Chapter 17: Patola Awakening Part 2

1.1K 42 16
                                    

Gideon's POV

"Sige na Iho, umuwi ka na.."

Pokerface akong tumingala sa matandang tagapagbantay ng bahay nila Contessa at umiling.

"Kuya naman eh! Lagi na kong tambay dito! Hindi nga po ako uuwi! Ulit ulit naman tong scenario natin eh!"

"Ay nako Iho! Sige na! Ang dungis mo na oh!" giit nya dahil halos nakahiga na ko sa sahig. Eh paano ba naman, apat na oras na ata akong nakatambay pero di pa rin nilalabas ni Contessa.

"Hindi nga pwede kuya! Nasan ba kasi ang asawa ko ng makaalis na ko!" sagot ko.

"Iho, wala nga sya dito! Ano ba kasing problema nyong dalawa?! Nanggugulo kayo eh!"

"Anong wala?! Yung totoo?! Araw araw na kong nandito oh maglolokohan pa ba tayo!"

"O sya sige! Nandito sya! Pero ayaw na nya sayo Iho!"

"Kuya! Asawa ko yun! Hindi pwedeng ayaw na nya sakin!"

"Oo nga, pero-"

"Contessa!!" sigaw ko sabay lagpas sa matanda.

"Contessa! May kailangan lang akong sabihin!! Parang awa mo na!! Magusap naman tayo! Two minutes lang!!"

"Iho! Please umalis ka na!" awat nya.

"Teka Kuya!" apela ko.

"Contessa! Kung totoong minahal mo ko, please!! Ano ba naman yung isang tapak sa labas ng-"

Natigilan ako ng bumukas ang pintuan ng bahay nila at lumabas sya. Di ko maipaliwanag pero literal na huminto ang mundo ko.

Parang unang beses ko ulit syang nakita. I just missed her so bad.

Halos magkandarapa ako palapit para yumakap sa mga paa nya.

"Mahal ko.. mahal ko.." bulong ko habang nakaluhod sa kanya.

"Okay na tayo diba? You already got your time and space right? Naiintindihan mo na ang mga nangyari diba??" dirediretsong banat ko pero patay na reaksyon lang ang ipinakita nya.

"Gideon, tapos na tayo. Pede ba umalis ka na." matigas na sambit nya.

"Hindi Contessa! Buong buhay ko sayo lang ako tumingin at titingin! Please wag mo naman ipagdamot sakin yun! Hayaan mo kong manatili sa tabi mo!"

"Pwes tumingin ka na sa iba! Hinding hindi kita mapapatawad!"

"Contessa naman! Parang awa mo na!" luhod ko. "Isa pang pagkakataon! Pangako magiging buo na tayo!! Maayos natin to! Pagpapatawad lang sana!"

"Hindi na Gideon! Ang plato ba pag nabasag, mawawala ang lamat pag binuo? Diba hindi?! Ganon din tong puso ko kaya tantanan mo na ko!" hiyaw nya pero di ako nagpaawat.

Hinawakan ko sya sa braso at sapilitang kinarga. Itinakbo ko sya kaya wala ng nagawa si Kuyang tagabantay.

"Hoy Iho!!" sigaw nya ngunit di ko tumigil.

"Gideon ano ba!!"pagpupumiglas ni Contessa kaya dali dali ko syang ipinasok sa isang fastfood.

"Please Contessa, sana mapigilan nitong dami ng tao ang pagwawala mo. Pangako, saglit lang to. Pakinggan mo lang ako." pagmamakaawa ko kaya nailing na lang ang babae.

Naupo sya sa bakanteng upuan kaya sumunod ako.

"Pagkain?" alok ko ngunit banas lang nya kong tinignan.

THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon