Chapter 25: Seven Virtues vs. Seven Deadly Sins

815 33 40
                                    

Author's Note:

Guys, this is just a filler chapter. Sobrang ikli nito pramis. Paki-tiyagaan na lang at saka ko ipapasok ang horror sa next update hehe. THANKS.
----------------------

Seth's POV

Sabi nila, pag mahal mo, apektado ka.

At first I don't really know what that means. I mean oo mahal mo but why do you have to be overly affected for their sake? May mga sarili tayong buhay at problema. Miserable ka na nga, bakit mo pa pproblemahin ang pagiging miserable ng iba?

Fair point isn't it?

In my case I just see Contessa as a girl I want. Alam nyo yung may crush ka tapos gusto mong maging girlfriend? Ganun lang sana.

Pero ngayon? Naiintindihan ko na ata ang ibig sabihin ng mga katagang yun.

Ni hindi ko naman alam. Ni hindi ko naman sinasadya. Ni hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Di ko akalain na lalalim ng ganito ang nararamdaman ko para kay Contessa.

Nung pinalano ko to, ang gusto ko lang naman ay mawala si Gideon para mabilis kong makuha ang babae. I even thought na mag-paparty pa nga ko pag nagkasamaan sila ng loob.

But seeing her like this? Pakiramdam ko tuloy ako ang sumalo ng masama kong plano.

Mula nun araw na pumunta si Contessa sa Cabrera, hindi na sya naging pala-imik. As in no talk. She even stopped baking. Its like her world stopped. Namiss ko tuloy ang pagsisigaw at pambabara nya sa akin.

But do you know what hitted my conscience so hard? Yung ako ang dahilan ng pagiging ganyan nya. Wala syang kaalam alam na ako ang may kagagawan ng lahat.

Gust kong bumawi ngunit parang may invisible shield na nakabalot kay Contessa at hindi ko sya malapitan.

"Con-Con?" lapit ko habang nakatakip ang mukha ng napakalaking teddy bear.

She looked and shook her head.

"Halika na Con-Con. Labas tayo." pang-uuto ko sa paraang kunwari ang teddy bear ang nagsasalita.

She exhaled and annoyingly faced me.

"Seth.." panimula nya sabay hatak ng teddy bear sa akin. "Just leave me alone. Get out." dugtong nya.

"Contessa.." seryosong sambit ko sa pangalan nya. "Mag-iisang linggo na. You have to forget. I will not leave. Dito lang ako kahit ipagtulakan mo pa."

"Wag mo kong pagtiisan, Seth. Alam ko maiinip ka. Umalis ka na." malamig na pahayag nya kaya napahilamos ako sa mukha ko.

"You know what?" titig ko sa kanya. "Never. Dito lang ako sa tabi mo. Mag-aantay ako. At pag handa ka na, nandito pa rin ako." pahayag ko at laking gulat ko ng tumitig sya sa akin.

"Then help me please.. get me out of here. Pagod na pagod na din ako." aniya sabay pisil sa kamay ko.

I got a hold of her and pulled her into me for a hug.

No words. I just hugged her.

Mga ilang minuto din kami sa ganoong posisyon ng magsalita sya sa wakas.

"Sa tingin ko may iba na talaga si Gideon." biglang banat nya at hiwalay ng yakap.

"Ha?" pagtataka ko.

"I mean alam nya kung saan ako nakatira hindi ba? Pero di man lang nya ko pinuntahan para magpaliwanag. So he just probably thought that we should end this."

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon