Today is the day.
Today is the day that I've been waiting for...
Ang magising sa umaga hindi dahil sa alarm clock kundi dahil wala lang. Gusto ko lang.
Today ang unang araw ko na hindi ko na kailangan maghabol ng oras para pumasok.
Hindi ko na kailangan problemahin kapag nagpuyat ako ay papangit ako at magkakaeyebags.
Dahil Graduate na ako ng college at graduate na ako sa mga echos na iyan...buti nalang hindi napatupad ang K to 12 nung mga panahong nasa highschool pa ako.
Kung napatupad iyon, magkakaroon pa ako ng extra 2 years ng pagaaral.
Hindi naman sa ayaw ko na po na magaral.
Ayoko lang yung nagigising ng maaga, nagmamadali sa pagaayos, hindi na makakakain ng breakfast, matatraffic on the way, magaalala dahil may nakalimutang assignment, magalala sa mga paper na kailangan kong ipasa, magsusulat ng notes tapos maikwan sa classroom, mapupuyat dahil sa pagrereview para kinabukasan may isagot sa quizzes at test, mamental block kinabukasan at nganga sa test, magkandarapa sa paghahanap ng bagay na para sa project.
Halata naman na hindi ko ayaw na pumasok na diba?
Bumuntong hininga ako at umupo sa kama ko. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para pumunta sa washroom.
Pagkatingin ko sa salamin nagulat ako. Napakunot pa ang noo ko at tinignan ng mabuti ang babae na nasa salamin.
Ako ba talaga ito?
Bakit ganito itsura ko?
Anong nangyayari sa akin?
Kailangan ko na bang magselfie at magmalaki sa buong mundo na 'I woke up like this'?
Hindi ko kasi mapaniwala ang sarili ko na maganda parin ako kahit ilang oras na ako sa kama ko.
Infairness, wala pang hilamos iyan!
Makaligo na nga at may pupuntahan pa ako.
Pagkaligo ko ay nagsuot na ako ng damit
Isang simpleng green na Jacket na hindi neon. Ayokong masyadong madistract ang mga tao sa akin. Sabihin nalang nila na masyado ng attractive ang mukha ko, pati damit ba naman?
Bale ayun naka white sando sa loob tapos green na jacket na may print na Princess . Then nagsuot ako ng jeans and black converse.
Mukhang gagala lang kung saan. Nilugay ko lang ang pangcommercial kong hair.
Nagpulbos ako at naglipgloss at ayun ready to go na. Kapag maganda ka kasi kahit kakagising mo lang maganda ka na.
Nagcologne na ako at bumaba only to find my parents na nagaalmusal.
"Goodmorning!"
Masigla kong bati at humalik sa pisngi ni Mom and Dad. Hinablot ko naman ang tinapay na may nutella at kumagat dito.
Kinuha ko rin ang strawberry juice at ininom lahat. Nabusog agad ako ah.
"Why so early up?" Tanong ni Dad.
"She has a date darling,"sabi ni Mom at nginitian ako.
Nginitian ko rin si Mom,"Kind of Mom. I better get going."
Umakyat ako sa taas ng kwarto para kuhanin ang mga gamit ko. Chineck ko ang cellphone ko.
New Update in Library
WATTPAD

BINABASA MO ANG
repudiate|✔
Teen Fiction"in which seeds were planted even with the knowledge it wouldn't yield."