Seth's POV
"F*ck."
Mga tanging salita na lumabas sa bibig ko pagkatapos.
"F*ck. F*ck. F*ck."
Paulit ulit na labas pa ng mga salitang to sa bibig ko sa pagkataranta.
Dali dali akong lumabas ng pastry kitchen para habulin si Contessa.
"F*ck." mura ko ng di sya makita.
Tumakbo ako sa kabilang exit ngunit wala rin sya.
I ran to every exit I can find. Pag wala sya, lilipat naman ako ng ibang exit. Para na kong baliw sa totoo lang. Halos lahat na ng staff ay nakatingin sa akin at nagbubulungan.
I was about to run out to the streets now when one guy obstructed me.
"Sir Seth." harang nya sa harapan ko. I looked at him from head to foot and I recognized him as one of my Dad's security.
I shook my head and tried to walk pass him.
"Wait, give me one more minute."
"Hindi talaga pede sir eh. Sinabi nyo na din kanina yang one minute pero labinlimang minuto na. Bumalik na lang po kayo sa sasakyan at malilintikan na ko nyan sa tatay nyo." aniya kaya banas ko syang tinignan.
Seriously Im pissed. Wala na akong oras sa mga pinagsasabi nya!
"Hey!" tulak ko sa kanya. "Una, wala akong paki kung malintikan ka. Pangalawa, importante tong hahabulin ko kaya tumabi ka diyan!"
"Hindi talaga sir." harang nya ulit.
"Sige! Isa pa! Sasapakin na talaga kita!"
"FELIX!" malakas na tawag sa akin ng isang pamilyar na boses kaya mariin akong napapikit.
Dahan dahan akong lumingon at humarap sa kanya.
"Hey Dad." kaskas bagang na pahayag ko.
Im seriously getting irritated now. Pikang pika na ko. I just want to get to Contessa. Bakit ang daming epal?!
"Let's go now!" may awtoridad na pahayag nya kaya napamura nanaman ako.
"F*ck." labas nanaman ng mga salitang to sa bibig ko.
Wala na kong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Sumakay na kami ng sasakyan at napahilamos ako sa mukha ko.
Kinuha ko na lang ang telepono ko at paulit ulit na tinatawagan ang numero ni Contessa.
"Pick up.. pick up.. pick up-"
Why is she not picking up?!
"Felix."
Nahinto ako at dahan dahang binaba ang telepono ko.
"Is this all about that girl again?" matigas na komento nya kaya hindi na ako nakapagsalita ng maayos.
"Dad, tinatawagan ko lang-"
"You promised that you will forget your girl for the meantime and focus on work." sabat nya.
"Yes, I know but-"
"Seriously. Para kang naglayas ulit." pagpapatuloy nya. "Inuubos mo yang oras mo sa babae na yan. Hanging out at the restaurant when youre most needed at meetings. Always following that girl when youre supposed to-"
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
Fiksi UmumOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...