Gideon's POV
Tatlong araw pa ang lumipas at halos mabaliw na ko.
Bakit?
Nagbago si Contessa mula noong sinabi kong hindi pa ko handa. She became evasive. Madalas nya kong iwasan. Di na rin sya nag-bbake sa restaurant kaya malaya kong natutupad ang kasunduan namin ni Anica.
Sobrang hirap sa parte ko. Di na kami madalas mag-usap. Tuwing tiyempuhan ko sya sa gabi, tulog na sya. Di ko tuloy alam ang tumatakbo sa utak nya kaya halos mabaliw na ko.
Palabas na ko sa building kung saan ginaganap ang support group ng habulin ni Anica. Today is my sixth day and thankfully, the last.
"Gideon!" habol nya sa akin.
Nakita kong nakaparada na si Seth kaya sinenyasan ko sya ng "teka lang".
"Ano yun Ms. Anica?" lingon ko ng mangyari ang di ko inaasahan.
Ms. Anica threw herself on me and kissed me!
Nabigla ako kaya hinawakan ko sya sa magkabilang balikat para ilayo sa akin.
"Anong ginagawa mo?!" hiyaw ko.
"Nagpaalam ka na sa Support Group at sinabi mo sa mga kasamahan mo na huling araw mo na ngayon!"
"So?!"
"So I just wanted to-"
"Stop!" awat ko sa kanya. I turned my back and walked away from her. "Nice knowing you and you just made a bad impression." huling lingon ko.
Sumakay na ko sa sasakyan at nakangisi si Seth.
"Desperado yang babaeng yan ah." komento nya kaya napailing na lang ako.
Nagmaneho na sya para iuwi ako, pero bago yun, nagpasama muna si Seth. Tatagay lang daw sya ng kaunti dahil isa daw sya freelancer na walang project.
Isip isip ko naman, ginusto nya yan, kung di sya naglayas, nakahiga sana sya sa pera.
Matapos ang ilang oras, ako na ang nagmaneho pauwi. Natagpuan naming nasa labas ng gate ang Volkswagen Beetle ni Contessa na bibihira nyang ilabas.
Kumabog tuloy ang puso ko. Dalawa lang yan. Its either kakalabas lang nya o lalabas pa lang sya.
"Seth.. may nararamdaman akong kakaiba." bulong ko at kunot noo lang ang naisukli nya. "Samahan mo ko sa loob." dugtong ko kaya sabay kaming bumaba.
Naiwan sya sa ibaba at umakyat ako.
Halos kabahan na talaga ako. Makalat ang bahay.. its seems like someone had break in or someone had been rummaging.
Nakaawang ang pinto ng kwarto namin kaya binuksan ko. Halos mapaluhod ako sa panghihina ng tuhod ng makita ang ginagawa ni Contessa. Contessa's been packing.
"Mahal.. anong ginagawa mo?" lapit ko sabay awat sa mga kamay nyang nagsisiksik ng damit sa maleta.
"Uuwi ako kela Mama kaya tumabi ka diyan!" halos sigaw na nya kaya alam kong narinig ni Seth. Hindi lang yon, nakainom sya.
No. Not just had a drink, she is drunk! Andaming bote ng alak na simot na nakatapon lang sa semento.
"B-Bakit baby.." yakap ko likod nya. "Bakit ka uminom? Hindi ka umiinom." bulong ko sa kanya.
"Hindi ko na kaya Gideon! All the thinking is making me crazy!!"
"Thinking?! Ano bang iniisip mo? Wala kang kailangang isipin!!" sagot ko.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...