Chapter 13: The Truth will not set you free. Haha

1.1K 49 26
                                    

Gideon's POV


Gusto kong balewalain ang lahat. Kunwari na lang wala akong nakikita o naririnig. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko. Pero ito? ITO?! ANO NANAMAN NA ITO?!

"Contessa!!" rinig kong hiyaw ng pamilyar na boses sa labas.

Nak ng tokwa yan. Sino pa ba? Edi si Seth! Seth nanaman!!

"Contessa!! Magusap tayo!!" hiyaw pa niya na pilit kong binabalewala.

"Wala akong nariring. Wala akong naririnig. Wala-" natigil ako sa pagbulong sa sarili ng biglang tumayo si Contessa.

What the?! Napa-nga ngang wagas ako.

She just rushed outside our room to attend to Seth.

Ang OA ng puso ko para kumirot. Pakiramdam ko kasi mas pinili nya si Seth gayong wala pa naman akong napapatunayan.

She would have just pretended to hear nothing. But going to him? She just proved that they had something. I want to accuse her but I'm scared of being wrong.

Gusto kong sumilip sa labas pero pinigilan ko ang sarili ko. Magiging masakit kung magkagayon. Mas mabuti kung wala na lang akong makita hindi ba?

Ilang minuto pa ang lumipas at narinig kong bumalik na si Contessa sa kwarto. Dali dali din akong nagtulog-tulugan. Umakyat sya sa kama at mahigpit na yumakap sa akin.

Dun na-blanko ang utak ko.

Her actions totally melted me.

Nalimutan ko bigla ang lahat. Yung yakap nyang halos mabali na ang ribs ko pero ayos lang dahil ramdam kong ako pa rin.


Binalik ko at niyakap ko rin sya.


Palibhasa kasi may kasalanan rin ako.. napagtanto kong kung ano man ang nagkaroon sa kanila ni Seth, alam kong kasalanan ko.

------------------

Dumating ang umaga at nagising akong wala si Contessa sa tabi ko.

Awtomatiko akong napababa at naabutan naman syang nagluluto ng agahan.

"Good morning Giddy!" masayang bati nya kaya napangiti ako.

I smiled cause she's back.. the same old Contessa.

Lumapit ako at naupo sa harap nya.

"Ang saya ng mahal ko ah." banat ko.

"Alam mo kung bakit? Cause today is brand new day. Magiging mas masaya tayo kasi wala ng asungot." paliwanag nya kaya nagtaka ako.

"Ha?"

"Ay nako, wag mong intindihin ang mga sinabi ko. Kain ka na lang." aniya sabay hain sa akin.

Nginitian ko na lang tutal masaya sya... sana nga magtuloy tuloy na at maging mas masaya pa kami.

Dumating ang takdang oras at pumasok na ko sa resto. Maayos naman ang lahat. Everything is well.. not until the end of my shift.

Pauwi na nga ko, di ko akalaing masisira pa ang ang araw ko. Bakit?

Dahil nakatayo si Seth at nakaabang sa may parking. Ako ba ang inaantay nya? Wala akong paki. I just want to ignore him. Malaki ang kasalanan nya kung tutuusin pero hindi ako basag ulo para makipagtalo.

Lalagpasan ko na sana sya ng awatin nya. Hinarangan nya ko.

"Ano? May kailangan ka?" sipat ko na lang.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon