Chapter 6: Ang Brief

2.2K 69 56
                                    

Seth's POV

Gustong gusto ko ng manapak sa totoo lang. Nakaporma na ang kamao ko kanina pa. I'm ready to punch Gideon to wake him up but I couldnt.

Bakit nga ba hindi ko sya masapak?

Shit. Nilingon ko ang pinto sa likod ko at napaupo na lang para sumandal dito.

Pumikit ako at tiningala ang ulo ko. Nag-iisip ako ng dahilan para sapakin si Gideon. I need a reason to shake his brain!!

I met Gideon when I was lost and agitated. My parents dictated my whole life thats why I got fed up. Naglayas ako dahil dun.

Naubos ang ninakaw kong isang daang libo sa mga magulang ko.

I thought with that money I can start new. Mali pala. Everything was hard in this cruel, fucked up and money forsaken world.

I lived my life in riches. How can I know that a hundred thousand will only make you last in just three months?!

Naubusan na ko ng pang-tustos. I even got offers like money for Sex. Hell! Theres no way I would do that!

With the little money I got, I bought the cheapest camera I could find. Alam nyo yun? Sure, marami akong alam, computer, managerial skills, lay out and drafting.. I even attended millions of seminars. Im a goddamn pro in horse-back riding and race car driving. Pero anong magagawa ko? Lahat konektado sa pamilya namin.

Oo pinuntahan ako ng Tatay ko pero tinaboy ko sya. Anong sinabi nya? "Mabuhay ka sa hirap Felix! Tignan natin kung tatagal ka!!"

Tinawanan ko lang ang sinabi nya. Ako? Mabubuhay sa hirap? Mukha nya! I can get everything I want with my skills!

Lumipas ang mga araw at oo nga. Kahit may kakayahan nga ko, kung ang trabahong papasukan ko naman ay may kinalaman sa tatay ko, paano ako makaka-abante hindi ba?

Then I chose to be a freelance photographer. Ito lang ang trabahong abot kamay ko. Minsan may trabaho, minsan wala. Bullshit right?

Isang araw binigyan ako ng trabaho ng mga food enthusiasts. They proposed: Join them in every restaurant and do a photoshoot of the dishes.

Honestly natawa ako. Pipictyuran ko ang mga pagkain?! Bakit di na lang kaya nila I-Instagram?! Isip isip ko.

Then we entered a restaurant called Cabrera. In fairness, its small but heart warming.

The critics met with the owner and I was stunned. Ang bata pa nya. I even think mas bata pa sa akin. Kumain na sila samantalang ako naman ay walang ibang ginawa kundi mag-picture.

I was about to take a shot of a certain pasta when one guy obstructed my lenses. He started to put garnishes on the plate that irritated me.

"Hoy, nanggugulo ka ba? Nakitang nagppicture ako eh!" sipat ko sa kanya.

"Pinapaganda ko nga oh!" sagot nya sabay lagay ng dahon sa ibabaw nito.

"Yan! Pede na!" aniya kaya nagkibit balikat na lang ako. He left so I continued to take shots.

"Seth! Tama na yan! Print mo na!" sigaw ng isang nagpapasahod sa akin kaya ginawa ko.

Naiiling ako habang pinapasadahan ang mga shots ko pagkatapos.

"Patay. Mawawalan ako ng trabaho nito." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa mga litrato ng pagkain na sabog ang kuha.

Tinignan ko ang camera ko at parang gusto kong ibato. Kung nag-invest lang sana ako sa mamahaling camera hindi sana mangyayari to!! Asar!!

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon