Gideon's POV
"Gideon, kahit ilang taon pa tayong di magkita, di pa rin ako kakain nyan!"
Reklamo ni Contessa sabay salpak ng paa ng manok sa bibig ko.
I just snickered with her violent reaction. Alam ko namang di sya kumakain ng paa ng manok. Sinubukan ko lang at baka nagbago na sya.
"Mahal, dapat sinusubukan mo muna. Malay mo magustuhan mo. Its really good actually. Isaw ka lang ng isaw, nakakasampu ka na kaya!"
"Giddy.. ewan ko ha.." kibit balikat nya. "Alam mo un. Nakatapak kasi yan sa lupa. It seems dirty to me."
I snickered again with what she said.
"Mahal! Eh anong gusto mo?! Mag-sapatos yung manok?!"
"Gideon!" padyak ni Contessa sa pagkairita kaya tuluyan na kong natawa. I just imagined a chicken wearing shoes!
"Fine! Ayoko lang talaga, kahit mag heels pa yan o rubber shoes, ayoko talaga!" banat nya kaya mas lalo akong natawa.
Really! Contessa is a natural joker! She's innocently cute!
"Cabrera?" lumingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ng makita ang isang lalaking pinagkakautangan ko ng malaking utang na loob.
Ang Presidente ng Bankong inutangan ko ng loan. Si Sir Gab.
"Oy Sir Gab!" tugon ko sabay punas sa kamay kong amoy inihaw sa damit ko at abot sa kanya. "Gandang gabi po sir." dagdag ko habang nakikipagkamay.
"Yeah yeah, stop being so formal." wagayway nya ng kamay nya. "Hey you seem happy now compared the last time I saw you huh." tugon nya kaya napangiti ako.
"Kung gayon okay na kayo? Is she your uhh..." bitin na pahayag nya sabay nguso kay Contessa.
"Ah yes!" ngiti ko sabay akbay sa babae.
"Contessa po, sir. Ang asawa ko." pakilala ko. "Mahal, ito nga pala si Sir Gab Poñe... uhh...you know... yung may ari ng Stratford Bank sa tapat ng resto." baling ko naman kay Contessa.
Napatingin ako sa lalaki na napokerface ang mukha. Marahil malamang sa muntik ko ng mabanggit sa apelyido nyang Poñeta.
"Ah talaga?!" masiglang tugon ni Contessa kaya gumaan ang paligid. "Nako, may savings kaya ako dun sa inyo. Dali, you can check!" nakangiting banat ng babae na may halong hampas pa kaya halos magpigil ng tawa si Gab.
Seriously Contessa! Why the hell would the bank president bother to check your account?! Minsan talaga tong si Contessa may pagka adik din eh.
"Yeah I'll probably do that if I'm not busy." kindat ni Gab sa asawa ko sabay tanggap sa kamay nitong nakalahad.
"Oy kaw ba yan Galleon I mean, Gideon?" biglang sulpot ng asawa ng Presidente sa likod nito.
"Madam!" gulat na reaksyon ko. "Mahal, asawa ni Sir Gab, si Madam Maggie." pakilala ko kay Contessa sa bagong dating na babae.
"Aww cmon Gids! Drop the Madam! Maggie na lang!" sundot nya ng barbecue stick sa balikat ko. Aray ha!
"And she's?" dugtong ni Maggie sabay baling kay Contessa.
"Contessa po. Asawa ko."
"Aww really? May asawa ka? How cute!" banat ni Maggie sabay hatak kay Contessa.
"Sa wakas ibang makakausap!" litanya ni Maggie. "Dun lang kami sa gilid at baka sya may sense!" aniya na parang nagpapatama kay Gab.
Tumingin ako kay Gab at balik sa pokerface ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
General FictionOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...