Chapter 26: Seth's truth or Dare

892 29 35
                                    

Seth's POV

"Oy matunaw yan."

"Sh*t!" talon ng puso ko ng may bumulong sa tainga ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang hininga nya dito.

"F*ck! Dont do that again!" bato ko ng mga papel sa mukha ng bumulong sa akin.

"Boss Seth naman!! I just arranged that!!" reklamo nya dahil nagkalat ang mga papeles na kakaayos lang nya.

"Eh loko ka pala eh! Kung di mo ko ginulat, di sana mangyayari yan!"

"Oy FYI Boss! Di kita ginulat! Kanina pa ko nandito sa loob at salita ng salita!! Wala kang naririnig! Titig na titig ka kasi diyan sa jowa mo!!"

"Oy FYI ka din! Di ko sya tinititigan! Inaantay ko lang sya!" sagot ko.

"Weeh! Inaantay pero di kumukurap?!" pambabara nya.

"Teka nga! Ano bang problema mo ah!" apela ko na.

"Wala akong problema Boss, may iniisip lang kasi ako sa inyong dalawa!"

"At ano naman yon?!"

"Im just thinking that..."

"Thinking what?!" sabat ko na.

"Na mahal ka ba nyan?!" bulalas nya sa wakas.

Natahimik ako sa tinanong ng empleyado ko. Oo, empleyado ko sya pero matagal tagal na kaming magkakilala. Alam kong kaibigan ko sya mula ng magsimula akong luminya sa negosyo.

"Oo. Mahal ako nyan." matipid na sagot ko kaya kumunot ang noo nya.

"Boss, alam ko di tayo tropa pero halos nakilala ko na lahat ng babae mo. May babae na alam ko pera lang ang habol sayo at may babae na mahal ka talaga. Pero ito? Ikaw lang ang tumitingin sa kanya. Di ka nya tinitigan kung paano mo sya tignan. Masisisi mo ba ko kung magduda ako?"

Natahimik ako at tumingin kay Contessa. Bumubulong ako sa sarili ko. Cmon babe look at me, show this guy that you will look my way..

Limang segundo, sampu, labing lima.. wala.

"Hey guess what." banat ko nalang. "Fourth monthsary na namin ngayon at nag-bake sya ng cake para sa akin." pangmamayabang ko sabay pakita ng cake sa harapan ko.

"She's a baker Boss, of course she will bake. She should have given you something out of her world. Yung kakain ng effort nya. Yung paghihirapan nyang ibigay at mararamdaman mong mahal ka nya." sermon nya kaya wala na kong nasabi.

Alam ko ang punto nya. Pero anong magagawa ko? I cant demand anything from Contessa. Natatakot ako na iwanan nya pag nanumbat ako. Kaya ito ako, nagtitiis at nag-aantay.

"Sorry. I said too much. Happy monthsary na lang boss." saludo nya at lumabas na sya ng opisina ko.

Napahilot na lang ako sa sintido ko tapos ng mga nasabi nya. Damn! Alam ko na naman na halos one sided to! But why does he have to rub it in my face! Ganito na ba ko kamukhang ulol sa harap ng mga empleyado ko?!

"Seth!!"

Napaangat ako tingin ng marinig sa wakas ang boses ni Contessa.

"Did you wait long? Si Ms. Meg kasi eh." paumanhin nyang lapit sa akin.

"No no.. its okay.." sagot ko kahit inip na inip na ko kanina pa.

"Lets go?" aya ko.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon