Chapter 11: Insecurity Kills

1.3K 49 40
                                    

Gideon's POV

"C'mon Giddy! Lets leave! Now!!" biglang hatak ni Contessa kaya inawat ko.

"Hey baby! Anyare sayo?!" pagtataka ko.

"Basta ayoko na sa lugar na to! Nakakasuka!!" talikod nya kaya wala na kong nagawa kundi ang sumunod.

At ano ang ibig nyang sabihin ng nakakasuka? Nakakain ba sya expired o nakainom ng bulok na milktea?

She angrily gestured at the valet so the guy panickly ran to get our car.

Tumayo ako sa tabi ni Contessa at pinakiramdaman ang pagkabadtrip nya. Bakit sya nagkaganito? What happened inside there that triggered her to be like this?

Dumating na ang kotse at dali dali kaming sumakay. Nagsimula na kaming makalayo sa mansyon nila Seth at saka ko lang naramadamang lumamig ang mainit na aura na nakabalot kay Contessa.

Hindi ako nagdalawang isip at pumarada ako sa gilid para humawak sa kamay nya.

"Mahal ano ba kasing nangyari? Pwede mong sabihin ang lahat sa akin. Mag-asawa tayo pero matalik tayong magkaibigan hindi ba?" paliwanag ko at bigla na lang nangyari ang di ko inaasahan.

Lumuha sya... No! Nagiiyak sya kaya taranta kong hinawakan ang mukha nya.

"Contessa! Ano bang nangyayari sayo? Sabihin mo para alam ko!" I said panickly.

Bumaba ako ng kotse at lumipat sa may pinto nya. Binuksan ko ito at dali dali syang hinatak palabas para yakapin ng mahigpit.

I hugged her so tight until I felt her loosened up.

Mga ilang minuto din siguro kaming nakatayong magkayakap at andami ng dumaan na kotse. Lahat sila halatang nagtataka kung bakit may dalawang nilalang na nagyayakapan sa gilid ng kalsada.

Kumalma din si Contessa at nakangiti kong pinasadahan ang mukha nya.

"Oy kaw babae ka! Wag na wag mo ng uulitin yun ah! Papatayin mo ba ko sa sakit sa puso? Wag kang basta basta iiyak ng ganon!" saway ko kaya nakangiti nyang pinunasan ang luha nya habang tumatango.

"Sorry.." cute na hingi nya ng tawad kaya wala na kong nagawa kundi ang yakapin sya ng mahigpit.

"Sus sorry daw! Wala yun kasi mahal kita!" yakap ko sabay angat sa kanya ng kaunti.

"Hindi yun Giddy." bitaw nya. "Pakiramdam ko kasi may nagawa akong hindi tapat. Nagtiwala ako sa mga tao sa paligid ko. Ni hindi ko naisip na nagtitiwala na pala ako sa maling tao." makahulugang tugon nya kaya kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pero nakangiti na lang syang umiling.

"Wala. Sabi ko mahal kita. Ano? Tara na?" alok nya kaya sumangayon na lang ako.

Sure it confused me but hey, I dont need to think that hard. Si Contessa naman yan. I trust her so much.

Narating na namin ang bahay at agad na nahiga pagkabihis.

Nagtitigan kaming mag-asawa na parang hindi nagkita ng sampung taon at nag-ngitian.

"I sure love to marry you again and again. Walang iwanan ah." banat ko kaya ngumiti sya.

Lumapit sya at humiga sa dibdib ko. I kissed her forehead in return while finger combing her hair.

Konti na lang Contessa.. bulong ko sa sarili ko. Konti na lang at magiging ganap na pamilya na tayo.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon