Seth's POV
"Ikaw nanaman?" irap ni Contessa pagkapasok ko.
"Well? What do you expect? Nanliligaw nga ko diba?" pilosopong sagot ko habang nilalapag ang tatlong sako ng Harinang bitibit ko.
"Hayaan mo na Con-Con." singit ni Ate Maning. "At least may kasama tayong gwapo." banat pa nito kaya nabanas ang mukha ni Contessa.
"Ate, ilang lalaki na po ba ang nakita nyo buong buhay nyo? May hihigit pa diyan! Mas maraming gwapo diyan!" pahayag nito kaya nailing si Ate Maning.
"Ay nako Con-Con! Kung kagaya ko lang yang edad at itsura mo, sasamantalahin ko na! Papakyawin ko lahat ng lalaki!" tugon nito sabay labas.
Umawang ang bibig ni Contessa at bumaling sa akin.
"Eh ikaw? Ano nanaman to? Iuwi mo na yan! Di ko kailangan nyan!" sipat nya sa mga dala kong ingredients sa pagbbake.
Nasa kusina nila ngayon ang sako sakong harina, asukal, iilang tray ng itlog etc etc, name it I brought it here.
"Contessa, ginagawa ko to para malaman mong seryoso ako. I'll prove to you that I'm sincere enough to be a part of your life." lapit ko.
"Seth, you're wasting time, effort and money! Wala kang mapapala sa akin!"
"At bakit wala? You're single, I'm single, definitely may pupuntahan tayo!"
"Seth! Im married!"
"No you're not! Sige nga, nasaan ang magaling mong asawa?"
"I mean in papers! Im married in papers! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo pag malaman nilang "Married" na ang babaeng pinag-aaksayahan mo ng oras?!"
"Then annul your marriage!" sagot ko.
"Annul it?! Ni hindi ko nga alam kung nasaang lupalop na ng mundo si Gideon eh! And besides, pagod na ko. Wala na kong balak pang pumasok sa isang relasyon. Pare pareho lang kayong mga lalaki kayo!"
"Hey!" abante ko sa kanya. "Hindi lahat ng lalaki pare pareho." mariing bulong ko.
"Then what makes you different?" lapit din nya at mariing bulong sa mukha ko.
I paused to think and answered.
"Tinitigasan ako." bulong ko sa mukha nya. "Matigas na matigas."
"Asshole!" bayolenteng reaksyon ni Contessa sabay hampas ng minasang harina sa mukha ko.
Aba loko to ah!
Dumampot ako ng pulbong harina at pinaulan sa kanya.
"Haha!" tawa ko sa itsura nyang mukhang white lady.
Dumampot naman si Contessa ng itlog at sinampal sa mukha ko.
"Haha!" tawa din nya. "Mukha kang naiputan!"
"Naiputan pala ah!" reaksyon ko sabay dakot mantikilya at lamas sa mukha nya.
"Ipasok na kaya kita oven." bulong ko pa habang pinupunas sa magkabilang pisngi nya ang mantikilya.
"Subukan mo!"
"Yeah I would!" sagot ko sabay bitbit sa kanya at patong sa balikat ko.
"Hoy!" pagpupumiglas nya.
I settled her down and cornered her.
"Hey.." hawak ko sa mukha nyang naglalagkit na.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
Ficción GeneralOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...