Chapter 32: Happy Birthday Seth!

1K 30 33
                                    

Contessa's POV


Kanina pa ako gising sa totoo lang.

Hindi naman kaninang kanina pa kundi.... okay, alright, Im lying, kanina pa ko gising, magdadalawang oras na, magdadalawang oras na kong patingin tingin sa orasan.

Di lang ako makabangon sa di malamang kadahilanan.

Is it hangover? Or am I waiting for Gideon to come back up?  I mean mula nun mamulat ko ang mga mata ko ay wala na si Gideon.

I looked at the clock again and its right past 10am. Yep, Im definitely late for work and it seems like I dont care.

Wala lang ba kong paki kung masisante ako o mataas ang confidence ko na hindi ako sisisantihin ni Seth?

Bumangon ako at agad napahawak sa ulo ko.

God, I suddenly pressed my temples so hard and yeah, I just confirmed, its hangover. Seriously, what did I drink last night

The bedside table suddenly caught my attention cause theres unusually a lot on top of it.

Kinuha ko muna ang papel na may nakasulat na malaking "Con"

I opened it and it says: "Kilala kitang babae ka, I know you dont want this but drink this please. Get rid of your hangover -Giddy"

I saw a pitcher of water and beside it was a thermos.

Binuksan ko at yuck. Naamoy ko and I knew it. Its Ginger Tea.

Agad ko itong tinakpan at isinauli sa lamesa. Manigas ka Gideon. Theres no way I would drink your disgusting Ginger Tea.

Tumayo na lang ako sa kama at nakapagdesisyon na puntahan si Gideon sa baba.

Confident ako na nandiyan lang sya.

Im really sure, kilala ko sya. He's not the type of guy who is immature. Hindi sya ang tipo ng lalaking naglalayas o nagpapa-miss tuwing may hindi kami pagkakaunawaan.

"Hindi mo ininom noh." diretsong bungad nya pagkakita sa akin.

"Uhh.."

"Kahit kailan ka talaga ano?" ngiti nya sabay senyas sa akin para maupo sa hapagkainan.

I sat and he put something in front of me.

"Siguro naman ito, iinumin mo na." pahayag nya sabay tiklop ng braso sa harapan nya.

Napakunot ang noo ko. Seriously, he acts like my dad now.

Inamoy ko muna at nagtatawa sya.

"Cmon Con, di yan luya. Peppermint yan."

"Ah. Dapat kanina mo pa sinabi." banat ko sabay shot sa tsaa.

"Much better?" matamis na ngiti ni Gideon kaya natulala na lang ako at napatango.

God. I missed that smile. I will miss that smile.

Hinawakan nya ko sa may ulunan at tinapik tapik ang ulo ko.... hanggang sa unti unting mawala ang ngiti nya.

"Ah right, yun niluluto ko!" pitik nya sabay balik sa kalan.

Napakagat na lang ako sa labi at pinanood na lang si Gideon na inabala ang sarili sa pagluluto.

I sighed. I thought this last day would be easy, but no, it keeps on getting awkward.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon