Seth's POV
"Seth Felix ano ba! Tara na!"
Banas kong inangat ang tingin ko sa tumatawag sa akin at umiling.
Tsk. He's not doing this to me.... again..
"Felix ano ba!"
Hindi pa nakuntento at bumalik sya para hatakin ang manggas ko.
"Tarraaa na sabii!!!"
Pinorma ko ang kamao ko at pinektusan sya.
"Octavio tigil tigilan mo ko ah! Isa pang Seth Felix mo at itatapon na kita!" banat ko.
"Pero Seth- I mean Tito-"
"Yan!" singhal ko.
"Matuto kang gumalang, leche flan na bata to." mahinang bulong ko habang pinapatay ang laptop ko.
Octavio here is my five year old godson. He is with me now because of his parents' request.
Sa siyam na buwan na paninirahan ko sa Amerika, sa magulang ako ni Octavio nakituloy.
No harm done since they are my childhood friends. I said that I dont want a special treatment in my own household so I needed to stay with them.
At oo. Nag Amerika pa ko para makalimot. Nagtrabaho at nagtrabaho para lang malimutan ang putragis na magasawang naging sakit ng ulo ko.
Anyways, they requested me on bringing Octavio here in Philippines cause the child hadnt seen it. Also, since I have an errand here, I dont have any choice.
Kung pagbbaby sitter lang pala ang balak nila sa akin edi sana di na ko nakituloy sa kanila. Bwiset.
"Tito naman kasi! Magsasara na po yun eroplano! We need to get out! Now!" padyak nya.
"Hindi magsasara ang eroplano! This is my property so they will wait for us! And besides excited ka lang makita ang Pilipinas! Kunwari ka pa!" sagot ko kaya sinimangutan nya ko.
Niligpit ko na ang gamit ko at naghanda sa pagalis. Pagtayo ko, inangat ni Octavio ang mga braso nya sa paraang nagpapakarga.
Oh cmon, he's not doing this to me! Again!!
"Octavio naman! Wag naman pati dito!"
"Ocs po Tito!! Karga!" pangungulit nya kaya kinarga ko na lang.
Walanjo talaga tong batang to. Paano ako makakapaghanap ng chicks! Sa itsura ko palang, mukhang pamilyado na!
Ininda ko na lang at kinarga sya. Sumakay na rin kami sa sasakyan pagkatapos para makarating na sa hotel.
I was sleeping soundly when my mom entered my room.
"Felix!!" bungad nya kaya gulat na gulat ako.
"What what?" bangag na reaksyon ko.
"I missed you!" lapit nya sabay yakap sa akin.
"I missed you too of course, but im freakin tired now. Ito muna si Ocs." banat ko sabay dampot kay Ocs at abot sa nanay ko.
Natulala sya ngunit nilaro din naman ang bata.
"Hi Ocs! Ang cute cute mo!!" huling rinig ko sa nanay ko at bumalik na ko sa pagtulog.
Dumating ang umaga at niyuyugyog nanaman ako ng nanay ko.
"Feliiix!! Wake up already!"
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...