Super double time. 2 chaps to go till epilogue. Gusto ko ng tapusin to!! As in! Mahaba to! Grr! Rawr!! Char!! Haha!
-------------------------------------------
Seth's POV"Boss, congrats!"
"Kaw na Boss!"
"Ay sus! Hanep naman pala tong si Boss magpasagot ng babae eh!"
I just smile forcibly in everyone in return.
All who passed by me tap me in the shoulder, shake my hand or gesture me a thumbs up. I cant believe what I did the other day surfaced on media. Oo, napalabas sya sa telebisyon at nagkalat sa internet.
Oddly, I dont feel embarassed by it.
Anyways, all those are being deleted now. Si Dad pa ba? Nagulat nga ko ng di nya palayasin eh.
"Hey Boss." lapit ng Manager ng Pandoras Ristorante at tapik sa balikat ko. "Kailan ang kasal?" ngising tanong nya.
"Soon." sagot ko na lang para patulan ang pang-aasar nya.
"Sus, ituloy tuloy mo na yan. Baka matakasan ka pa ng babae, laki na ng hirap mo jan ah." aniya.
I just snorted. Si Contessa? Tatakasan ako? Mamamatay muna ako bago mangyari yun.
"Nga pala, nasaan na ang maswerteng babae? Porket girlfriend ng may-ari lagi ng late? Kakaltasan ko na yan. " tanong nya kaya napatanaw ulit ako sa mga paparating na sasakyan.
Nasa labas ako ng resto at kanina pa inaantay ang pagdating niya.
I checked my watch and its already 9:30.
Kahit ang manager nahahalata na ang pagiging late nya. Naalala ko tuloy yung araw na pumunta ako sa kanila at napagalamang umalis din sya ng maaga. Now Im really getting curious. San ba sya nagpupunta tuwing umaga?
"Nakaw natakasan ka na ata." banat nya kaya pinanlisikan ko sya ng mata.
"Joke!" taas nya ng kamay. "Ayan na oh!" turo nya kaya napatingin ako sa tinuro nya.
One familiar car parked in the driveway. I know this car. Its Contessa's
"Sige Seth, pasok na ko sa loob." senyas ng lalaking kausap ko pero di ko na sinagot. Nakaabang lang ako sa bagong dating na sasakyan.
Bumukas ito at sa wakas lumabas si Contessa. Our eyes automatically met.
Well, I didnt expect this. Ang akala ko dahil sa sobrang saya namin kahapon ay tatakbo sya papunta sa akin. Pero ngayon, nasa malayo pa lang sya, ramdam ko na ang lungkot nya. I was even sure she just cried.
I dont know why. I cant think of any reason. I was speechless. I cant even drag my legs to run to her.
Naglakad na sya papunta sa akin at ramdam kong pabigat ng pabigat ang bawat hakbang nya.
Wala akong maialok para gumaan ang loob nya. Ayoko rin sya tanungin at baka umiyak lang sya. Instead, I just spreaded my arms to her.
Lumapit sya at dumiretso naman ng yakap sa akin. She wrapped her arms around my waist and rested her head on my chest.
Napapikit ako. I just hugged her real tight in return. My chin on top of her head, my palms at the back of it, letting it lie near my heart and my other hand around her shoulders.
I patted her head too. No words spoken. Hinalikan ko lang sya sa may ulunan nya.
I want her to feel my love and comfort. Na kahit walang magsalita sa amin, naiintindihan namin ang isat isa.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...