Author's Note:
Uy mahaba to ah! Pambawi! Hehe!
-------------------------------Seth's POV
"No.. this can't be happening... hindi.. hindi talaga!!"
"Ano ba Tito! Ang likot nyo!" tadyak sakin ni Ocs na ikinahulog ko sa kama.
"Ang likot nyo kasi eh! Natutulog ako!"
"Sorry ah!" depensa ko. "Kaw ang nakikitulog dito pero kaw pang may ganang manipa?!"
"Ano po ba kasing problema nyo?! Bulong kayo ng bulong sa sarili tapos paikot ikot pa! Nadadaganan nyo na kaya ako!"
"Kasi may issues ako sa buhay! Kaya ikaw bata ka, wag kang magulo!"
"Ah okay. I get it." pang-asar na banat nya. "Matanda ka na kaya andaming problema sa buhay. Okay. Gets ko na. Sorry po Tito." pagtatapos nya kaya halos makurot ko na ang batang to sa singit.
"Matutulog ka o itatapon kita?" kaskas bagang kong tugon kaya bumalik na sya sa pagkakatulog.
"Ah ito, inaantok na pala." hikab nya sabay taklob ng kumot sa mukha.
"Kung pede ka lang kutusan." gigil pahayag ko sabay tayo sa kama. Bumaba din ako at lumabas na lang para magpahangin.
"Walanjong buhay to oh." sabi ko sa sarili. "Bakit hindi ako mapakali? Ano namang paki ko kung nalaman na nya? Takte din tong si Contessa eh." bulong ko pa sabay sindi na ng sigarilyo.
I just dont get why am I so concerned and bothered that she already know what happened between us. I just felt I hurted her bigtime. Konsensyang konsensya ako. Ang pakiramdam ko lang ay kailangan ko tong ayusin.
------------------
"Oy Felix." yugyog sa akin ng nanay ko. "Bat dito ka natulog?" tanong nya kaya napatingin ako sa paligid.
Shit. I cant believe that I slept outside.
"Ah. Si Ocs po kasi umihi sa kama." dahilan ko kaya nagdabog si Ocs sa loob.
"Hindi yan totoo!" hiyaw ng bata sabay walkout sa kwarto ko.
"Hah! Ayos. nakaganti din." ngisi ko.
Hindi ko na sila pinagpapansin. Nagsimula na kong bumangon at mag-ayos. Napagdesisyunan ko kasing harapin ulit si Contessa kung gusto kong matahimik. Ramdam ko rin na ito lang ang tanging paraan para sa ikapapayapa ng kalooban ko.
Sumakay na ko sa sasakyan at napabuntong hininga ng malupit.
Alright. First step, makipagbati kay Matt. At pag bati na kami, tatanungin ko kung saan nakatira si Contessa. Perfect plan.
I dialled Matt's number a couple of times at lagi nyang nirereject. Pa-dial na sana ulit ako ng makatanggap ng text galing sa kanya.
"Tang-*na mo Seth! We're done!" maikling mensahe nya kaya napahampas ako sa manibela.
Tsk! Walanghiya yan! Now I lost my merge! Kalma Seth. Kalma. pagpapaniwala ko sa sarili ko.
"Alright, forget the business. Si Contessa muna ang pproblemahin ko." bulong ko ng mapatingin sa ilalim ng passenger seat.
"Teka ano to?" yuko ko sabay ngiti.
"Thank you destiny!" sigaw ko sabay tingin sa I.D na naiwan ni Contessa. Saktong nakalagay kasi ang address nya.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...