Chapter 24: Ano na Giddy!!

991 39 60
                                    

Author's Note:

Two chaps combined ito. Thanks.
--------------------------------

Gideon's POV

Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na ko.

Kanina pa ako nandito sa banko dahil sa patong patong na problema.

Napatingin ako sa babaeng kausap ko at napakunot ang noo. Kanina pa nya ko sinusungitan. Kahit anong sabihin ko, hindi makaubra-ubra sa kanya.

"Oh? Ano pang inaantay mo?" sipat nya sa akin. "Tsupi na! Sosorpresahin ka na lang namin kung ano ang kukunin namin bilang collateral. Is it your house or your restaurant?" sabay tawa nya nahahawig sa mga nasasapian.

God! Anong ugali to?! Umiling na lang ako at patuloy na nakiusap.

"Cmon miss! Konting buwan pa, makakabayad na ko ng loan! Pramis!" lapit at gigil kong bulong sa kanya.

"Utot mo!" sagot nya pabalik. "It's already been years, kahit nga interes di mo na mabayad bayaran eh! Ano pa yung totoong utang? Get it? I don't run a charity here dude!"

"Look." pakiusap ko pa. "Kababalik ko lang bansa! Nagstruggle ang business ko nun wala ako but since Im here, for sure-"

"Problema ko?" sabat nya. "A loan is a loan, a collateral is a collateral!" dugtong nya kaya napasandal ako sa upuan ko at napakusot sa mukha.

Nak ng pating. Im screwed. bulong ko.

Nagloan ako ng malaking halaga para mapasahod ang mga empleyado kong naiwan and yet, mauuwi din pala sa wala.

Nagsisisi tuloy ako. Kung hindi lang sana ako nangibang bansa, hindi ako makakaproblema ng ganito. I looked at my dick and felt like punching it hard.

Kasalanan tong lahat ng hayup na to eh! Walang hiya kang patola ka! Dahil sayo nagkalech leche ang buhay ko! Una, iniwan ako ng asawa ko. Pangalawa, mawawalan pa ng trabaho ang mga tao ko!! Buti sana kung nabalik mo ang asawa ko eh, takteng yan! Wala ka din namang nagawa! Katayin kaya kita ngayon na?!

Natigil ang pag-momonologue ko sa sarili ko ng mapatingin sa babaeng kausap ko. Ang sama nya kasi makatingin.

Napailing na lang ako. Grabe tong bruhang to. Lahat ata ng ganda nya, napunta sa mukha. Di man lang naambunan ang ugali. Kung bigyan lang sana nya ko ng ilang buwang palugit, paniguradong maayos ko ang lahat.

Nagpatuloy ako sa pakikipagtitigan ng taasan na nya ng kilay. At di lang yun, sinenyasan pa nya ko ng tsupi!

Grabe na talaga! This is the most rude woman Ive ever met! Parang gusto ko tuloy magpaboxing match at makitang patumbahin ni Contessa ang babaeng to!

Tumayo na ako sa pag- kakaupo at matapang syang hinarap.

"Ganyan ka ba talaga?" sipat ko. "Konting konsiderasyon di mo maibigay? May asawa ka ba ha? Pamilya? Kung ang pamliya mo ang maipit ng ganito? Diba magmamakaawa ka din para masalba sila?!"

Tumayo na rin sya at inihampas ang dalawang palad sa lamesa sa harap ko.

"Hoy Mister Cabrera Galleon-"

"Its Gideon!" sabat ko.

"Fine Gideon!!" ulit nya sa pangalan ko. "Oo! May pamilya ako! At may asawa ako! At kung ganyan man ang asawa ko na nangutang at hindi mabayad bayaran eh punyeta nya-"

"EHEM!!" sipot ng isang lalaki sa likod ng babaeng nag-aasabaluta.

Dumampot ang lalaki ng kumpol na papel at sinapok sa ulo ng babae.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon