Double time guys. 3 chaps to go till epilogue. Mahaba to hehe.
----------------------------Contessa's POV
"Contessa, pangako, di ka magsisisi. I will take this as my final chance. Hinding hindi na kita-"
"Seth."
Sabay kaming napalingon ni Seth sa may pintuan ng may kumatok.
"Pinapatawag ka ng Tatay mo." pahayag nito kaya nakita ko kung papaano magbago ang expresyon sa mukha nya.
His face had gotten pale and grim.
"Wait love." kuha ni Seth sa kamay ko para halikan.
Lumabas na sya at saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Oh my god." sabunot ko sa buhok ko.
Napasalampak ako sa semento at napasapo sa mukha.
What have I done?! Wala akong balak makipagbalikan kay Seth! Ginawa ko lang yun para matamik sya at hindi na pagtinginan ng mga tao dun!
Tama! Aalis na ko bago pa sya bumalik. I should get out of here now!
Naghanda na ko sa paglabas ng balkonahe ng may magbukas ng pinto nito.
I looked and I recognized them as Seth's friends.
Napalunok ako at napatingin sa kanila. Ang dami nila. I mean, theyre five in number and Im just one. Paano ako makakalabas nito?
Gayunpaman, tinuwid ko ang tayo ko. Naglakad ako at binalak na lang lagpasan sila.
Im almost at the door when one of them grabbed me by the arm.
"San ka pupunta?" tanong nya. "Babalikan ka ni Seth dito."
"Excuse me." bawi ko sa braso ko. "Aalis ako kung kailan ko gusto."
"Contessa please, makinig ka muna sa amin." harang pa nun isa.
"Makinig? Tungkol naman saan yan?" pagsusungit ko.
Nagulat na lang ako ng lumuhod ang isang pinakamalapit sa pinto at magmakaawa.
"Please. Patawarin mo si Seth. Please give him a chance! Please bumalik ka na sa kanya!"
"Ano?! Tumayo ka nga jan!" hatak ko sa kanya patayo.
"Hoy. Kayong mga kolokoy kayo!" duro ko sa kanila. "Anong akala nyo? Na maloloko nyo ko?!"
"Hindi ka namin niloloko!" sagot na din ng isa. "Tingin mo luluhod yang isang yan kung trip trip lang to?! Baka di mo napapansin, bawas na bawas na ang pagkakalaki namin!"
"Hey!" tulak ko sa dibdib nya. "Im not stupid! Kilala ko kayo! Kayo ang naglayo kay Seth sa akin tapos pababalikin nyo ko sa kanya?! Mga baliw ba kayo?! Ive been tortured mentally! Hindi ko malilimutan yang mga pinaggagawa nyo!"
"Hey Contessa." eksena ng huli at hawak sa magkabilang balikat ko.
He looked straight to my eyes and pleaded.
"Alam na namin ang naging kasalanan namin. Kaya kami nandito! We're here to say sorry!"
"Why just now! Ngayon pa! Ngayon pa kung kailan suko na kay Seth!"
"Wag mong sabihin yan!" aniya. "Maniwala ka, magsisisi ka pag sinukuan mo si Seth. Mahal na mahal ka nya!"
"Walang nagmamahal na nagpapasulsol sa kaibigan! He doesnt have the balls to resist you guys! It clearly means na mas pinapaboran nya kayo kaysa sa akin! Hindi ako papatol sa lalaking uto uto sa tropa!"
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...