Seth's POV
I know what I said.
Alam na alam ko ang sinabi ko kaya hindi ko alam kung bakit ako nagkakandarapa ngayon na parang aso kakasunod kay Contessa.
Ni hindi ko maalala kung paano nangyari. I unconciously went to Gideon and Contessa's house. Walang malay na lang akong dinala ng mga paa ko dito.
Then after an hour of standing by, Contessa suddenly got out of the house. And now I look like some kind of a psychotic freak following her.
Naglakad sya hanggang sa malapit na Supermarket at ako naman tong baliw ay patagong sumusunod sa kanya.
I saw her got a shopping cart and so did I.
Nagsimula syang mamili kaya namili na rin ako. Nawili ako sa pamimili ng mawala si Contessa sa paningin ko.
"Damn it." bulong ko ng habang hinahanap sya.
So I suddenly turned a certain aisle when I crashed into an another cart.
"Fuck. Sorry.." bulong ko sa nabundol ko. And of all people, akalain nyo, si Contessa pa!
"Seth?" pagtataka nya kaya nagpanggap din ako na nagulat.
"Oy Contessa!" reaksyon ko sabay pulot sa mga natapon nyang napamili.
"Naggrocery ka? Bakit ka mag-isa? Nasaan si Gideon?" maang- maangan kong tanong samantalang alam ko namang hindi nya kasama si Gideon. Duh. Ive been following her for hours now.
"Nah. Nagkulang lang ako ng ingredients sa bina-bake ko." sagot nya kaya tumango tango ako.
"Ahh.. uhh.. pede ba kong sumabay?" tanong ko kaya nagkibit balikat sya.
"Ayos lang naman." sagot nya kaya napangiti ako.
Naglakad na sya kaya tahimik na lang akong sumunod. Halos di nya ko kibuin kaya napabuntong hininga ako. I remembered what my grandpa said. For a girl to like me then I shouldnt let a dull moment.
"Uhh.." banat ko para kunin ang pansin ni Contessa.
"Anong bibilhin ko para sa lulutuin mo sa susunod na linggo?" tanong ko kaya tinaasan nya ko ng kilay.
"So im your personal cook now?"
"Hindi ah!" apela ko. "I mean, yung convenient sayo."
"Ahh.. well just get potatoes, green peas, tomato sauce and beef. Caldereta na lang. Is that fine with you?" aniya kaya napatango ako na parang bata.
"Y-Yes! Yes! I love that!" nakangiti kong sagot kaya ngumiti din sya.
Well at least napapangiti ko sya kahit magmukha akong unggoy hindi ba?
I took the said ingredients while Contessa suddenly stopped by the appliance section. She was eyeing on one oven kaya nilapitan ko.
"Bibili ka ng oven?" tanong ko kaya sinimangutan nya ko.
"Pag tumitingin bibili na agad?" pagbabara nya kaya napakunot ang noo ko.
Aba! Kasungit nga naman ng babae tong oh!
"But I honestly prefer to have a new one. Kumbaga sa Iphone latest IOS to. Kumbaga sa Android. Latest version ito. Gets?" paliwanag nya kaya sumagot ako.
"Then ask Gideon to buy you one. Im sure he can afford it."
"Alam ko. Pero may mga importanteng bagay na dapat unahin. You know, dapat pagipunan."
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...