Chapter 3: Seth

2.5K 88 11
                                    

Gideon's POV

Napapailing na lang ako habang nakatingin sa salamin.

"Walang hiyang Seth yan." bulong ko habang dinadampian ng gamot ang sugat ko.

Bakat na bakat ang sapak nya sa mukha ko ah. Ni hindi man lang sya naghinay hinay sa pagbugbog sa akin. Porke ba't sikat si Pacquiao ngayon, kelangan makisabay?! Lecheng lalaki yan!


Natapos ako at bumaba na sa kusina kung saan busying busy si Contessa. Pinagmasadan ko muna ang babae ng buhay ko at di maiwasang mabuo ang ngiti sa labi ko.

Tignan mo nga naman. Nawawala talaga lahat ng stress ko pag nasisilayan ang babaeng to.

Lumapit ako sa likod nya at humapit sa bewang nya.

"Ang aga pa busy ka na.." bulong ko sabay halik sa tainga nya.

Humarap naman sya para ipulupot ang braso sa leeg ko.

"May pupuntang client mamaya. Mag-ttaste test ng cupcake para sa binyag ng anak nya." tugon nya kaya ngumiti ako.

"Nice, sikat ka na talaga Con." sambit ko kaya napatawa sya.


"Wag ka mag-alala. Pag ako nainterview sa TV, babatiin kita!" biro nya kaya natawa ako.

"Oy ha, malinis na konsensya ko. Ito na ang Ampalaya--este Carrot Cake para kay Seth." pahayag pa nya sabay kuha nito sa ref.

Tinanggap ko at nangiti ako. The cake shows sincerity and it has a big "SORRY" on it.

"Seth will definitely love this." tugon ko kaya umirap sya.

"Aba dapat lang! Pinagpuyatan ko yan!" sipat nya kaya nangiti ako.

"Nga pala Gideon, sa binyag ng anak natin, what cupcakes would be the best? Ito kasing request ng client Spongebob. Ano kayang bagay sa anak natin? Hunger games? Walking dead? O Tokyo Ghoul?"

"Ay susmaria kang babae ka." pigil ko sa kanya. "Binyag ng anak natin! Hindi Halloween party!"

"I know! I was just thinking of something cool. I really really want to get pregnant now Gideon. Kung alam-"

"Hala! Late na ko!" sabat ko kaya natigil si Contessa. "O sya mahal! Aalis na ko, tawagan na lang kita pagkadating ko sa resto!" nagmamadaling halik ko sa pisngi nya sabay dampot ng cake para kay Seth.

Kumaripas ako ng takbo pasakay ng sasakyan at saka lang nakahinga ng maluwag.

Nak ng buwaya! Sabi na eh! Usapang pagbubuntis! Syempre pag usapang pagbubuntis, mapupunta sa usapang Sex! Shit! I cant afford to talk about sex! My dick isn't even responding to the word Sex!!

I just muttered Sorry Contessa to myself and drove straight to the restaurant.

Pumasok ako sa opisina ko at natagpuan si Seth sa harapan ng laptop ko.

"Oy ano yan!" sigaw ko.

"Pa-print lang ng Resume tol! Ito ang pag-asa ko para di na maging Freelance photographer!" hiyaw nya kaya nailing ako.

"Grabe ka! Piso per page na nga lang ang print ngayon, hinuhuthot mo pa sa akin!!"

"Kung makakalibre, bakit hindi?!" sigaw nya kaya inikutan ko na lang ng mata. Lumapit ako sa mesa at inilapag ang cake na ginawa ni Contessa sa harap nya.

"Oh! Bigay ni Contessa!" bulyaw ko sabay tulak nito sa kanya. Kinuha naman nya at binuksan.

"C-Carrot?!" aniya pagkakita sa maliliit na icing na nakadisenyong Carrots.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon