Chapter 29: The Cabreras

1.2K 45 74
                                    

Author's Note:

Uyy I'm back haha. Di ko akalaing makakabalik pa ko haha! Isusuko ko na sana to eh.
----------------------------------------

Gideon's POV

"Iho naman, baka mabasag yang salamin ng sasakyan ko. Kanina ka pa eh. Baklasin mo na lang kaya at iuwi?"

Napatingin ako sa pinanggalinggan ng boses at nakita ang isang matandang lalaking nakaupo.

May hawak syang tungkod sa kaliwang kamay at baso naman ng kape sa kanan.

Wala akong naisagot at sa halip tumayo na lang ako at nakiupo sa mesa nya para magpaliwanag.

"Pasensya na Tay, ang hangin kasi eh. Inaayos ko lang ang buhok ko." banat ko kaya napaismid sya.

"Eh kaw naman kasing bata ka! Bat ka nagmotor?! At bat di ka pumasok sa loob!" sermon nya sabay nguso sa loob ng coffee shop.

Kasalukuyan kasi akong nakatambay sa isang coffee shop ngunit mas pinili kong tumambay sa labas at baka biglang dumating si Contessa. Mahirap na at baka dumating ang babae at mainip. Maiwan pa ko ng wala sa oras.

Oo. Si Contessa. May date kami at dito namin napiling magkita.

"Ano boy? Pasok na sa loob kung ayaw mong magulo pa yang buhok mo!!"

"Nako Tay, wag na!" apela ko. "Padating na din naman yung inaantay ko. "

"Padating?! Aba'y grabe naman yang inaantay mo! Magkasabay lang tayong dumating at alam kong tatlong oras na tayo dito!" bagsak nya ng baso nya kaya pinakalma ko.

"Teka Tay! Ako ang may kasalanan! Napaaga ako!! Alas nuwebe ang usapan namin!" ani ko.

"Ah talaga ba?" ngisi nya kaya nagtaka ako kung bakit.

"Bakit ho?" tanong ko.

"Aba'y babae yan noh!!" dutdot nya sa akin ng baston nya kaya nangiti ako at napahawak sa buhok kong kanina pa ginugulo ng hangin.

"O Tay alam nyo pala eh!" asar ko sa kanya.

"Aba'y oo naman!! Gawain ko rin yan eh! Ikaw nga tatlong oras palang, ako nga nun panahon ko umaabot ako ng limang oras makasama lang ang nililigawan ko. Di pa tirik ang araw, nasa tagpuan na ko!" pagmamayabang nya kaya mas lumapad ang ngiti ko.

Sasagot na sana ako ng may mahagip ang mga mata ko.

Si Contessa.

And she is fast approaching me.

Hindi dahil excited syang makita ako kundi dahil galit sya... I think?

Alam nyo yung pagalit na pasugod?

But I dont care. This is it. Ang asawa ko. Dumating sya.... di nya ko ininjan!!

Di ko inda kung ano man ang pasok nya. Slow mo sya sa paninigin ko. Its just like the same Contessa before. Wearing cute dresses everytime we go on a date and her hair-

"Aray!" tanging nasabi ko ng suntukin nya sa balikat at magising sa pagkatulala.

"Dyos ko Giddy! I knew it!" talak nya. "Maaga ka nanaman!! Dapat gumising pa ko ng mas maaga! Di ka pa rin talaga nagbabago!!" pagsusungit nya.

Pinasadahan ko sya ulit ng tingin at napansin kong hingal na hingal sya. Imbis na mag-alala, napangiti ako.

I knew it. She ran to me. Which means, she still cares for me.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon