Chapter 12: Ang Bakya

1K 44 30
                                    

Seth's POV

"Contessa, look at me..."

Humarap ako kay Contessa at tumitig sa mga mata nya.

"Alam kong hindi mo sinasadya ang mga nasabi mo hindi ba? We are a team to please Gideon right? We can work this out right? We can continue this in discreet right?" ulit ulit kong tanong kaya tumingin na sya ng masama.

"S-H-U-T  U-P.." kiskis bagang na sitsit nya kaya napabuntong hininga ako. I just exhaled and held her hand.

"Why would I shut up Contessa? Give me a reason. Nagalit ka ba kasi sinabi kong gusto kita? Anong mali dun? Nagpakatotoo lang naman ako. Kung iniisip mong magkakagulo kayo ni Gideon dahil sa nasabi ko pwes-"

"Bitawan mo ko kundi aagawin ko ang happy meal ng batang yan at isasaksak ko sa lalamunan mo!" sabat nya kaya bumitaw agad ako.

Sinong hindi bibitaw? Lumingon ako sa likod ko at ang happy meal na hawak ng bata ay ung taga Adventure Time na may espada. Theres no way that sword will go through my throat!!

Gayunpaman, hindi ko ininda at nagpatuloy lang ako sa paghingi ng tawad

"Contessa.. baby.. honey.. sweetie-"

"Sige! Dagdagan mo pa at ipapasok ko sa butas ng ilong mo yang iPhone ng babae sa gilid mo na walang tigil sa pagseselfie!" giit nya kaya napalunok ako at sumandal na lang sa upuan ko.

"Shit." buntong hininga ko. Ang tapang nya. No wonder kung bakit under si Gideon!

Nanahimik na ko dahil naaninag kong parating na si Gideon.

Nilapag nya ang numero sa mesa namin at naupo sa gitna namin ni Contessa.

"U-Uy anong pinaguusapan nyo? S-Sali naman ako." banat nya ng namumutla kaya nayuko ako.

Lumingon naman sya kay Contessa na nagpakawala ng plastic ng ngiti.

"Alright Giddy!" panimula nya. "Tutal nahalata mo na din, sasabihin ko na. Nagpaplano kasi kami ng surprise party sa birthday mo!!" dahilan nya kaya napafacepalm ako.

"S-Surprise?" kunot noo ni Gideon kaya napakusot pa ko sa mukha ko.

Bakit? Eh malamang-

"Kakatapos lang ng birthday ko mahal ah." banat ng lalaki.

There! Yan ang rason ng facepalm ko!

"O-Oo nga.." pagdadahilan ni Contessa. "Bakit? Bawal ba pagplanuhan ang next year?" dugtong nya kaya lalo akong napafacepalm.

Next year my ass!

Anyways, I dont want to be a part of this awkward scenario so I stood up.

"Seth! Kakain pa tayo!" habol ni Gideon kaya winagayway ko ang kamay ko.

"Kayo na lang! Allergic pala ako sa fried chicken!" paalam ko sabay labas sa fast food.

"Nak ng buwaya yan." pagmumura ko. Hanggat nandiyan si Gideon, hindi ko makakausap si Contessa. I need a plan. Kailangan kong masolo ang babae!

Tumawid ako at sumakay sa kotse ko na nakaparada kasama ang driver.

"San po Sir Seth?" tanong nya kaya kinukumpas kumpas ko na lang ang kamay ko sa paraan na "Bahala ka na, may utak ka, gamitin mo."

"San nga po sir?" tanong nya ulit.

"Basta kung saan ako sasaya!" pamimilosopo ko kaya agad syang nagmaneho.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon