Chapter 8: Seth's Return

1.7K 54 27
                                    

Seth's POV

Hindi ko alam pero mga dalawang oras na yata akong nagsasalamin kakapalit palit ng damit at hairstyle.

Ni hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, what the heck?! Pupunta lang naman ako sa Cabrera para tuparin ang pangako kong makipagbati kay Gideon ah!

But when I tried put on just a plain shirt and jeans, napapabalik ako sa harapan ng salamin. I was thinking that I cannot face Contessa looking like a cheap guy! But then I thought, teka nga, why would I care of how Contessa thinks?!

After all the struggles, I just decided to put on my best polo, expensive jeans and most stylish shoes.

Inaayos ko rin ang naka-gel kong buhok at kinausap ang sarili ko.

"Kaya ko to! Si Gideon na patay ang patola lang naman ang kakausapin ko!!"

Lumabas na ko sa inuupahan kong kwarto ng sitstan ng taga-kabila.

"Naks Seth, aakyat ng ligaw?" pang-asar nya kaya napatingin ako sa sarili ko.

Damn he's right, I look like some guy going to a date with my girlfriend.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon pansin ko na kung paano ako sundan ng mga mata. Especially women, lingon sila ng lingon sa akin. That's not all, they are even whispering.

"Bespren, pakipulot nga yun panty ko. Nalaglag ata." rinig kong bulong nun isa na nagaantay sa waiting shed.

"OMG teh! pahiram ako ng iPhone 6 mo! Pipictyuran ko lang ang future ko gamit ang mataas na megapixels!" sabi nun isa kaya napayuko na ko lalo na't tinutok nya yun camera sa mukha ko.

Ano ba naman to! Mula nun umalis ako sa poder ng magulang ko, di na ko nasanay sa ganitong atensyon. Oo dati sanay ako sa mga compliment pero di na ngayon. Binilisan ko na lang lakad ko para makarating na agad ng Cabrera.

Ive reached the restaurant and exhaled in relief.

"Hay sa wakas.." sabi ko sa sarili ko sabay bukas ng glass door.

I entered and all eyes automatically landed on me.

I even had a glimpse of one girl drinking her juice at literal na tumulo ang juice sa bibig nya pagkakita sa akin.

Brando, Gideon's gay waiter shrieked as he saw me. Nak ng tokwa. Sa tinis ng tili nya, napalabas ng kusina si Gideon.

Tumitig ako pero umiwas din agad. Naalala ko kasi ang walang hiya nyang pakiusap at naalala ko rin kung paano ko sya sinapak.

Well this is really awkward. Nagtitigan kami pero wala talagang gumagalaw.

Sa likod ni Gideon sumulpot ang isang babae at awtomatikong tumigil ang paghinga ko.

Contessa is smiling at me. Damn. Ngayon masasabi ko na ako naman ang tulo-laway.

She nodded, gesturing at me to approach Gideon. At ako naman tong si uto uto sa babaeng to ay lumapit nga kay Gideon.

Susmaria! Di ko na alam ang nangyayari sa akin. Para akong puppet ni Contessa!

"Uhh..." kamot ko sa ulo ko.

Hindi rin nagtagal nilahad ni Gideon ang kamay nya. Inangat ko ang tingin ko at nakangiti sya sa akin.

Di lang yun, sa isang iglap nawala lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanya.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon