Gideon's POV
"3.5"
"3.6"
"3.7"
Nagkatinginan kami ni Brando habang binibilang at pinapasok ang mga pinaghirapan naming pera sa Currency Counting Machine.
The one who's counting our money is the easily irritated wife of the Bank President. And as far as I can recall, her name is Magenta.
Im watching her and Im actually amazed. She's shuffling and counting money bills as if they were play cards. Ambilis nya. Ive never thought she's got skills for this. Akala ko sa pamimilosopo at pambabara lang sya magaling.
"3.8"
"3.9"
"4 Million." pagtatapos nya sa pagbibilang kaya napangiti ako ng wagas.
No words. Napangiti na lang ako ng malupit.
"Boss Chef!! Yey! Nagawa natin!!" excited na yugyog ni Brando na halos baliin na ang mga buto ko. Gayunpaman, di ko ininda. Masyado akong lutang sa accomplishment na nagawa ko.
"Hey!" pitik sa amin nun Magenta. "Mamaya na ko magsaya at di pa ko tapos. I'm gonna deposit this right?" pagsusungit nya sa kasiyahan namin kaya napatango na lang ako.
Wala pa din ako masabi. Tango na lang. Im still speechless.
"To Mr. Seth Felix Asturia's account diba?" kumpirma nya kaya napatango ulit ako.
Inikutan nya ko ng mata at nagsimula syang magpindot sa laptop nya.
"Really huh? Why fckin return his money? Bayad na nga oh. Palibhasa kayong mga lalaki kayo, pataasan kayo ng pride. Ayaw nyong tumanggap ng tulong sa iba. Yang mga mukha nyong makakapal blah blah blah.."
Kunot noo kaming nagkatinginan ni Brando habang mukhang baliw na nagsasalita yun Magenta. Then I thought, siguro may mga issues sya sa asawa nya kaya sa amin nya binubunton ang pagsusungit nya.
Pagkatapos ng ilang minuto, hinarap nya ang monitor sa amin at..
"There! Four Million deposit done! To Mr. Seth Felix Asturia's account!" anunsyo nya kaya hindi ko na napigilan.
Naluha na ko. Pumutok na ang luha ko.
Siguro yung saya ko kanina ay umapaw na kaya napunta na sa iyak. Or maybe I'm just too overwhelmed that after these months of struggles, all my labors paid off.
Yung halos mabaliw ka sa saya dahil sa wakas nakawala ka na sa kasunduan nyo ng isang Seth Asturia.
Sobra ang naging paghihirap ko at ng mga tao ko. Nagluto, nagbukas ng bente kwatro oras, nag delivery service, halos magmakaawa na sa mga tao pumasok lang sa resto at kung anu ano pang sideline masauli lang kay Seth ang perang inabono nya.
With this, I worked non stop. Sinabi ko sa sarili ko, kapag napabilis ko to, mas mabilis din akong makakabalik kay Contessa.
Ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko kahit anong pagpapatahan sa akin ni Brando kaya kunot noo na ring napatingin ang babaeng taga banko.
Hindi ko talaga mapahinto. Nagbunga ang pagod ko at sa wakas may karapatan na ko para balikan si Contessa. Mahal na mahal ko talaga ang asawa ko na kahit gumapang pa ko sa lupa ay pupuntahan ko sya.
"Hoy! Hala ka diyan!" talak na nun Magenta sabay hampas ng palad nya sa lamesa.
"Kung di ka naman shonga! Padepo deposit ka tapos iiyak ka?! Nak ng tokwa ka naman oh! Ano?! Paano na to?! Napasok ko na! Dagdag trabaho ka naman eh!" hiyaw nya ngunit di ko na inintindi.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED HUSBAND (Cause Battered Wives are too Mainstream)
Tiểu Thuyết ChungOras na para ang mga lalaki naman ang ma-batter. Lagi na lang mga babae ang nagkaka-black eye at nasasabunutan. Joke! Haha! Paalala: Hindi ginawa tong storyang to para ispoof ang karamihan sa mga storya ngayon tungkol sa Battered Wife. The word "Bat...