo magreklamo,"Ito po si Yoru Asatte nagbabalita 24 oras."

Nagulat ako ng nagmomoment pa ako sa pagiging weather forcaster ng biglang may yumakap sa akin palikod.

"Ay anak ng nanay ko na kumakain ng tinapay na may cheese sa gitna,"nagulat na sabi ko.

"Diba ikaw lang ang anak ng nanay mo?"

I know that voice really well. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya.

"Bakit nandito ka?"

"Para sunduin ka."

"Sino naman ang nagsabi na nandito ako aber?"

Tumaas ang kilay ko at nagpamewang sa harap niya. Tinignan ko pa siya ng naniningkit na mata at ang lalaki! Hindi man lang natinag sa pagtataray ko.

"Tinext ko si Kyoki, Hiruma, Musume, Omoshiroi at Tanoshii kung kasama ka nila,"sabi niya sa akin.

"Kilala mo na yung boyfriend ni Kyoki at kapatid ni Musume?"

"Oo at sabi nila na kanina ka pa daw dito at ayaw mo pa umuwi. Naisip ko na sunduin ka galing sa work because you maybe didn't expect that it will rain,"sabi ni Waru.

Natouch man ako sa sinabi niya na iyon pero nainis ako kasi nakasuit pa siya. Naattract tuloy ang mga tao dito at napapatingin kay Waru.

Samantalang ako, nakajeans, simple, plain tshirt and converse. Mukha tuloy akong alalay niya kaysa Girlfriend.

"Huwag ka magalala Yoru. Maganda ka parin kahit ganyan ang suot mo,"sabi niya sa akin.

"Hmph!"

Naiinis ako kasi nabasa nanaman niya kung ano ang nasa isip ko. Psh.

"Totoo naman Yoru. You're really beautiful in my eyes. I don't know if others will agr-Aw!"

"Kung balak mo sana akong gawing mukhang alalay mo, sana nagsuot ako ng uniform. Yung long dress na parang may apron na laced sa dulo at headpiece para masaya,"sabi ko matapos kong hampasin ng bongga ang braso niya.

"That's not what I mean,"nalulungkot ang boses na sabi niya.

"Patatawarin lang kita sa isang kondisyon."

"Oo na! Halika na nga,"at hinila niya ang kamay ko.

Wala pa nga akong sinasabi pero hayaan mo na atleast holding hands kami. Oo na, ako na malandi. May angal ka?

Pagkatingin ko sa restaurant na iniisip ko kanina ay napatulala ako. Akala ko pa naman ay tama ang pagkabasa ni Waru ng utak ko.

"Mcdo lang Kuya? Seryoso?"

"Don't call me that unless you want to be kissed,"seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Ano gusto mo? Sister or Ate? Pwede ring Girl or P're? Kuya ka malamang! Kuya! Kuya! K-"

repudiate|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon