Gideon's POV
"C"
"O"
"N"
"T"
"E""Hoy! Boss!"
"Ay butiki!!" hiyaw ko sa sobrang gulat.
"Haha!" tawa ng bastos na nilalang na nanggulat sa akin sabay upo sa tabi ko.
This meddling kid here is named Chesca. Oo, meddling. Dahil masyado syang pakialamera, epal at papanchin. Kung di lang nya kailangan magOJT sa akin, hindi ko sya pagtitiyagaan.
"Mahal na mahal nyo talaga ang asawa nyo noh?" siko nya ngunit blankong mukha lang ang isinagot ko.
I didnt answer and instead I just continued to write Contessa's name on the snow.
"S"
"S"
"A""Yan!" i proudly said as I enclosed her name with a heart.
"Eh bakit kasi di mo pa puntahan Boss-Chef?" pangungulit nya kaya napailing ako.
"Bakit nga po??"
"Basta! Pupuntahan ko rin sya! Tuma-timing lang ako! Okay na?!" sagot ko.
"Sungit!" komento nya ngunit di ko na pinansin.
I just exhaled and watched the snow as it fall from the sky. Napapikit ako at inalala ang mga nangyari siyam na buwan ng nakakaraan.
Yes. Siyam na pamatay na buwan.
And that night I left Contessa's house? I promised myself that I will come back.
Babalik talaga ako dahil hinding hindi ko isusuko ang asawa ko. Nakakalungkot mang aminin pero nung mga panahon na yun, binigyan ko sya ng distansya.
For weeks, I didnt bother her. I didnt even text or call her. Naniniwala kasi ako na kailangan nyang makalimot para makapagpatawad.
Alam kong galit sya at malamang nasusuka sya sa pagmumukha ko kaya dapat lang na wag na muna nya kong makita. Nagtiis at nagtiis ako hanggang sa dumating ang takdang panahon para sa operasyon ko.
Dumating na ang araw at gaya ng napagkasunduan pumunta ako sa doktor ko. Ipinaliwanag din nya ang proseso bago simulan ang lahat.
"Alright Mr. Cabrera, before we start, I would like to inform you that we offer two options for your problem here in our hospital. First is the Vascular Reconstructive Surgery. To make it short, ang papakialaman lang natin ay ang mga artries at veins ng ano mo. Gets? Reason for that is to normalize the blood flow for you to have an erection."
"Then secondly are Implants. Yes, penile implants. Meaning, mayroon tayong ilalagay sa ari mo para tumigas. Easy to understand right? Do you get everything?" pagtatapos nya kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.
"Yes." sagot ko na lang.
"Okay now, obviously, dun tayo sa most conservative method. Do you agree?"
"Yes, I want natural erection as much as possible." desididong pahayag ko.
"Good, cause we cant afford to fail. Kung hindi magtatagumpay to, mapopostpone ang surgery mo. Also, our hospital here is not ready for implants. Im sorry pero kung mangyayari un, iimport pa natin ang mga materyales at napakatagal nun." aniya kaya napalunok ako.
Jusko. Hindi ko akalaing ganito pala kakumplikado ang magpatigas ng ari! Lord naman eh! Bakit mo ko ginising nung nagpaulan ka ng patay na patola!! sigaw ko sa utak ko.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...