Chapter 30: Rounds pa more

1.3K 41 44
                                    

Gideon's POV

"Hey Giddy."

"Hmm?" tugon ko sabay dilat ng isang mata.

"Napagod ka?" tanong ng babaeng katabi ko ngunit di na ko sumagot.

Ngumiti na lang ako.

I now opened both my eyes to stare at her more clearly.

This is it. Its her. I cant believe that my thought of "Its her" in the past is now a reality.

Her. Sya lang. Si Contessa. My newlywedded wife.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko ng mapansing suot pa rin nya ang wedding gown nya.

Kakatapos lang ng kasal namin ngunit di pa rin ako makamoveon. Sa wakas ang pangalan ko ay kanya nya. Nangingiti talaga ako na parang tanga.

"Hoy Giddy!" bangon na nya para hampasin ako ng unan.

"Aray bakit?" tanong ko sa ginawa nya.

"Bat ka kasi nakangiti?! Nakakaloko ka ah!!" aniya kaya hinablot ko sya sa braso para hatakin at yakapin.

"Wala!! Ang ganda mo lang kasi sa wedding gown mo!" paliwanag ko. "Pwede bang suot mo yan araw araw?" banat ko pa.

"Gideon!" kawala nya sa akin. "Yung ibang lalaki jan excited hubaran ng wedding gown ang asawa nila pagkauwi tapos ako susuotan mo?!!"

"Eh anong magagawa ko." sagot ko sa kanya. "Everytime I see you in your wedding gown it makes me really really happy." ngiti ko ulit na parang tanga.

"Alam mo yun. Naalala ko kung paano ka sumumpa sa simbahan na magiging akin lang. Yung linya mo Contessa na ako lang ang mamahalin mo habang buhay, sasamahan hanggang sa pagtanda. Hay nako mahal, kala ko mamatay na ko sa-"

Natigil ako. Sya naman ang nakangiti ngayon.

"Eh kaw naman ang nangingiti ngayon?" asar ko.

"Eh totoo naman yun eh." higa nya at yakap sa akin. "I cant think of someone else."

"Talaga ba? Habambuhay?" pagkklaro ko sabay suklay at ipit ng buhok sa tainga nya.

"Oo nga!!" hampas nya sa dibdib ko.

"So you mean I get to see this face everyday for the rest of my life??" hablot ko sa mukha nya at pisil dito.

"Aray Giddy!! Oo nga!!" hampas nya ulit.

"Kung gayon masaya pala lagi ang umaga ko!" banat ko kaya nakatanggap ako ng huling hampas sa braso.

She tucked herself so close to me to snuggle.

I now embraced her so tight in return and kissed the top of her head.

"I love you Giddy." biglang sambit ng babae sa gitna ng katahimikan.

Simpleng I love you lang ito pero di ko alam kung anong emosyon ang biglang naramdaman ko. Yung para bang naiiyak na natatawa.

Its just that every word she said was felt by my heart. Simpleng I love you pero ramdam ko. Ramdam kong di na ko mag-iisa at may kasama na ko habambuhay.

Hindi na ko sumagot at sa halip, niyakap na lang sya ng napakahigpit.

Then it just happened. I just cant control my emotions. Naiyak na lang ako.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon