Chapter 27: May nabaliw. Basahin nyo. Chos.

896 38 53
                                    

Author's Note:

Time for Contessa's POV and she may only have two or three POVs for this whole story. Hello, kwento kaya to nila Seth at Gideon, wag syang epal noh haha. Charot!

-----------------------

Contessa's POV

"Ms. Contessa, pull out ulit." pangatlong pasok ni Ms. Meg sa kusina ko bitbit ang isang napakalaking tray.

"Sh*t. Not again." bulong ko at mariin na lang akong napapikit.

"Uy Conts, ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba? Gusto mo ng kausap?" nakapamewang na pahayag nya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Its okay Megan." lapit ko sa kanya sabay kuha sa mga palpak kong tinapay.

"Kaya ko pa naman.." matipid kong tugon kaya matamlay syang ngumiti bilang sagot.

"Well then.. I'm just outside if you need me." paalam nya at tuluyan na nga syang lumabas.

"Tsk." mura ko sabay tapon sa mga pi-null out na tinapay sa basurahan.

God. Ilang pastries na ang nasayang ko. Mula pa kaninang umaga, na-ppull out lahat ng gawa ko.

Tinikman ko ang isa at napakibit balikat. Sabagay, mapait nga, may ampalaya ba to? isip isip ko sabay upo sa isang stool.

Fck. Stop this already. halos sabunot ko na sa buhok ko ng lumapit ang isa sa mga pastry chef.

"Ms. Contessa."

"Miggy." angat ko ng tingin sa kanya.

"Pahinga na lang po kayo. Halata namang wala kayo sa mood eh. Ako ng bahala, kaya ko tong lahat!" pagmamayabang nya kaya banas ko syang tinignan.

Darn this guy. Ang kapal. Ang confident pati. He's just a trainee. Paano nya makakaya lahat? Ipasok ko kaya sya sa pugon ngayon na?!

"Hoy Miggy tabi nga." epal naman ni Tristan. Another pastry chef. Older than me but he's my junior.

"Contessa, pahangin ka muna sa labas. O gusto mo lunch out tayo. Lilibre kita. O kaya mag-out na tayo. Punta tayo dun sa bagong bukas na bar sa kanto. O kaya kinabukasan na lang tayo umuwi. May bago ding bukas na motel katabi nun bar." banat nya kaya tagus tagusan ko syang tinignan.

The hell? Ipasok ko rin kaya sya sa pugon?!

"Guys, bumalik na lang kayo sa mga pwesto nyo, please." pakiusap ko kaya nagkatinginan sila.

"Dagdag kunsumisyon kayo eh." dagdag bulong ko sa paraang hindi nila maririnig.

Nagkibit balikat sila, iniwan nila ako at pinagpatuloy na nila ang mga ginagawa nila.

"Good Lord." buntong hininga ko ulit sabay salo sa mukha gamit ang palad ko.

God! Mababaliw na yata ako! Hindi ko akalaing mararanasan ko to ng dahil sa lalaking yun!

Oo! Ng dahil LANG sa lalaking yun! Si Seth! I can't seem to concentrate because of Seth!! Walang hiyang Seth yan! Gusto ko syang patayin! Ni hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito! Pero alam nyo yun.. he's totally bugging my mind!!

Kanina ko pa sya iniisip. No, erase that, kagabi pa! Mula nun nangyari samin. Ni hindi nya kasi ko tinawagan pagkatapos nun. At kaninang umaga? Hindi rin sya ang sumundo sa akin! Pinasundo lang nya ko sa driver, si Japs, anak ni Manong Cecilio!

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon